"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ni Anthony kay Jake.

Tinitigan niya ako bago siya tumalikod at dumiretso sa elevator. Ngayon ay si Jake na lang ang naiwan. Nabigla ako nang tinalikuran ako ni Jayden at kinuha niya ang cellphone niya.

"So... Cha... I'm sorry sa panggugulo ko sa inyo." Aniya.

Nakabaling ang atensyon ko kay Jayden na ngayon ay may kausap na sa cellphone niya.

"Pababa na siya- Oo- Ako na ang bahala."

Ano? Sino kaya ang kausap niya?

"It's okay, Jake. Panu na yan? Nagkahiwalay na kayo ni Justice. Makipagbalikan ka sa kanya. Kung gusto mo susubukan kong kausapin siya?"

Umiling si Jake, "Hindi na siguro. Matagal na rin kaming mejo shaky. Alam mo na. Mahirap ang long distance. Nasa States ako ng ilang taon at nandito lang siya. Hindi ko nga alam kung ganun parin ang nararamdaman niya sakin o nanghihinayang lang siya." Aniya.

"I'm sorry."

Ngumiti siya ng isang malungkot na ngiti. Bumukas ang bibig niya na para bang may sasabihin pa siya pero sumulyap siya kay Jayden at tinikom na lang ang bibig niya.

Binaba ni Jayden ang cellphone niya saka hinawakan ang braso ko.

"Let's go, Cha. Pahinga na muna tayo." Binalewala niya si Jake.

Kaya ako na lang ang nag paalam kay Jake.

"Sorry, again, Jake. Papasok na kami sa condo."

Tumango si Jake at tinalikuran na rin kami.

Hinila ako ni Jayden. Ngayon ay seryoso at galit ang mukha niya.

"Sinong kausap mo sa telephone?"

"Yung bodyguard mo." Aniya.

WHUT?

"Meron ba ako nun?" Tanong ko nang nakakunot ang noo.

"Oo. Manhid ka kasi kaya di mo nararamdaman pero pinapasundan ka ng daddy mo sa mga bodyguard mo. Sa Manila ka lang tinantanan kasi nandun ako. Pero dito sa Cebu? Nakaaligid sila sayo nang di mo namamalayan."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"At kung hindi ka pa tuluyang tatantanan ng Anthony na iyon ay ipapakulong ko siya. I don't want anyone touching you, Cha. Na ha-highblood ako tuwing naiisip ko iyong mga pilit niyang halik sayo. Kahit na kay Jake, nahahighblood ako. Seriously, puro pagboboyfriend ba ang inatupag mo noong college at bakit ang dami mong nakarelasyon?"

Kumunot ang noo ko at ngumuso. Napansin niya iyon kaya hinagkan niya ako pagkabukas ng pintuan sa condo.

"I just hate your exes. Kung sana inagahan ko ang pagdating sa buhay mo para ako ang unang halik mo. Unang ka holding hands. Unang lahat. Buti na lang ako ang nakauna sayo sa kama at baka hindi matahimik ang kaluluwa ko kung may nauna sakin."

Hindi ko mapigilan ang pag angat ng labi ko. Napangisi na talaga ako. Natutuwa talaga ako sa mga sinasabi niya. What happened to freedom?

"Kung noon pa kita nakilala, baka hindi magiging tayo. You know, I'm obsessed with freedom, Jayden. Ayaw kong may boyfriend kasi nasasakal ako. Kung meron man akong maging boyfriend, gusto ko parin ng freedom. Hihingi ako ng space."

"You want to try me, Charity?" Ngumisi siya. "Tingin mo talaga hindi ka mahuhulog sakin kung dumating ako ng mas maaga."

Tumango ako at ngumisi.

"Really?"

Mariin akong tumango.

"Wanna bet?"

"Paano natin malalaman ang sagot eh hindi na natin maibabalik ang panahon?" Tinaas ko ang kilay ko. "Jayden, I swear, kung malala na ang tingin mo sakin ngayon, mas malala ako noong college. Noong highschool."

Ngumisi siya, "Mas malala din naman ang topak ko noong highschool, Cha. Baka mabaliw ka sakin."

Napangiwi ako, "I doubt it."

Idiniin niya ang dibdib niya sakin. Napaatras ako dahil matigas at mainit ito. Ayaw niya talagang magpatalo sakin, ah?

"Maarte ako Jayden. At masyado pang free at liberated noon. Mahilig akong mag cut class at marami akong nagawang kabulastugan. Eh, ikaw? You were like the cool nerd!" Tumawa ako.

Ngumuso siya.

"I've seen your certificates and trophies. Nakalatag sa bahay ninyo. Class valedictorian ka noong higschool at halos lahat ng mga quiz bee ay napanalunan mo. Kung hindi ko lang nakita ang picture mo sa isang frame noong high school ka pa, naisipan ko nang nerd kang may malaking salamin tsaka naka suspenders."

Humagalpak ako sa tawa. Natahimik lang ako nang idiniin niya pa lalo ang sarili niya at napasandal na ako sa pintuan ng bathroom.

"Hindi ko nga alam bakit nagkagirlfriend ka pa nun? Dapat yung mga nerd, walang girlfriend. Well, sa bagay, gwapong gwapo ka parin noong highschool. Pero hindi ako naghahabol sa mga gwapo lang. At ayaw ko sa nerd kaya hinding hindi ako maattract sayo."

"Really?"

Nagkatinginan kaming dalawa. Tumindig ang balahibo ko sa titig niya.

Inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang init sa kalooblooban ko. Unti-unti akong napapikit nang naramdaman ko na ang mabango niyang hininga sa labi ko. Napaawang ang bibig ko para salubungin ang halik niya pero hindi niya ako hinalikan. He just chuckled.

Dumilat ako ng bahagya para tignan siya. Niliko niya ang labi niya sa labi ko saka inilapit niya iyon sa tainga ko. Nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang dingding. Para bang ikinukulong niya ako sa pintuang sinasandalan ko.

"I really wanna meet your highschool or college self, Cha. Pero baka kung mas maaga kitang nakilala, maaga rin kitang mabuntis."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Baka highschool pa lang, may anak na tayo." Tumawa siya sa tainga ko. "I really wanna meet your highschool self." Malamig niyang sinabi ulit.

Napapikit ako. Bawat himaymay ng katawan ko ay parang sumusuko na lang. Gusto ko na rin tuloy siyang makilala noong higschool pa lang ako. Kahit na alam kong nakakahiya ang pagiging badgirl ko noon.

Marahan niyang siniil ng maiinit na halik ang labi ko.

Hindi ko alam kung mahuhulog ba ako kay Jayden kung noon ko pa siya nakilala pero bakit ako mamomroblema ng ganun eh nandito naman siya sakin ngayon at hinahalikan ako? I'm contented with my life. Di bale na kung hindi man ako nagustuhan ng pamilya niya. Ang importante sakin ay mahal na mahal niya ako.

Sa araw na iyon, kinausap namin si Chase Martin. Ipagpapatuloy ni Jayden ang pagmamanage sa resort at mag ti-train din siya ng bagong General Manager. Aniya'y aalis daw kami... Oo, dadalhin niya daw ako sa Dubai pagkatapos ng honeymoon namin. Siguro mga give or take two months.

Noong una ay kinakabahan pa siya, baka daw ayaw kong sumama sa Dubai.

"Kahit saan basta kasama kita." Iyon lang ang nasabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo.

Pwede naman akong sumama kaya hindi namin kailangang magkalayo. And knowing Jayden, pag hindi ako papayag sumama ay hindi rin iyon tutuloy. He would rather be with me than have his own success. Weird but I love him for that. Nakakasakal ba? I guess I have a new fetish, huh?

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon