Chapter 56- Payback Time?

Start from the beginning
                                    

From Ethan <3 :

Yes, boss! <3

 

To Jam, Mika and Shay:

Girls! Labas tayo! Wala akong magawa dito sa bahay eh. Kita kita nalang tayo mamayang 3 ng hapon. Sa dating puntahan. Dating gawi ha! Love you! Ingat! Mwamwa. :*

After ilang minutes, nag-reply sila na pumayag na parents nila sa lakad namin. Basta kami kami magkakasama, pinapayagan kami.

Fast Forward

Andito na kami sa dating lugar na pinupuntahan naming apat. Hay! Ang ganda ng panahon. Isang araw ulit na wala si Ethan sa paningin ko. Haha. Ano bang magandang bagong gawin ngayon. Ah! As usual, biking, boating, kain sa favorite naming kainan tapos—

Krysh! ” Ay! Nagsasalita pala si Jam. Hindi ko narinig. 

Bakit? ” sabay tingin kay Jam.

Kanina pa kaya kita tinatawag! Ano bang iniisip mo? ” sabay tingin niya sa akin ng seryoso.

 “ Wala. As usual, iniisip ko mga gagawin ngayon! Ang saya saya kaya! Ang ganda ng araw, tapos kasama ko kayo, tapos wa-- ” pero pinutol ako ni Shay.

 “ Naka-drugs ka nanaman noh?! ” tanong ni Shay ng nangaasar.

 “ Hoy hindi ah! Ang saya lang kaya!” sabi ko sabay ngiti.

 “ Asus! ” sabi naman ni Mika.

Pero teka nga, Kryshll Xyz Ruiz! Diba may lakad ka mamayang 5? 4:45 na oh! Hindi ba nagaantay sayo si Ethan? ” confused na tanong ni Jam.

 “ Exactly. ” sabi ko sabay ngiti ulit. Nagtinginan silang tatlo. Humarap sakin si Jam at seryoso ang tingin.

 “ Krysh, seryosong seryoso ka na ba talaga sa ginagawa mo? Wala na ba talagang atrasan yan?” seryosong tanong ni Jam. Yung dalawa, nakatingin lang sa akin.

 “ Oo naman. ” 

 “ Uy girl! As in? ” tanong ni Mika.

 "Oo nga. Teka nga. Akala ko ba suportado niyo ako? Bakit parang kayo pa ang umaatras ngayon? ” tanong ko sa kanila.

Hindi naman sa ganon. Syempre, andito lang kami para sayo. Ang ayaw lang naming mangyari, masaktan ka ulit sa gagawin mo. ” sabi ni Jam.

 “ Ako na nga ang mananakit ngayon eh. Bakit ako pa yung masasaktan? ” So bitchy but I kinda like it. 

Wala lang. Iniisip ko lang. Baka mag backfire sayo yang plano mo. ” sabi ulit ni Jam. May pagaalala sa mga mata niya.

Watch me. ” Sabi ko sabay ngiti ulit. Oh, I’m so evil.

 "Hay nako! Tara na nga! Hayaan niyo na siya magantay! Mag-enjoy nalang tayo! ” sabi ko sa kanila sabay hatak sa kanila.

  

Mga 7:30 na ako nakarating sa bahay. Sobra akong nag-enjoy ngayong araw na to. Haha! Gutom na ako! For sure, pagdating sa bahay, may pagkain ng iniluto si Mama.

  

Pagpasok ko ng bahay…

Shit! Andito si Ethan! Oo nga pala! Hindi ko nga pala siya sinipot kanina. Haha. Galit yung tingin niya pero pag angat ng ulo niya at tumingin sa akin, napalitan yon ng pagaalala. Well, serves you right! It’s payback time! 

Krysh! ” sabay yakap sa akin ni Ethan. Hindi ako nagsalita.

Hindi mo ba alam na nagalala ako sayo?! San ka ba galing? Bakit hindi ka sumipot kanina? Akala ko kung napaano ka na!” sunod sunod niyang sabi. Naramdaman kong may tumulong luha at pumatak sa may braso ko. Pinunasan niya yon bago tumingin sa mga mata ko. 

Hindi ko na napansin yung oras. Nagenjoy kasi akong kasama sila. Nakalimutan ko na may lakad tayo. Okay. Salamat sa pagaalala. Okay naman ako eh. ” nakakabagot kausap to. Tch.

  

Tumingin siya sa akin. Nagkasalubong ang mga kilay niya.

Ano? Bakit ganyan ka makatingin? ” Nagtataray na sabi ko.

 “ Yun na yon?! Salamat lang sa pagaalala?! ” tumaas ang boses niya.

 “ Anong gusto mo?! Lumuhod ako at magmakaawa?! Sorry Ethan, hindi ko sinasagot mga tawag at text mo?! Ganon? ” tumaas na rin ang boses ko. Buti nalang kami lang ang tao sa bahay. Bumili siguro si mama saglit. Si kuya nasa trabaho pa.

Hindi naman sa ganon! Ang gusto ko lang sana, sabihin mo kung nasaan ka at sabihing hindi ka makakapunta! ” sagot niya sa akin. 

Eh hindi ko nga napansin yung oras diba?! Nakalimutan ko nga! Tao lang naman ako, nagkakamali rin! Ano bang gusto mong iparating?! ” sagot ko din sa kanya.

 “ Wala akong pinaparating, Krysh! Nagaalala ako sayo, yun lang! Kahit nagbilin ka man lang sa nanay mo kung saan kayo pupunta para hindi ako nagaalala. Malay ko ba kung napaano ka na! ” may halong galit at pagaalala parin ang pinapakita niya.

Ano ba, Ethan! Andito na nga ako oh! Ayos naman ako! Nakauwi ng buo! Hindi ba dapat masaya ka na doon? Ang babaw mo! ” sigaw ko sa kanya.

Mababaw?! Ako?! Palibhasa Krysh, ang kitid ng utak mo! Andito ako, nagaalala sayo tapos ikaw, wala ka man lang pakialam! Hindi ka din nagtext na pauwi ka na. Tapos ang maririnig ko lang, thank you sa pagaalala?!

 “ Ako pa ang makitid ang utak?! Ano ba kasing gusto mong marinig?! Lahat ba ng gagawin ko, kailangan may explanation?! Palibhasa kasi sayo, napaka-spoiled brat mo! Lahat ng bagay, gusto mong naaayon  sa mga gusto mo! ” atake ko sa kanya.

 “ Wag mo ngang iniiba ang usapan! Nagaalala lang naman ako! Tapos ikaw wala kang pake! ”

 “ Pwes salamat sa pagaalala! ” sigaw ko sa kanya.

 “ See?! Yan lang ang nasasabi mo!

  “ Ano nga ba kasi ang gusto mong marinig? Alam mo, walang patutunguhan tong usapan na to. Mabuti pa, umalis ka na!

Magsasalita sana siya pero wala siyang masabi. Tumingin siya ng may pagmamakaawa. Tinignan ko rin siya ng what-are-you-still-doing-get-the-hell-outta-here look. 

Please… ” pagmamakaawa niya. 

 “ Wala tayong maayos kapag mainit pareho ang ulo natin. Tsaka na tayo magusap kapag sa tingin nating okay na. Umalis ka na Ethan. ” sabay bukas ko ng pinto. Napabuntong hininga siya at umalis na.

Haaaaay. Natapos din. Success! Hindi ko siya sinipot at nagaway kami. Umayon ang plano ko. See?! I can play it better, Ethan. Watch and learn. I’m going to give you the taste of your own medicine. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Where stories live. Discover now