Chapter Forty-Two

Magsimula sa umpisa
                                    


"Di ko na po m-maalala, pero... A-alam ko pong si Dada 'yon. M-miss na miss ko na po siya, M-mama..." dahil sa tuwid na ang salita ng anak ko ay mas lalo kong naramdaman ang sinabi niyang salita. Dahil sa aking narinig na sinabi niya ay agad ko itong niyakap at marahang hinalikan sa ulo.


"P-pasensya ka na, K-kenny, kung... K-kung wala si D-dada rito ngayon. But don't worry baby ko, makikita rin natin siya. Sa ngayon ay tayo muna, Mama and Ken day." pilit ang ngiti ko nang isagot ko iyon. Tumayo na ako at binuhat na lang siya. Pinagpatuloy na namin ang paglalakad sa mahabang daan hanggang nakita ko na ang tinutukoy na balcony ni James.


May nakita akong magandang hagdan na nakatayo roon paakyat sa burol kung saan nakatayo ang balcony. Maganda ang disenyo ng lugar at marami ring maliliit na ilaw na nagpapaliwanag sa buong paligid, dahil sa pagkamangha ay mabilis kaming nagtungo roon.


Nang makarating sa itaas ay nakita ko agad ang malawak na balcony kung saan nakikita ang buong bayan. Hindi gaya sa maynila na maraming matatas na gusali, dito ay marami pa rin ang ilaw na nagkalat kahit walang mga matataas na gusali gaya sa kinagisnan ko nang lugar. Napakaganda ng lungsod na kinaruruunan namin.


"Dada!!" biglang bulalas ni Ken at nagpumiglas sa pagkakabuhat ko. Nagtataka man ay binaba ko siya at sinundan ng tingin. Doon mabilis na kumabog ang dibdib ko nang makita ang lalakeng kababanggit lang ni Ken ngayon.


"K-ken..." utal nitong sambit sa pangalan ng anak namin at agad itong niyakap ng mahigpit.


Malayo ako sa kanila pero kitang-kita ko ang panginginig niya nang mahawakan ang anak namin. Doon ay kusang lumuha ang mga mata ko at hindi na alam ang dapat gawin sa mga sandaling ito.


"A-anong ginagawa mo rito, Dark?" utal kong tanong. Hindi pa rumerehestro sa akin ang tunay na nararamdaman. Wala na naman akong galit sa kaniya pero nasasaktan pa rin ako. Ayoko siyang makaharap ngayon, lalo na't sa hindi inaasahang pagkakataon na ganito. Ayoko pang magdesisyon agad-agad, ngunit bakit siya narito?


"A-angel, please... Just one last chance. P-please, listen to what I want you to hear. I'm sorry." dahil sa sagot niya ay malungkot akong napangiti at napailing sa kawalan.


Akala ko pa naman ay may mahalaga na siyang sasabihin sa akin maliban sa paghingi niya ng pagkakataon sa relasyon naming ito. Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring pinagbago ang sinasabi niya. Paulit-ulit na kapatawaran pa rin ang nais niya kahit ang hiling ko sa kanya ay bigyan ako ng sapat na oras.


"Not again, Dark. Akala ko ba nakapag-usap na tayo. Akala ko ba tanggap mo nang bibigyan ako ng oras makapag-isip? Pero isang araw pa lang ang lumipas ay narito ka na naman at pinipilit ang bagay na akala mo ganoon lang kadali sa akin." matigas kong banggit at agad kinuha si Ken sa kanya. Hindi ko hahayaang madaan na naman niya ako sa pagiging makasarili niyang tao. Ni hindi niya man lang naisip kung gaano kahirap ang hinihiling niya sa akin at pinipilit pa rin ang gusto.


"Angel..." agad akong napatingin sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni James. Doon ko napagtanto ang nangyayari, kaya galit ko itong hinarap.


"Plinano niyong dalawa ito, diba?" galit kong tanong. Nang makita ko siyang tumango ay malungkot akong napangiti at muling napailing.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon