Chapter 26: The choice

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah oo nga, tara kaen" Sagot ni Jonathan sabay iling at balik tingin sa kinakaen.

Hinila ni Jason yung upuan sa lamesa para makaupo ako, naupo ako at dahan dahang tinulak yun. At kahit di ako nakatingin, alam kong sobrang pinagmamatyagan lahat ng kilos ko ng mga kaibigan ko. Ang awkward tuloy. But Jason's acting cool. Buti pa siya, e ako pinagpapawisan sa kaba. Why is he like that?

Pinagsilbihan ako ni Jason. He helped me get my food, pag kailangan ko ng water o tissue siya na nagtatanong sa waiter. Boyfriend na boyfriend lang. Day 1 together pero ang awkward ng sitwasyon. Kinakabahan ako pero mas lamang yung masaya ako. Masaya ako kasi alam kong nasa tabi ko na siya at alam kong mahal niya ko.

          ********
"You have a lot of explaining to do Miss!" Binagsak ni May yung pinto. Nakapamewang naman sa likod niya si Katherine and Cely.

Itinaas ko yung dalawa kong kamay sa ere, a sign of giving up. Umupo ako sa sofa, yumuko at nilaro laro yung kuko ko sa daliri.  I hate being interrogate. Feeling ko ang sama sama ko. As if naman na pumatay ako ng tao, e nagmahal lang naman ako. Is that even a crime?

"Iya... You have....."

"We made love last night" Paguumpisa na ng sermon ni May pero naunahan ko siya. They all look startled.

"Ano?! Nakipag sex ka kay Jason?!" Sigaw ng tatlo with perfect harmony.

"Sige. Isigaw niyo pa, katukin niyo na rin yung kabilang room at sabihing nakipagsex ako sa lalakeng hindi ko boyfriend! Sabihin niyo narin na malandi ako!" I blurted out.

I look angry, I feel angry and I shout like one. Galit nga ba ako sa kanila dahil iniinterogate nila ako ngayon? O galit ako sa ginagawa ko. I suddenly feel confused. Pero kapag tuwing ipipikit ko yung mga mata ko, mukha ni Jason yung nakikita ko. Nararamdaman ko yung mahigpit niyang yakap sakin, paghaplos niya sa mga pisnge ko, pagtitig niya sa mga mata ko at paghalik niya sa mga labi kong minu-minuto kong hinahanap.

"Sino ba namang hindi magugulat? Ang sabi namin, patawarin mo. Hindi yung makipag SEX ka" Nakapamewang na sabi ni May na idiniin pa yung salitang sex.

"It's called making loooove" pagemphasize ko sa salitang love.  As I rolled my eyes on her.

"Sex pa din yun. Kahapon lang magkaaway kayo ng wagas tapos ngayon nagkemehan na kayo. Si Michael nga hindi ka nahawakan e" Pagpapatuloy pa ni May.

It's true, walang nangyari samin ni Michael. May times na muntik na but he respect my answer kapag sinabi kong I'm not yet ready. Hindi ko rin alam kung bakit super ready ako pag dating kay Jason. Parang it's always the right time with him. Although mas prefer ko sanang mangyari yun after our wedding.

"Pano na si Michael?" Tanong ni Cely. Sa mga ganitong sitwasyon lage ko siyang kakampi kasi siya ang pinaka mabaet pero I think, not this time. Kasi ako yung nagkasala and I admit that naman, I'm not expecting her to side on me.

"Magtu-two time ka?" Tanong ni Kath, na nakataas ang kilay.

"Ofcourse not!" Mabilis kong sagot.

"E ano tawag mo diyan?" Tanong naman niya ulit. Nalungkot naman agad ako. Kasi mali tong ginagawa ko.

"I'll break up with him" Madiin kong sagot. Buo na yung nasa isip at puso ko kung sino pipiliin ko.

"Sino?" Sabay sabay na naman nilang tanong.

"Tama lang yan. I know you love him but Michael loves you so much, masasaktan siya sa gagawin mo." Pagpapatuloy ni May.

Napapikit ako. Lahat naman boto kay Michael. He'd always been the perfect guy, the perfect boyfriend. Pero ayoko ng perfect dahil hindi ako perfect.

"Michael..." Tumigil ako sandali at napabuntong hininga ulit. "I have to set him free"

"Nako girl, masasaktan yun. Nako naman!" Pagaalala ni May. Napatayo sa kinauupuan at naglakad ng pababalik sa kwarto.

"Pero mas masasaktan lang si Michael kung itatago pa ni Iya" Pagsang ayon sakin ni Cely, finally.

"It's the right thing to do guys." I said calmly.

Siguro naramdaman nilang seryoso ako at naintindihang mahirap yung ginawa kong desisyon. Hindi ko madescribe kung gaano kaperfect si Michael kaya ayoko sana siyang masaktan. He's the most positive, supportive, loving and caring person I've ever met at kahit na maghiwalay kami. Hihingiin ko parin sa kanya ang friendship. At kung hindi niya ko mapatawad, susuyuin ko siya hanggang mapatawad niya ko.

But, buo na ang desisyon ko. I love Jason Lim Reyes, always have and always will. Ipaglalaban ko yun hanggang sa huling hininga ko.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon