Chapter 39

8.2K 304 75
                                    


Rex's POV.

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng kaluskos sa baba. Humihikab na tumingin ako sa orasan ko.

1:49 am

Kumunot agad ang noo ko. Masyado pang maaga. Sino naman kaya ang nasa baba?!

Agad naman akong natigilan.

(O___O)

'Sheeeet! Wag mong sabihing---?!!!'

Napailing na lang ako saka nagtalukbong ng kumot ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil nagsisimula na namang bumalot ang kaba sakin.

''Guni-guni mo lang yun, Rex. Tama...guni-guni lang.'

*Screeech*

(>____<)!!!

Napaupo na ko sa pagkakataong 'to nang marinig ko na naman ang kaluskos. Tumingin ako sa pintuan. Alam kong nasa labas lang ng kwarto ko ang kung sino mang taong yun.

*Thud*

(O___O)

*Thud*

(>____<)?!!

*Thud*

Sunod-sunod akong napalunok. Alam kong yabag ng paa ang naririnig kong 'yon. Mabagal lang yun at mabigat ang bawat hakbang. Hindi ko alam kung nagdadahan-dahan ba ang taong yun o ano...

(O___O)!!!!

'Baka magnanakaw yun?!!! Akyat bahay gang?!!! Martilyo gang?!! Bubble gang?!! O kahit anong gang na napapanuod ko sa tv?!! Takteeee!!'

(>____<)

Marahan at mabigat na rin ang paghinga ko at sinasadya kong wag iyon lakasan para hindi ako marinig nung tao sa labas. Pinapakiramdaman ko lang ang bawat paggalaw niya at napapalunok na lang ako sa t'wing tumitigil ang yabag.

*Thud!*

*Blag!*

Nanlaki ang mata ko sa gulat! Parang may bumagsak!

'Takteng magnanakaw yan! Nanakawan na lang kami siya pa may ganang magwala!'

(>___<)!!!

Napagpasyahan kong tumayo kahit parang jelly ace na nanlalambot ang tuhod ko sa kaba. Lumapit ako sa pintuan at dinikit ko ang tenga ko rito para pakinggan ang kilos ng kung sino mang tao na yun na nasa labas nitong kwarto ko. Kagat ang labing napakunot ang noo ko nang wala akong marinig na kung anong ingay.

'Nahimatay yata yung magnanakaw?'

Napakurap na lang ako saka dahan-dahang nilagay sa doorknob ang kamay ko at bubuksan na sana ang pinto nang marinig ko ang isang ungol. Natigilan agad ako at parang napasong agad na binitawan ang doorknob. Humakbang ako ng tatlong beses patalikod saka nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko.

'Jeez. Dapat akong magpaka-manly ngayon. May abs ako kaya manly ako. Kapag walang abs bakla yun! Hehehe'

Kinuha ko ang di-gaano kalaking vase sa bed side table ko saka lakas loob na lumapit muli sa pintuan. Hindi muna ako kumilos at pinakiramdaman ang kilos ng magnanakaw. Rinig ko ang malakas na paghinga ng magnanakaw. Para siyang naghahabol ng hininga.

'Huta. May hika pa yata.'

Diniinan ko ang pagkakahawak sa vase saka ilang beses na nagbilang para ihanda ang sarili. Pumikit ako at huminga ng malalim saka inistretch pa ang leeg ko pakaliwa at kanan saka malakas na sinipa ang pinto.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon