Chapter 64

5.2K 207 88
                                    

SKY'S POV.

"Langit!" gulat na usal ni Seal nang pagbukas nya ng pinto ay ako ang bumungad. Pinasadahan niya rin ng tingin ang buong katawan ko at agad bumalatay ang pag aalala sa kanyang mukha.

Ayan na naman sila.

Dumiretso kasi ako dito sa mansyon ni Seal dahil tumakas ako ulit kanina sa clinic pag katapos akong buhatid pabalik doon ni Marqus, ewan ko nga doon sa isang yon. Mukhang malakas na talaga ang sapak niya sa utak dahil hindi ko na talaga sya maintindihan. Kung makaasta akala nya naman hindi niya ko binubully. Tss.

Maingat na inalalayan ako ni Seal sa paglalakad. Kahit kaya ko naman tss. Tapos parang tanga pa syang nakaabang kung sakaling babagsak ako. Nakabuka kasi yung braso nya. Hindi ako lampa at lalong lalo nang disabled. Bwiset.

"Anong nangyari sayo? S--Sinong gumawa sayo nyan?" nanlalaki ang matang tinuro nya pa ang benda ko sa ulo. Bumuntong hininga naman ako.

"Napagtripan, eh." kibit balikat ko at parang hindi naman siya makapaniwalang tiningnan ako.

"Parang wala lang sayo ah?" sarkastikong sabi nya at ni-check ang braso kong may benda rin. "Sinong gumawa sayo nito?" salubong ang kilay nya habang maingat na iniinspeksyon ang mga natamo ko.

"Schoolmates. Bullies." simpleng sagot ko at napaangat naman ang tingin nya sakin, naniningkit ang mga mata nya.

"At hindi ka lumaban?" gulat na tanong nito. Umiling ako at mas lalo syang nagulat. "Bakit?! Dapat nilabanan mo sila!"

"Di pwede."

"What?!" singhal nya saka napahilamos pa ng mukha. "Ikaw? Hindi lalaban? Ang cool na si Sky palalampasin ang ganitong bagay? Am I dreaming?!" tapos ay sinampal sampal nya pa ang pisngi nya para siguro siguraduhin kung nananaghinip nga siya. Nangunot naman aa ang noo ko.

"Tss."

"Bakit di ka lumaban?" seumeryoso sya at kalmado na ang boses nya pero matutugunan pa rin ang pag aalala. Hindi naman ako sumagot kaya muli syang nagsalita, "Kilala kita. Hindi ka pumapayag na ganyanin ka lang ng iba."

"Dahil yun ang sabi ni George Marqus." sagot ko at nagtaka naman sya. "Ang sabi nya hindi ako pwedeng manakit ng studyante." kibit balikat ko at napatampal naman sya sa noo niya. Bakit ba?! Tsk.

"Yun lang?! Kaya ka hindi lumaban dahil yun ang utos sayo?! Eh ikaw? Pwede ka na lang nilang saktan ng ganyan?! Saka kailan ka pa sumunod sa utos ha? Dapat pinatikim mo man lang ng hindi na sila umulit pa!" napaka-oa talaga ng antukin na 'to. Galos lang naman 'to para sakin, eh. Heh.

Ngumisi naman ako sa kanya at sumandal sa sandalan ng sofa. "Baka kasi pag ginantihan ko sila, di kayanin ng katawan nila."

Doon na naman sya napahalakhak ng pagkalakas lakas.

"Ikaw nga pala si Sky. Tsk tsk." iling iling na aniya habang nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa.

Napangiwi naman ako sa inasal nya at saka komportableng ihiniga ang sarili sa sofa. Itinaas ko pa ang dalawang paa ko sa coffee table.

"Itutuloy mo ba?" napatingin akong muli kay Seal nang magsalita sya, bakas pa rin ang pag aalala sa mukha nya. Nangunot ako dahil di ko na-gets ang sinabi nya. "Yung misyon mo. Ngayong araw mo ia-assassinate si Thantanos hindi ba?" paglilinaw nya. Tumango naman ako.

"Mmm."

"Sa ibang araw na lang kaya? Hindi maganda ang lagay mo ngayon, oh" turo nya sa mga injury ko.

"Di pwede. Ngayong araw ang meeting nila at kailangan kong pigilan 'yon." pinal kong sabi at napabuntong hininga na lang sya tanda ng pagsuko nya. Alam nya kasing kapag sinabi ko, gagawin ko, at hindi nya na 'ko mapipigilan kapag nakapagdesisyon na 'ko.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon