Chapter 21

10.4K 378 47
                                    


SKY'S POV.

Nagpaalam ako kay Miss Hannah, english teacher namin, na pupunta ako sa clinic dahil ang sabi ko ay masakit ang ulo ko. Pero ang totoo ay pupuntahan ko lang talaga si Seal na nasa gate. Tinext niya kasi ako na may ibibigay raw kasi siya sakin. Tinanong ko pa nga kung ano at bakit kailangang puntahan niya pa ko pero ang sabi niya ay aalis kasi siya kaya dadaanan niya na lang ako para ibigay yun. Buti't pinayagan ako ni Miss Hannah. Binigyan pa ako ni Calli ng makahulugang tingin at binalik ko lang yon.

"May sakit ka? Hala, Sky! Kawawa ka naman.."

Nagkatinginan lang kami ni Calli. Kahit kailan talaga napaka-slow ni Ducusin. Mukha ba kong may sakit?!

(¬___¬)

Lumabas ako at dumiretso sa gate. Nadaanan ko pa ang kotse ni Marqus at may napansin akong kakaiba. Pinasadahan ko yon ng tingin.

'Hand print.'

May napansin akong bakas ng kamay sa compartment. Hindi naman halata at hindi mo agad mapapansin pero kapag tiningnan mo, makikita mo. Oo kita talaga siya.

Marumi siguro kamay nung humawak. Huehue =_=

Nasa tapat na ng gate si Seal at naghihintay. Napatingin rin agad sya sakin nang makalapit ako. Inilabas niya agad ang isang maliit na kulay brown na envelope at iniabot sakin. Napatingin ako sa paligid kung may tao. Pero wala naman.

"Nasaan yung guard dito?"

"Pinatulog ko. Hehehe. Ayaw ako papasukin, eh."

Siraulo talaga.

Tinanong ko kung anong laman ng envelope na mukhang mahalaga talaga yata. Hindi naman kasi siya mag-aabala na pumunta pa rito kung hindi naman ito ganoon kahalaga. Minsan kasi ay mga tauhan niya lang ang inuutusan niya. Tamad yan, eh. Pero ngayon ay personal pa syang pumunta.

"Mamaya mo na buksan." aniya. Tumango na lang ako. "I gotta go, Langit."

"Ge."

Tinago ko kaagad ang envelope sa bulsa ng palda ko. Nakangisi niyang pinasadahan ang kabuuan ko at huminto pa ang tingin niya sa hita ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Aalis ka na diba?"

"Hehehe.. Oo na." hindi naalis ang nakakaasar na ngisi sa labi niya at umalis na siya.

Pagkaharap ko ay nagtama ang paningin namin ni Uwak. Mukhang tangang nakatingin sya sakin, sa mga mata ko. Mukha siyang baliw na nakatayo sa gitna ng parking lot. Hindi siya gumagalaw. Gusto kong matawa pero on the other hand, wag na lang pala.

Tinawag niya pa ako nang lagpasan ko siya at kung anu-ano ang pinagsasabi. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natutuwa ako sa itsura niya. Lalo na kapag napipikon na siya. Para syang bata. Kaya lalo ko syang inasar ng inasar. Naniwala pa nga siya na sindikato ako.

Ulol na talaga.

Gusto kong matawa nang malakas pagkatalikod ko. Mukha syang tanga. Swear. Lalo na bago ako tumalikod. Nanlalaki ang butas ng ilong niya tapos yung singkit niyang mata ay nanlalaki rin. Namumula rin ang tenga niya. Para na syang sasabog.

Pero mayamaya ay nawala rin ang ngisi ko nang maisip ko yung nakita ko. Naiiling na nagpatuloy ako sa paglalakad.

Akala siguro nila hindi ko sila mapapansin.

Yung mga lalaki na nandoon sa likod ng puno.

Pinapanood nila ang bawat kilos niya.

Hindi ko sila tiningnan pero nararamdaman ko kasi ang presensya nila. Nahagip rin sila nang pheriperal vision ko. Lahat sila ay naka-itim.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon