Chapter 22

13.2K 388 83
                                    


SKY'S POV.

Kinabukasan.

Ginising na naman ako ni Ducusin sa pamamagitan ng malakas na pagkatok niya sa pintuan ng kwarto. Hindi ko talaga maiwasang magulat and at the same time to feel irratated. Buti na lang at wala siya sa tabi ko kundi ay nasuntok ko na siya. Yes, I'll do that. Kusang gumagalaw ang mga kamao ko, eh. Ngayon lang ako nagkaroon ng human alarm clock! Dang! You can't blame me! I'm not used to it.

Bumangon ako sa higaan ko, inaantok pa rin. Binuksan ko ang pintuan ko at gaya ng inaasahan ko ay nakabihis na siya at handa nang pumasok. Tibay din nito. Sa pagkakaalam ko mas na-late siyang natulog sakin dahil nagpapart-time job siya. Ang sabi niya ay waitress sya sa isang fast food restaurant. Obviously, gabi ang shift niya. Pero mas nauuna pa siyang nagigising sakin.

"May almusal na sa baba! Mauuna na ko pumasok, ah?" paalam niya. Tumango ako at humikab. "At wag ka ulit matutulog dahil may pasok tayo!! Okay?"

'Ang tanging ina. =_='

"Okay." walang ganang sambit ko. Nag-thumbs up naman siya na parang sinasabing 'good'. Inayos niya ang salamin niya saka nagpaalam ulit.

Nang makaalis na siya ay wala sa sariling naglakad ako pabalik sa kama. Pahiga na sana ako nang marinig kong mag-ring ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang caller's I.D.

~Callixta calling~

Sinagot ko ang tawag nang nakakunot ang noo.

"What do you nee---"

[Sky! Buksan mo tong pinto!]

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. Anong pinagsasasabi nito?

"What?"

[Open the goddamn door Sky! Nangangawit na ko dito sa labas!]

'Geez'

[Sky? Sky!! Buksan mo na!]

"Nasa labas ka?" takang tanong ko. Anong ginagawa niya sa labas nang ganito kaaga?

[Hindi, Sky! Baka nandyan ako sa loob?] pilosopong sagot niya.

I smirked. Pinipilospo niya na ko, ah?

"Is that so? Okay. Bye."

[Wha---]

*Toot.Tooot.Tooot*

Binaba ko na ang tawag at dumiretso na ko sa banyo para maligo at magbihis. Nawala na antok ko, eh.

Ilang sandali lang ay natapos na rin akong maligo at magbihis. Bumaba na ko at sandaling kumain. In fairness, masarap magluto si Ducusin. Isa sa mga benefit kong nakukuha habang nandito sya ay hindi ko na kailangang lumabas pa para kumain sa karinderya. Im suck at cooking, you know. Pero ngayon ay lagi nang may pagkain sa lamesa ko. Display lang yan noon, eh. Tuwing bababa ako ay may nakahain nang pagkain at kakain na lang ako.

And yeah, that's life people.

*Blag!*

Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto. Sa lakas nito ay sa tingin ko sinipa ito para buksan. Narinig ko rin ang yabag ng paa na animo'y nagdadabog papalapit sa kinaroroonan ko. Kinuha ko kaagad ang tinidor at binato iyon sa kinaroroonan niya.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon