Chapter 17 - Messed

14K 436 27
                                    


Jenna's POV.

Today is saturday. Kasalukuyan akong kumakain ng almusal ko. Wala si Sky, sabi niya ay may kailangan siyang puntahan. Importante raw. Binilinan niya pa kong wag raw magpapapasok ng kung sino. O kaya ay wag na lang daw ako lumabas. Hehehe. Ang caring niya!

(∩___∩)

Pero... hindi ko siya masusunod dahil may plano na ako ngayong araw, eh. Plano ko sanang pumunta sa bahay namin---nila Nanay. Nahihiya na kong makitira dito kay Sky. Pabigat lang ako kaya napagdesisyunan kong bumalik sa bahay. Alam ko namang kahit ganun si Nanay ay inaalala niya parin ako. Hindi niya naman ako pinabayaan noon eh. Alam kong ako mismo ang umalis pero... uhh.. susubukan ko. Susubukan kong pakiusapan sila na patirahin ako ulit sa bahay nila. Marami na kasing nagawa para sakin si Sky. Nahihiya na talaga ako sa kanya. Lagi niya kong tinutulungan kahit na hindi pa kami ganoon katagal magkakilala.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na agad ang pinagkainan ko at nilagay sa lababo. Maingat na hinugasan ko iyon saka maayos na nilagay sa pamingganan. Tumulak ako sa sala at kinuha ang bag ko. Nakangiting lumabas ako ng apartment saka tumingala sa langit. Mag-aalas-nuebe na ng umaga kaya tirik na ang araw. Maganda ang panahon ngayon. Kitang kita ko ang asul na kalangitan at mga ulap na parang cotton candy!

Masiglang naglakad ako papaalis. Kinapa ko ang wallet ko sa bag ko pero bigla akong napahinto nang hindi ko iyon nakapa. Hinalungkat ko ang laman ng bag ko pero hindi ko makita ang wallet ko.

"Hala! Naiwan ko yata sa kwarto.." nakangiwing sabi ko sa sarili ko saka tumakbo papabalik sa apartment ni Sky. Hindi pa naman ako gaanong nakakalayo kaya agad akong nakabalik. Patakbo kong inakyat ang hagdan at pumasok sa kwarto na nilaan para sakin ni Sky. Hindi ito ganon kalaki pero mas malaki naman ito kaysa sa kwarto namin sa bahay kung saan nagsisiksikan kaming lahat.

Hinalungkat ko na agad ang drawer ko para hanapin doon ang wallet ko. Namataan ko iyon sa pinaka-ilalim. Sinuksok ko ang kamay ko at inabot iyon at nang makuha ko ay may sumama doong isang maliit na bagay na bumagsak sa sahig. Binaba ko ang tingin ko para tingnan iyon.

'Oh..'

Yumuko ako para pulutin iyon. Pinagmasdan ko ito na parang matagal ko na iyong hindi nakikita. Hinaplos ko pa gamit ang daliri ko ang bawat kurba nito.

"Maganda pa rin.."

Nakangiting tinitigan ko ulit iyon. Isa itong bracelet. Kulay dark brown ang mga bilog na bids nito at kakaiba ang disenyo. Para siyang salamin at nakakaakit tingnan ang nasa loob niya. Para kang napupunta sa kakaibang mundo kapag tinitigan mo ito. May kakaiba kasi itong disenyo na nasa loob ng bids na makikita mo talaga dahil transparent ito na may tint ng brown. Parang may chocolate sa loob. Bata pa lang ako ay nasa akin na 'to. Sinubukan ko pa nga tong kagatin noong bata pa ako dahil para siyang kendi. Hindi ko alam kung kanino galing ang bracelet na to pero sure akong kay Nanay o kaya kay Tatay. Wala namang ibang magbibigay nito sakin kundi sila lang dahil sila ang nagpalaki sakin. Pwera na lang kung hindi sila ang mga magulang---

'Oo nga pala... Hindi nga pala ako tunay na anak ni Nanay. Anak lang ako sa labas ni Tatay. Hehe.. Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Hay.. Jenna. Ang engot mo palang talaga gaya ng laging sinasabi ng Nanay mo.'

Mapait akong napangiti saka napagdesisyunang suotin ang bracelet. Pinagmasdan ko pa iyon habang nakasuot ito sa braso ko.

"Ang ganda talaga!"

Tinuturing kong lucky charm ang bracelet na to. Ganoon ito kahalaga para sakin. Napaisip na naman tuloy ako kung sino ang nagbigay nito.

'Baka si Tatay.. Hehe. Pero mukha siyang mamahalin at alam kong hindi naman mayaman si Tatay para makabili nito.. Hmmm.  Baka--'

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon