Chapter 15

13.5K 388 14
                                    

Sky POV.

Matapos kong maligo ay lumabas na agad ako ng banyo. Nakabihis na at nakabit ko na ang contact lens ko. Nagsuklay na lang ako at sinuot ang salamin ko. Hindi ko muna tinali ang buhok ko dahil basa pa. Nagsuot na lang ako ng sapatos saka bumaba na dala ang bag pack ko na nakasabit sa kanang balikat ko. Tumingin muna ako sa dining area. May nakatakip doon sa may lamesa. Tinanggal ko ang takip at sumalubong ang apat na pirasong hotdog at tasty bread.

Bigla namang kumalam ang sikmura ko. Sa pagkakaalam ko hindi naman ako gutom pero pagkakita ko nito ay bigla akong nakaramdam ng gutom.

Tumingin muna ako sa relos ko. 7:36 na pala. Tch. Kumuha na lang ako ng dalawang hotdog at isang tasty bread. Saka ko iyon kinain habang naglalakad ako papalabas ng apartment ko.

Teka... walang panulak. Bumalik agad ako sa loob at uminom ng tubig saka muling nagmamadaling lumabas ng apartment.

Sumakay agad ako sa bisikleta ko saka nagsimulang magpaandar pero..

*Broooooom!!*

Muntik na kong mabangga ng isang humaharurot na kotse. Buti na lang at nakapag-break ako kaagad kundi ay baka tumama ako sa pintuan ng kotse na yun. Nilingon ko iyon at napatingin ako sa side mirror.

Shokoy..

Yun yung nanggulo sa amin kagabi sa perya!

(¬___¬)

Hindi ko alam pero wala sa sariling sinundan ko iyong sasakyan. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ganon kabilis ang takbo nun. Tama lang para mahabol ng bisikleta ko.

Mas binilisan ko ang pagpepedal ko para mas mahabol ko yung kotse. Alam ko namang ang isang sasakyan ay imposibleng mahabol ng isang bike. Lalo na't medyo mabilis pa ang takbo.

Pero kaya kong gawing posible ang isang imposibleng bagay.

Hindi ko man ito masabayan, atleast nahahabol at nasusundan ko ito. Medyo nakakangalay nga lang sa paa. Pero sabi nga ng mga bakla, keri lang! Huehue =__=

Mayamaya ay huminto ito sa isang maganda, malaki at napaka-eleganteng bahay. Hindi ito nagpark sa mismong tapat ng gate ng bahay. Tumapat siya sa malapit doon sa katabi ng bahay.

Tumingin ako doon sa mansyon.

Bahay 'to ng mga Marqus.

Huminto ako sa likuran ng isang puno. Medyo tago iyon kaya sure akong hindi ako makikita. Pwera na lang kung mau lahi silang aso. Tch.

Nakita kong lumabas yung si Shokoy sa kotse. Kunot ang noong pinagmasdan ko ito. Hindi siya naka-jejemom outfit gaya ng suot niya kagabi. Naka-all black siya. May dalawa pang lalaki ang lumabas sa kotse na ganun rin ang suot gaya niya. Nagsuot silang lahat ng bonnet ang black na mask. Naglabas rin sila ng walkie talkie? Ang alam lo walkie talkie yun, eh.

Para sa mga ordinaryong tao,  sa unang tingin ay aakalain mong mga akyat bahay sila.

Pero dahil hindi ako ordinaryong tao ay alam 'kong hindi sila mga simpleng magnanakaw lang.

Sino bang engot na magnanakaw ang susubukang mamasok ng bahay ng ganito kaaga? Isama mo pang maliwanag na at kanina pa gising ang haring araw.

'Pwera na lang kung engot talaga sila.'

Pero sure akong hindi, lalo na nung magsimula na silang akyatin ang mataas na pader na yun na nagsisilbing bakod ng mansyon ng mga Marqus.

Mabilis.

Swabe.

Walang ingay.

At maingat.

Yan ang ilan sa mga napansin ko habang pinagmamasan ko silang kumilos. Para silang mga ninja. Hindi, maihahalintulad ko sila sa pusa dahil talaga namang walang ingay silang nagawa habang tumatawid sa pader na yun. Nang makababa sila doon sa kabila ay lumapit na rin ako sa pader. May naaninag akong puno sa kabila kaya naman walang anu-ano'y inakyat ko ang pader.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon