Chapter 49

6K 238 46
                                    


Charlize's POV.

MONDAY..

Nakaupo ako ngayon sa cafeteria, alone. Hindi ko kasama sila Maybel and Rebecca because we're over na. Hindi ako ang tumapos ng friendship namin kundi sila. Dahil sa issue na nalaman nila sakin at sa katayuan ko sa family, nilayuan nila ako. Ayaw raw nila ng katulad ko. Actually buong school ay pinagtatawanan ako dahil nga sa nalaman nila. Bagay lang raw sakin 'yon, feeling prinsesa daw ako yun pala hindi naman, masyado raw akong mapagmataas at deserve ko daw 'tong nararanasan ko. I know, may mga pagkakamali ako. Marami akong pagkakamaling nagawa noon. Pero... do I really deserve this? Ginawa ko lang naman kasi yung mga nagawa ko noon dahil gusto kong magmukhang malakas sa harapan nila. Gusto kong ipakita na masaya ako sa buhay ko. Gusto ko lang naman maranasan ang mapansin, eh. Gusto ko lang naman ng may magmahal sakin. Is that even wrong? Sige, sabihin na nating mali yung paraan na ginawa ko. Pero, tao rin naman ako ah? May lahing higad nga lang, ayon 'yon sa kanila. Hays. Pero lahat naman ng tao ay nagkakamali diba? Hindi ko ba deserve ang second chance?

Mapait na napatawa ako sa sarili kong naisip.

Second chance? Ako? Hah.. Baka nga hindi ko 'yon deserve. Sobrang daming estudyante ang naagrabyado ko. Pero yung Charlize na nakilala nila ay maskara lang naman, eh. Hindi ko gustong ipakita sa kanila ang totoong Charlize. Si Charlize na iyakin, mahina at duwag. Si Charlize na walang ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili niya. Si Charlize na takot. Si Charlize na unti-unti nang namamanhid sa sakit na nararamdaman niya. Si Charlize na ako... Si Charlize na totoo. Ayokong makita nila 'yon. Kasi alam kong pagtatawanan lang nila ako. Ganon naman ang mga tao, eh. Konting kibot, papansinin. Konting pagkakamali, ijujudge. Kahit hindi ka nila kilala, huhusgahan at huhusgahan nila ang pagkatao mo. Takot lang naman akong ipakita sa kanila yung totoong ako dahil takot akong mahusgahan.

Pero wala rin. Kahit anong gawin ko, talagang huhusgahan at huhusgahan nila ako.

Naalala ko bigla yung mga sinabi ni Sky sakin.

"Learn to love the parts of you that no one claps for."

"Know your value. Don't try to fit in."

Parang gusto kong maiyak sa mga sinabi niyang 'yon. Kung sino pa 'yung ginawan ko ng masama at sinabihan ng masasakit na salita noon, siya pa 'tong nagpagaan ng loob ko. Naalala ko tuloy bigla yung itsura niya ng mga oras na 'yon. Diretso ang tingin niya sa harapan, blangko ang mukha niya pero yung mga mata niya..

'Sobrang lungkot ng mga mata niya..'

Parang ang dami-daming sinasabi ng mata niya. Parang lahat ng klase ng sakit ay nandoon, nakaipon, nakakulong sa loob nya.

"Its hard to hate someone once you understand them."

She understands me?

Tingin ko katulad ko, iyong blangkong mukha niya ay maskara lang niya. At ibang Sky ang nasa likod niyon. Tingin ko ay marami siyang tinatago. Maaasar ka sa mukha niya kasi para bang wala siyang pakialam. Tuwing inaasar ko siya noon, ni hindi man lang nagbabago ang reaksyon niya. Siya yung tipo ng tao na kapag inasar mo ay mas maaasar ka. Kasi imbes na magalit, umiyak o patulan ka niya, titingnan ka lang niya na parang isa kang walang kakwenta-kwentang bagay. Para sa kaniya humihinga ka lang sa harapan niya, yun lang.

Natawa ako.

'Pero aaminin ko, ang cute at ang cool nang ganoong personality niya hehehe..'

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari noong nakaraang byernes sa baguio. Nung biyernes kasi ng umaga, pagdating nila Sky at ang walang malay na si Rex ay nagulat talaga kami. Lalo na sa histura ni Sky nang mga oras na 'yon. Nahimatay pa nga siya, siguro sa sobrang pagod. Pero wala ni isa samin ang may alam kung anong nangyari sa dalawa. Hindi naman nagkwento si Sky pagkagising niya. Ganoon rin si Rex. Ang sabi nila Maki at Calli, hindi raw talaga mahilig magkwento si Sky. Kahit anong pilit pa raw ang gawin namin, kung ayaw niya magsalita, hindi talaga siya magsasalita. Si Rex naman ay agad nagyayang umuwi kaya nang tanghali ring 'yon umuwi na kami. Mukhang na-trauma siya sa nangyari kaya hindi siya nagsasalita tungkol doon. Ayaw niyang pag-usapan kung ano man ang nangyari sa kaniya. Hindi namin alam talaga kung bakit. Pero mukhang hindi niya alam na si Sky ang nagdala sa kaniya pabalik sa bahay-bakasyunan.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon