Chapter 35

14.5K 368 95
                                    


Sky's POV.

[Sky!! Pumunta ka na kasi dito sa hospital! Alam mong matutuwa si Jenna kapag nakita ka niya paggising niya! Kaya sige na please? Dumalaw kaaaa??]

Napabuntong hininga na lang ako at napapalatak habang nakatingin sa cellphone na nakapatong sa lamesa. Kanina pa kasi ako kinukulit nitong si Calli na dumalaw nga raw sa hospital kung saan naka-confine si Ducusin. Napaangat ang tingin ko kay Maki na papalapit sakin. May hawak siyang dalawang mug ng hot chocolate at may nakaipit namang dalawang mamon sa magkabilang kilikili niya. Nilapag niya ang isang mug at isang mamon sa harapan ko saka siya umupo sa harapan kong upuan.

"You know how Hime dislikes hospitals." singit ni Maki saka uminom ng gawa niya.

[Like I care?]

"Tss."

(=___=)

[Hehehehe joke lang, Sky! World peace! Pero Sky, balik tayo sa topic, pumunta ka na! Subukan mo lang naman, eh. Alam kong may problema ka paren about sa hospital pero kasi nanam ehhh nandito yung kaibigan natin oh? Hindi ka ba nag-aalala? What if napasama yung pagkakauntog niya?! What if kailangan niya palang operahan?! What if ma-coma siya?! What if--what if--what if masunog yung hospital?!! What if sumabog yung bulkan tapos lumindol tapos gumuho yung hospital at madaganan si Jenna?! Kakakayanin ba yun ng konsensya mo?!! Na namatay ang kaibigan mo nang hindi mo man lang sya nakikita dahil sa pagiinarte mo?!!!! Sabihin mo!!!]

"Pfft. Hahahaha!" tawa ni Maki. Hindi ko na sya pinansin.

"Wag ka ngang oa." inis na sabi ko kay Calli.

[What if nga diba?! Diba nga sa kantang I'm gonna love you like I'm gonna lose you, sabi ng lyris, 'Were not promise tomorrow'? Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari sa kinabukasan kaya dapat sulitin mo ang mga oras na kasama mo pa ang mga mahal mo!]

(=____=)

"Wala akong pake."

[Grabe ang tigas talaga ng puso mo! Nagyelo na ba yan sa sobrang lamig mo?]

"Tss."

[Hay naku! Ito na lang, ayaw mo bang malaman ang totoo?! Hindi ka ba nag-aalala kay Jenna?]

"Knowing the truth doesn't change anything sometimes."

[Nyaaay! Yan ka na naman sa mga hugot mo! Ang akin lang naman kasi Sky, bakit hindi mo subukan diba? Wala namang mangyayaring masama! Bakit? Kapag pumunta ka ba sa hospital eh magtsutsunami?! Maguguho ba ang mundo? May mahoholdap ba o mare-rape kapag pumasok ka sa hospital? May mamatay ba?! Tell me! Tell me the truth and nothing but the truth!]

"Ayoko nga kase." I deadpanned. Tiningnan ko si Maki na kumakain lang ng mamon na agad ring tumingin sakin.

[MAKEEH! Tulungan mo naman akong kausapin yang Hime mo! Ang tigas ng ulo, eh.]

'Aba..'

"Hime, bakit nga kasi ayaw mong subukan? Nandun yung kaibigan mo diba? She's unconcious so---"

"She's not my friend." walang emosyon kong putol sa sasabihin niya.

[Naku naku naku naku! Anakanang langit talaga oh. Your Highness, alam mo kung ano ka? Isa kang dakilang tsundere! Kahit hindi mo sabihin alam kong mahalaga na si Ducusin sayo. Don't me. Kaya tama na ang pagiinarte please? Isipin mo si Jenna.]

Napapalatak na lang ulit ako.

"Hime! I wanna meet them too! Pumunta ka na sige na, sasama ako."

"Then go by yourself. I'm staying." I said firmly. Napanguso naman agad siya.

"You know I can't just leave without you."

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon