Chapter 20

11K 398 34
                                    


REX'S POV.

Mariin akong napapikit habang nararamdaman ko ang tubig na tumutulo sa mukha ko hanggang sa jersey ko. Nanginginig ako hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa galit! Nararamdaman ko ang pagkibot ng bibig ko at nang panginginig ng kamay ko. Niyukom ko iyon.

"D-Dre---pfft. Magpunas ka na. Mukha kang basang sisiw--Hahaha!" sinamaan ko ng tingin si gagong Lander. Napatikom naman agad siya ng bibig. Kinuha ko ang towel saka ko pinunasan ang mukha ko. Binaling ko ang tingin ko sa pintong nilabasan ng pesteng Shrek na yon.

'Ang lakas ng loob niya---!!!!'

Tinap ni Kennel ang balikat ko pero hindi ko sya nilingon, "Huy, Dre. Tama na yan. Magpalit ka na lang ng damit mo---" nilingon ko agad siya.

"Nakita mo ba ang ginawa niya?! Ha?!" galit na tanong ko habang nakaturo sa mukha ko. Hindi naman siya sumagot, "B-Binuhusan niya ko ng tubig!! Nakikita mo ba?! At ang mas malala pa, BAKIT KAILANGANG YUNG BUHOK KO PA?!"

'Nakaka-badtrip!! Galawin niya na lahat wag lang ang buhok ko!!'

(>___<)

"Eh, Dre.." napakamot siya ng ulo. Naghahanap ng sasabihin. Alam kong alam niya, nilang lahat, na hindi ko basta-basta pinapagalaw ang buhok ko. Lalong lalo na kapag nakaayos na!

"Mapapatawad ko pa siya kahit papaano kung sa mukha ko na lang niya ibinuhos. O kaya sa damit ko pero--Kingina naman yung buhok ko Dre, eh! Buhok ko yung pinag-uusapan natin dito! Hindi lang to basta-basta! Dalawang daang beses ko tong sinuklay at inayos ko pa to gamit ang---"

"---Mamahalin at imported na hairwax." sabay sabay na pagpapatuloy nila. Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Umupo ako sa bleachers at humalukipkip.

"Ang lakas ng loob niyang sumugod tapos.. t-tapos binuhusan pa niya ko ng tubig.." nanggagalaiting sambit ko. "Hindi niya ba alam na mas mahalaga pa sa buhay niya tong buhok ko?!"

"Pero, Dre," singit ni Lander na umupo sa tabi ko at inakbayan pa ko.

'Tsk. Bakla talaga!'

"Ano?!" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakakunot parin ang noo ko at nakayukom parin ang mg ma kamay ko.

"Totoo ba yung---"

"Yung ano?!!"

"Yung sinabi---"

"Anong sinabi?!"

"Punyeta naman, DRE! Patapusin mo kaya muna ako, diba?!!!" sigaw niya. Nagtawanan naman yung iba at napatahimik naman ako. "Ano itutuloy ko na ba?"

"Ge." tamad na tanong ko.

"Wag ka na munang sumingit, ah?"

"Oo na."

"Sure ka?"

sinamaan ko siya ng tingin, "Magsasalita ka ba o ano?!"

"Naniniguro lang, eh." nakangusong sabi niya. Inirapan ko siya.

"Dami-daming sinasabi." bulong ko na mas ikinahaba ng nguso niya.

"Eh, baka kasi...--Oo na! Ito na!" aniya nang pandilatan ko siya ng mata. "Totoo ba yung sinabi ni Shrek mo?"

Pinanlakihan ko agad siya ng mata, "Anong Shrek 'ko'?! Siraulo ka ba?!" sinamaan ko rin ng tingin yung iba dahil sa pagtawa nila.

"Eh, diba ikaw yung nagbansag sa kanya ng pangalang yun? Eh, di sayo siya. Hahahaha!" binatukan ko agad si Lander pagkasabi niya non.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon