Chapter 27 - The Party (Part 1)

12K 368 49
                                    

Callixta's POV.

May napapansin lang akong kakaiba kay Sky, eh. Nahuhuli ko kasi siya kanina pa na tumitingin kay Daecery, yung isa pang transferee gaya ko.

(O_____O)!

'Hindi kaya tibo 'tong si Sky?!'

Napailing agad ako sa naisip ko at binatukan ko ang sarili ko.

Hindi pwedeng maging tibo yang si Sky! Ang ganda naman niyang tibo. Saka cold lang siya pero hindi ibig sabihin non ay hindi na siya nagkagusto sa isang lalaki.

Hihihi.

Oo nagkagusto na siya sa isang lalaki!

First love niya, actually.

Pero iniwan siya nito dahilan kaya lalong naging cold si Sky. Yung lalaking iyon kasi ang naging kasa-kasama ni Sky noong namatay ang lolo niya na kung tawagin niya ay 'Gramps'. Naging cold siya at emotionless noong namatay ang lolo niya. Tinaboy niya lahat ng mga tao sa paligid niya. Nawalan siya ng tiwala sa lahat, bukod sa sarili niya. Pero imba ang lalaking 'to, sa sobrang kulit niya pati si Sky hindi siya mapigilan. Lagi niyang pinupuntahan si Sky. Gulat na nga lang namin noong makita naming ngumingiti ulit si Sky at tumatawa.

But... an accident was happened.

Nagbago ang lahat. Mas lalong naging malamig ang pakikitungo ni Sky sa mga tao. Lalo siyang naging emotionless. Wala siyang puso kung pumatay.

Hayyy.. Sino kayang magpapabago ng tuluyan kay Sky?

Napatingin ako sa likuran namin at nakita ko si Rex na tinatali ang bag ni Sky sa upuan nito. Napatingin siya sakin at agad na umayos ng upo.

"W-Wala akong ginagawa ah!"

Napailing yung playboy niyang kaibigan sa tabi niya at sinimangutan ko lang siya saka binalik ang tingin ko sa harapan.

Napangiti ako..

'Kaya niya rin kayang baguhin si Sky?'

Pfft. Hahahahaha!

'Yun ay kung hahayaan ni Sky na mapalapit pa siya sa katulad niya!'

Oh boy.. This is going to be exciting!

(^________^)

"Huy, anong iniisip mo dyan?" napatingin agad ako kay Jenna nang itanong niya 'yon. Maganda rin 'tong si Jenna, eh. Tanggalin lang yung malaking spectacles niya sa mata at voila! Maganda na siya. Ito lang, eh. Hindi kasi marunong mag-ayos. Ang luwang ng uniform niya, tapos laging nakayuko kung maglakad. Parehas lang sila ni Sky, maluwang rin ang uniform niya at pang-manang. Pero ibahin naman to kasi nagpapanggap lang naman siyang nerd. Low profile raw. Tsh. Pero wag ka, kahit nerd siya ay maangas pa rin ang aura nya. Astig lang 'no?

Ay oo nga pala may tinatanong nga pala si Jenna, "Wala, ah. Wala akong iniisip! Bakit mo natanong?"

"Ah.. Kanina ka pa kasi nakangiti. Ang weird lang."

Napangiwi naman ako.

"Ah hehehehe.. G-Ganon talaga! Lagi dapat nakangiti. Hehe Happy lang~" nilagay ko ang dalawang hintuturo ko sa magkabilang pisngi ko. Ginagaya ko si Tinay.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon