Chapter 5 - The game + Angel

13.2K 504 12
                                    


Sky POV.

Mabilis akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa field kung saan ko nakita yung assassin. Nilibot ko ang paningin ko pero wala na kong maramdamang presensya. Habang nagmamasid sa paligid ay nakarinig ako ng mga boses at tawanan kaya naman mabilis akong nagtago sa pinakamalapit na puno.

"Hahahaha! Nakahanap ka na ng katapat mo Rex!" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Sinilip ko sila mula sa punong tinataguan ko.

Oh! Si Marqus and friends lang pala.

"Manahimik ka Lander kundi sasaksakin talaga kita!" asar na singhal ni Marqus sa kaibigan. Mukhang badtrip na badtrip ang itsura niya. Ganoon ba talaga siya ka-inis sakin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawang masama.

"Pikon!" pangaasar pa ni Marquez sa kaibigan. Siniko na lang siya ng katabi niyang si Collins samantalang parang wala namang pakialam sa mundo si Benims at panay ang kain lang ng chocolate.

"Bakit ba asar na asar ka doon kay Ms. Nerd? " sa wakas ay nagsalita na rin si Benims. Kilala ko ang tatlong yan dahil kasama sila sa ni-research ko.

"Kasi naman yung Nerd na yun talagang inuubos ang pasensya ko! " nakabusangot ang mukha niyang reklamo. Patago ko silang sinundan dahil nakakalayo na sila. Nasa likod na yata kami ng school. Nakarating ako rito kakahabol doon sa assassin na nakita ko kanina. Tama nga ang sabi ni Seal na may maliit na forest sa likod ng mga building. Mukhang ginawa ito para doon sa apat na magkakaibigan. Mukhang nandito kasi ang tambayan nila.

"Wala namang ginagawa sayo yung tao." singit ni Collins. Tumango naman yung dalawa sa pagsang-ayon.

"Mukha bang tao yun?" Natigilan naman ako sa sagot ni Marqus. So ano palang akala niya sakin? Hindi tao? Eh kung wakasan ko na kaya ang buhay niya ngayon mismo? -__-+

"Ay grabe siya." komento ni Marquez gamit ang baklang boses. Lalaki ba talaga 'to? Nagtawanan naman sila Benims at Collins. Asar na tiningan sila ni Marqus.

"Trip niyo ba kong tatlo? Kanina pa kayo! Lahat ng sasabihin ko kokontrahin niyo! Peste!" inis na reklamo ni Marqus at inirapan ang tatlo saka mabilis na pumasok sa.... green house?! Salamin lang kasi ang dingding, transparent kaya kitang-kita ang loob kung saan may sofa, Flat screen TV, game consoles, ref at may mga halaman sa gilid. Talaga namang spoiled ang mga batang 'to. Palibhasa mapera ang mga magulang nila. Ni hindi nga siguro sila tumutulong para magkapera pero kung gumastos, wagas. Spoiled brats. -_-

Sumunod yung tatlo at umupo sa sofa. Kumuha naman si Marqus ng inumin sa ref saka umupo sa isang one-seater na sofa. Aish. Nakakangawit tumayo. Ang sakit sa paa bwisit. Tumingala ako sa punong tinataguan ko, pwede na siguro tong tambayan habang pinapanood sila. Umakyat ako sa puno at walang kahirap-hirap ng umupo sa sanga. Nilabas ko ang punyal ko at sinubo habang pinagmamasdan ang pag-aasaran nung apat.

"So, anong balak mo kay nerd?" Tanong ni Marquez habang kumakain ng junkfoods. Katabi niya si Marqus na busy sa pag-ce-cellphone at yung dalawa naman na sila Collins at Benims ay busy sa paglalaro ng game console. Tumingin si Marquez at ngumiti. Isang weird na ngiti na halata namang may binabalak na masama. Mukha siyang rapist sa hitsura niya -_-

"Bwahahahahaha!" Biglang humalakhak si Marqus na ikinataka nilang tatlo.

"Baliw." Komento ni Collins at bumalik sa paglalaro kasama ni Benims. Tiningnan naman siya ni Marqus ng masama pero ngumiti ulit siya ng malawak.

"Ano bang iniisip mo? Nakakatakot yang ngiti mo." Umiiling-iling na sabi Marquez.

"May plano na kasi ako kung paano makakaganti dyan sa nerd na yan!" Proud na sabi niya at ikiniskis ang mga palad at ngumiti nanaman ng weird. Napatingin sa kanya yung tatlo.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon