Chapter 48

5.5K 218 49
                                    


Rex's POV.

Unti-unti 'kong idinilat ang mga mata ko. Nanlalabo ang paningin ko at nananakit ang ulo ko. Umupo ako at doon ko lang na-realize na nakahiga pala ako sa isang king-sized bed. Hinawakan ko ang masakit ko pa ring ulo at saka inilibot ang paningin ko.

(O___O)?!!!

'N-Nasaan ako?!'

Nanlalaki ang mga mata kong inilibot sa paligid ang paningin ko. Malaki ang kwarto na kinaroroonan ko. Red ang carpet at kulay brown at gold ang paligid. Para bang nasa palasyo ako. Sinubukan kong tumayo at saka nilibot ang paligid. May malaking bookshelf sa gilid at isang antigong bed-side table. Ang mga gamit ay mukhang mga antigo na talaga at nagmumukhang mala-palasyo ang paligid. Idagdag mo pa ang chandelier sa ceiling. May mga weirdong nude painting rin sa dingding at mga antigong vase.

'Paano ako napunta dito?!'

lumapit ako sa pintuan at sinubukan ko iyong buksan.

Locked.

'Shit!'

Luminga-linga ako at lumapit sa malaking bintana. Hinawi ko ang kulay pula niyong kurtina at sumilip sa labas. Malakas ang ulan at nanlalabo parin ang paligid pero maliwanag kaya alam kong umaga na. Nakikita ko rin ang---

(O___O)!!!

Puro puno ang nakikita ko! Takte nasa bahay ako na nasa gitna ng gubat?! Nasa baguio pa rin ba ako?!

Napasabunot ako ng buhok ko at saka muling tiningnan ang buong kwarto. Bahagya akong kinabahan kaya minabuti ko na lang na bumalik sa kama at umupo sa gilid 'non. Pilit kong inalala ang nangyari at kung bakit ako napunta rito.

Ang naaalala ko lang ay naalimpungatan ako sa hindi ko malamang dahilan. Bumaba ako noon at uminom ng tubig pero may narinig akong tunog ng paparating na sasakyan. Akala ko ay bisita kaya binuksan ko ang pintuan pero nagulat na lang ako nang may lumapit sa aking mga lalaking naka-itim at tinakpan ng panyo ang ilong ko. May naamoy ako mula doon at nagsimulang mahilo at nawalan na ko ng malay. Yun lang ang natatandaan ko.

Aishh bakit yun lang?!!! Dapat pala hindi na 'ko bumaba o kaya dapat tinawag ko muna si Kuya Hans bago ko buksan yung pintuan!

Muli akong napasabunot sa buhok ko at pilit tinutuktukan ang sarili ko dahil sa katangahan ko nang marinig kong bumukas ang pintuan. Natigilan ako at saka dahan-dahang inangat roon ang paningin ko.

Isang lalaki! Matanda na sya pero hindi naman ganon katanda! Mukhang malakas na malakas parin siya. Mahaba ang kulay itim niyang buhok at nakatali iyon sa likod, kulay itim rin ang bigote at kaunting balbas niya. Nakangiting naglakad siya papalapit sakin.

"You're finally awake."

Ang laki ng boses niya! Malaki rin naman boses ni Daddy pero mas malaki ang boses nito! Parang hinugot sa ilalim ng inidoro!

"Si---Sino ka??" Napapalunok kong tanong. Natatakot ako! Oo kahit ang manly ay natatakot rin! Paano bang hindi ako matatakot eh hindi ko naman siya kilala at hindi ko alam kung nasaan ako!

Ngumiti naman siya, "I'm Emmanuel Demittre Fosse. But you can call me Sir Eman."

'Anong pake 'ko?!!!'

(>____<)

'Engot! Tinanong mo kung sino sya diba?! Tsh!'

"A-Ah.." nauutal na tango ko.

"You can call me daddy too if you want."

(O____O)

"W-What?!" Gulat na tanong ko. Natawa naman siya.

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon