Chapter 42

7.5K 221 22
                                    


Sky's POV.

"Sigurado ka bang-- DADALHIN MO TALAGA YAN?!" iskandalosong sigaw ni Calli habang nakaturo sa metal na hawak hawak ko. Blangkong tiningnan ko naman sya bago muling ibalik ang tingin ko sa mga gamit na inaayos ko.

Iyong tinutukoy nya ay yung butcher's knife na hawak hawak ko at balak ko ring dalhin bukas pagpunta naming baguio.

'Malay mo naman kailanganin 'to -,-'

"Jusko Sky, ewan ko sayo."

(=____=)

Ngayon palang kasi ako nagaayos ng gamit na dadalhin ko bukas. Lahat sila tapos na sa pag-aayos. Kaya nga nandito na si Calli dala ang maleta nya. Akala mo naman ilang linggo magbabakasyon. Dito rin daw sya matutulog para sabay-sabay na rin daw kame. Mga excited kase. Hindi naman kasi ka-excite-excite.

..nandun nga pala si Fosse. Yung pangatlong target ko.

'Pwede na rin pala. Atleast may pagkakaabalahan ako.'

Matapos mag-ayos ng mga damit at mga gamit na kakailanganin--para kay Fosse-- ay sinara ko na ang zipper ng bag at saka umupo sa kama ko. Sinulyapan ko naman si Calli na busy sa phone nya.

"Pwede ka nang lumabas." Biglang wika ko. Takang napatingin naman sya sakin.

"Huh?"

"Labas na. Matutulog na ko." Walang gana kong sagot. Napangiwi naman sya at ngumisi ng nakakaloko.

"As you wish, your highness. Alam kong gusto mong magbeauty sleep para fresh ka tomorrow kapag nagkita kayo ni Maki. Ahihihihi-" Nanlaki ang mata nya nang makita nyang hawak ko na ang butcher's knife na nilagay ko kanina sa bag ko. "WOAH! WAIT JOKE LANG! LALABAS NA NGA EH! CIAO!" At nagmamadali na syang lumabas ng kwarto ko.

Napangisi naman ako at tiningnan ang kutsilyong hawak ko.

'Sabi na kakailanganin ko rin 'to eh.'

Tinago ko na ulit 'to sa loob ng bag at saka tumayo at naglakad papuntang banyo upang maghilamos. Mukhang tulog na sila. Bago pumasok sa banyo ay napatingin ako sa orasan. Alas onse na. Nang tuluyan na akong makapasok ay dumiretso ako sa lababo at saka hinilamusan ang mukha ko. Inangat ko ang tingin sa salamin saka tumitig sa mga mata ko.

Kanina habang sinasabunutan ako ni Charlize, noong umatake na naman ang sakit sa ulo ko ay may isa akong salitang narinig. Alam kong hindi iyon galing kanino man kila Charlize at Calli. Kasabay ng boses na iyon yung mga sigaw at iyak sa utak ko.

'I won't let you turn her into a monster!'

Anong...ibig sabihin 'non? Sino 'yon? Babae ang boses, pero hindi iyon galing kay Charlize at Calli. Sigurado akong hindi galing sa kanila 'yon.

Hinawakan ko ang ulo ko.

'Ano bang meron sakin.'

Bumuntong hininga ako at saka umiling na lang. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang face towel na nakasabit sa pinto ng banyo at saka ako lumabas.

(O____O)

"Oy, Sky! Hehe. Gudibning." Ani Calli na nakangiti sakin na sumalubong. Napakurap naman ako at napakunot ng noo. "Kukuha lang ako ng tubig. Nauuhaw ako eh."

Napatango naman ako saka lalampasan na sana sya ng pigilan nya ko.

"Nga pala, kanina, nung sinabunutan ka ni Charlize, bakit..hindi ka lumaban? Kayang-kaya mong patalsikin yun sa isang suntok lang. Ba't di mo ginawa?" Tanong nya. Nagkibit balikat lang ako. "Naawa ka 'no? Ayiee sweet sweet naman."

Assassin's Tale: The Art of Killing  🌹 COMPLETED 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon