Kabanata 36- Return

Start from the beginning
                                    

Lord, huwag naman po sana pplease. Gagawin ko po ang lahat para mailigtas lang siya. Huwag Niyo po muna siyang kunin sa amin.

Halos patakbo akong pumasok sa looh ng hospital at nadatnang umiiyak si labas ng ICU habang inaalo ni tita Sarah. Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak nang lumapit sa kanila. Kaagad ko silang niyakap na dalawa.

"Inay..."

Sandaling umangat ng tingin si inay sa akin. Hindi ko alam pero parang masama ang ipinukol niyang tingin sa akin kaya kinabahan ako.

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?" malamig niyang tanong sa akin pero umiiyak pa rin.

"Inay, kinuha ko lang po ang passport sa..."

"Ano! Hanggang ngayon ba nagpapakahibang ka pa rin kay Joshua?! Kailan ka magigising sa katotohanan na wala kang mapapala ro'n! Kailan? Kung patay na ang itay mo?!"

Parang tinutusok ang puso ko sa mga sinabi ni inay. Sobrang bait at maintindihin ni inay sa pagmamahal ko kay Dyuswa. Sinusuportahan pa nga niya ako eh. Pero ang makita siyang galit na galit sa akin ay hindi ko kaya.

Mas Lalo akong naiyak dahil do'n. Hindi ko kayang mawala si itay at magalit sa akin si inay. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ang ganito eh. Sino bang may gusto nito? Niyakap ko si inay nang mahigpit pero dahan-dahan niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa kanya. Ilang sandali pa ay tumayo siya at naglakad palayo sa amin. Hahabulin ko sana siya kaso pinigilan ako ni tita Sarah.

"Hayaan mo na muna si ate, Purita," mahinahong sabi ni tita Sarah.

Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo. Nakita kong sinundan ni kuya Dan si inay sa labas. Tumabing umupo naman sa akin si tita Sarah.

"Alam mo ba kung bakit nasagasaan si kuya Oscar?"

Puno nang katanungan ang mukha ko habang tinitingnan siya. Saglit pa ay pilit siyang ngumiti sa akin.

"Nakakita siya ng pera na ibibigay sa'yo. Nakahiram siya sa kaibigan niya."

Napaawang ang aking labi sa narinig.

"Ang saya-saya ni kuya nang ibalita niya 'yon sa amin ni ate. Sobrang excited siya na sabihin sa iyo 'yon. Sabi niya,'May pambayad na ang anak natin para sa interview niya sa US Embassy. Kahit papa'no ay  makakabayad ako sa ginawa niyang pagsakripisyo para lang maisalba ang buhay ko Erlinda!'"

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now