Kabanata 36- Return

Start from the beginning
                                    

Pinilit ko ang aking sarili na ngumiti. Hindi na ako dapat mag-isip ng ganito. Nararamdaman kong malapit na akong makapunta ng US of A. Naaamoy ko na ang hangin mula roon. Ayan. Naaamoy ko na talaga. Pinikit ko ang aking mga mata at naamoy ang usok na galing sa isang sasakyan kaya napaubo ako ng bongga. Bwisit na sasakyan na 'yon. Panira ng moments.

Dumating ako ng bahay na walang katao-tao. Nasaan kaya sila? Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Iti-text ko si ate Sarah. Pero lowbat na pala ako simula pa kaninang umaga kaya ni-charge ko muna. Naalala kong wala rin pala akong load kaya inis akong lumabas ng bahay para magpa-load. Sa labas ay nadatnan ko si kuya Dan na medyo balisa.

"Kuya?"

"Purita! Saan ka galing? Ba't ngayon ka lang?"

"Ha? Bakit po? Kanina niyo pa ba ako hinihintay? Nako kuya ha. Huwag kang ganyan. Alam mo namang hindi ako nagpapaligaw. Si Dyuswa lang ang mahal...."

"Nasagasaan ng sasakyan ang itay mo!"

Napawi ang ngiti sa aking mga labi sa narinig. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa katawan.

"A-ano pong sabi mo?"

"Nasagasaan ang itay mo kanina habang nagtitinda sila ng inay mo. Hit and run. Kanina ka pa namin kinokontak ni Sarah pero naka-off yata ang phone mo."

"Saan...na sila?"

"Nasa malapit na ospital Purita. Pero sadyang malubha ang tama ng itay mo kaya baka kakailanganing ilipat sa mag magandang hospital. Lika. Samahan na kita ro'n."

Nanginginig ang buo kong katawan habang nakasakay kami sa jeep ni kuya Dan. Natatakot akong baka kung anong mangyaring masama kay itay. Hindi ko kakayanin. Wala na nga siyang cancer na naglapit sa kanya sa bingit ng kamatayan tapos ito na naman ngayon?

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now