"Oh teka si Miss Katie 'yon 'di ba?"

"Oo nga ano! Teka bakit parang nag-iba ang prisensiya niya parang may itim na awra sa paligid niya oh!"

Naniningkit ang matang napatayo si Dolly habang hila si Perry.

"Hindi kaya ginagaya niya si Miss Shery dahil miss niya na ito?"

"Lapitan kaya natin!"

Patakbong hinarang ng dalawa si Katie, "Good morning Miss Katie." sabay na wika ng dalawa habang nakangiting labas ang buong ipin.

Inaasahan nilang hihinto si Katie at ngingiti sa kanila katulad ng madalas na gawin nito sa kanila noon pero ngayon ay parang hangin silang dinaanan nito.

"Nakita mo ba?"

Parang sinaksak naman ang puso ni Dolly noong lingonin siya ni Perry, "Hindi ba favorite niya ako sa paperdoll? Bakit ngayon parang hindi niya na ako kilala?"

Binatukan ni Perry si Dolly saka hinila ito palayo sa pwesto kanina, "Kahit kailan ka talaga Dolly," hinihimas naman ni Dolly ang ulong nasaktan saka ngumuso, "Tinatanong kita kung nakita mo ba!"

"Ang alin? Sorry masyado kasi akong namangha akala ko kasi si Miss Shery hindi pala."

"Kailan pa naging tonta ang Paperdoll? Nawala lang si Shery bumaba na ang takbo ng kuku brain?" batok ni Cage kay Dolly mula sa likod habang na sa kanang bahagi naman nito si Paper na ngayon ay nakataas ang kilay kay Katie.

"Kahapon ko pa siya sinusubaybayan pero nagtataka ako sa inaasta niya. Swear me! May mali kay Miss Katie at natitiyak kong hindi na siya ang kilala nating cheerful and bubbly Katie Hanzrouie!"

Humalukipkip si Perry siyang himas ng baba, "Alam niyo parang parehas sila ni Brent. Lately kasi nakita ko siyang palaging umaalis sakay ng puting limousine. At ang limousine na 'yon ay parehas ng sasakyan na madalas sakyan ni Yvon Craig!"

Pumagitna si Cage sa tatlong maria saka nag-isip ng malalim, "Ladies we need to investigate! Paper sa'yo si Chandria Ducot, Dolly Victory and Yvon Craig while Perry." Huminga ito ng malalim saka ngumiti, "Brent Coleman. At sa akin si Evo Craig!"

"Sige am. Napansin niyo ba parehas ang kwintas ni Brent tsaka ni Miss Katie?"






---






Mag-isang naglalakad si Chandria patungo sa kabilang pribadong parke malapit sa kanilang residensiya upang sana magbasa ng aklat na nahiram niya sa library. Isa iyon sa namana niya kay Shery, na dati ay isinusuka niya ngayon ay halos nakahiligan o routine niya na sa araw-araw.

Inayos niya ang tatlong aklat sa kanang bisig saka bumuntong hininga.

Sa noo'y muli niyang paghakbang agad niyang nabitawan ang tatlong aklat na hawak noong sumulpot si Evo mula sa palikong daan.

"May itatanong lang sana ako!" bungad ni Evo nang hindi hinaharap ang dalaga.

Nanatiling nakatayo si Chandria at napatulala kay Evo, halos mangilid ang luha sa mata niya nang mapansin ang lumalim na mata ni Evo lalo ang pangangayayat na hindi maitatangging dahil iyon sa pag-aalala kay Shery. Hindi niya ito masisisi dahil alam niya noon pang malalim na ang pagtingin nito kay Shery.

"Sa palagay mo ba magiging masaya siya sa sitwasyon mo ngayon?" mahinahon niyang wika habang nakatago ang parehas na kamao sa likod. Hindi maitatangging naiinis siya kay Shery dahil sa sinasapit ngayon ni Evo pero hindi niya mailabas ang tunay na nararamdaman. Mahina kasi siya at walang lakas ng loob upang labanan si Shery lalo pa't wala ito paano pa kapag kaharap niya na ito.

Puno nang pagtatakang nilingon ni Evo si Chandria, "Chandria?"

Lalapitan sana niya si Evo pero muli siyang huminto at nanatiling nakayuko, "Ayaw niya nang nakakakita ng mahina, ayaw niya nang may umiyak at mas lalong ayaw niya nang naaapi pero siya mismo lahat 'yon laging nararanasan!"

"Alam ko hindi niya papabayaan ang sarili niya kung nasaan man siya ngayon kaya pakiusap Evo 'wag mong pabayaan ang sarili mo dahil sa kanya!"

Naikuyom ni Evo ang kamao saka umiwas nang tingin kay Chandria noong humarap ito sa kanya.

"Hindi ba kilalang-kilala mo siya dahil bata palang kayo ay idol mo na siya?"

Tuluyang kumawala ang luha sa pisngi ni Chandria. Hindi niya maitatagong nasasaktan siya dahil ang taong mahal niya ay mahal ang taong iniidolo niya noon pa man. Halos sambahin niya noon si Shery at gayahin lahat ng mayroon ito pero ang pagkakataong magmahal sila ng iisang tao ay hindi niya sinadya. Ano ba ang laban niya? Siya nagmamahal lang pero ang dalawa ay parehas ng nararamdaman.

Hinawakan ni Chandria ang kwintas na suot saka pumikit. Aaminin na ba niya kay Evo ang nalalaman? Naaawa na kasi siya rito.

"Kailangang umalis ni bestfriend kasi..." Hindi niya natapos ang sasabihin noong may mabakas na imahe mula sa 'di kalayuan. Agad nanlaki ang mata niya nang makumpirmang si Yvon iyon na halos kung tumingin sa kanya ay parang nagsasabing 'Tell Him surely you'll die now!'

Nanginginig ang mga braso at paang humakbang ito paatras dahil onti-unting lumalapit sa kanilang pwesto si Yvon.

"Chandria kasi ano?" ang hindi makapaghintay na tanong ni Evo.

Nagsimulang manginig ang panga ni Chandria noong itaas ni Yvon ang kamay na parang senyales na ora mismo sa harapan ni Evo ay mamamatay siya. Dumaloy ang masaganang luha sa pisngi niya saka tumalikod kay Evo.

Tatanggapin niya ang parusa na ito para sa bestfriend niyang labis na kinaiinggitan at sa mahal niyang si Evo.

"Iligtas mo si bestfriend sa kamay ng mangkukulam na Yvon na 'yon!"

Tumakbo palayo si Chandria samantalang ang binata ay agad huminto sa noo'y pagsunod kay Chandria. Narinig kasi niya ang boses ni Yvon mula sa likod.

"Yvon!" sigaw niya noong tumalikod upang harapin si Yvon pero agad siyang luminga dahil wala naman doon ang tinutukoy.

Sinubukan niyang sumilip sa kaninang pinanggalingan pero wala naman ito roon.








MULA naman sa pagtakbo ni Chandria patungo sa isang crossing. Sinubukan niyang lingunin ang likuran upang silipin kung sinusundan siya ni Yvon kung kaya hindi niya napansin ang paparating na isang truck.

Sa noo'y pagbagtas niya sa gitnang daan agad siyang napahinto noong makita si Yvon na nakatingin sa kanya ng masama. Gusto niyang tumakas dito pero hindi niya maihakbang ang mga paa na para bang nasa ilalim siya ng sumpa ni Yvon. Gigil niyang tinuro si Yvon. "Hindi ka magtatagumpay!" bulyaw niya rito saka napatingin sa kaliwang bahagi noong magliwanag doon.






KITANG-kita ni Yvon kung paano bumangga ang mabilis na truck kay Chandria. Lalo noong sumabog ang ulo nito at tumalsik ang dugo sa kanyang pisngi.

Sumilay ang ngiti sa labi niya noong tuluyang dumiretso ang truck.

One down! Who's next?

Tumalikod siya saka tumingala. Minasdan niya ang bituing labis ang liwanag, Matibay ka Katie. Akalain mong susunod ka sa gusto ko dahil lang sa lalaking 'yon. Tinakpan niya ang bibig saka humagikgik. Gusto kong masaksihan ang paghaharap nila. Sino ang unang mamamatay? Ah I bet Katie will remain and that will be the end of story.

She pursed her lips. "Ang pangit ng ending. Gusto ko sa huli kami ang maghaharap." Tumawa ito ng mapakla matapos ay sumeryoso.

"Dahil ako ang papatay sa kanya!"

Sa noo'y paglaho ni Yvon sa dilim siyang dating naman ni Evo sa crossing. Tila kinilabutan ito sa kanyang nakita na nagkalasug-lasog na katawan ni Chandria sa daan.

Kuyom ang kamaong napapikit ito.

"Yvon!" malakas na sigaw nito na siyang nagpakurap kay Yvon mula sa pagkatulala sakay ng puting limousine kasama si Brent Coleman na gaya niya ay seryoso at 'di mababakasan ng emosyon.


PASSWORD  (Completed) (Raw)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें