Chapter 57 - Her Decision.

Comenzar desde el principio
                                    

Ngumiti lang ako.

"Oo nga pala, may lalaking nagpunta dito kanina. Matangkad na maputi. Mga kasing edad mo siguro o mas matanda lang ng konti. Pasilip-silip nga e. Parang may hinahanap. Lalabas na nga sana ako para tanungin kaso bigla naman siyang pumasok sa kotse tsaka umalis. Baka kako ikaw yung hinahanap. Kilala mo ba kung sino yun?" tanong nito.

Matangkad na maputi na medyo ka-edad ko???

Isip.

Isip.

Isip.

"Hmm, wala naman. Baka naman maling bahay yung napuntahan niya."

Nagkibit balikat lang si mama. "Baka nga." Tapos lumabas na rin ito sa kwarto. Yun lang pala yung dahilan kung bakit niya ako pinuntahan.

Ilang oras na rin yung nakaraan pero hindi pa rin ako mapakali. Tinawagan ko si Rhea at kinuwento sa kanya lahat nang nangyari ngayong araw na'to. 

 "Bezy, anong gagawin ko?" tanong ko.

"Bez, ano ba talaga yung gusto mo? Akala ko ba okay sa'yo si Ian?" sabi niya.

"Oo nga. I mean, gusto ko naman si Ian. Alam mo yun, di kasi siya katulad ng ibang lalaki diyan. Masaya ako pag kasama ko siya. Tapos lagi niya akong napapatawa..." sabi ko.

"O, yun naman pala e. Anong problema?" tanong niya.

"Kaso kasi bez...-"

"Kaso hindi siya si Erik?" sabi niya bago ko pa matapos kung ano man yung sasabihin ko.

 Natahimik ako ng ilang segundo.

"Tama ba ako Alexa?" tanong niya ulit, this time alam kong seryoso na yung boses niya.

"A-ano? Hindi. Ano ka ba, matagal ko nang kinalimutan si Erik. Alam mo yan." sagot ko.

"Yan ang sinasabi ng utak mo sa'yo. E tinanong mo na ba yung puso mo kung nakalimutan na niya si Erik?" tanong niya.

Natahimik ulit ako.

"Bezy..." sabi ni Rhea, "Alam ko mahirap na desisyon yan para sa'yo. Nakalimutan mo na nga ba talaga si Erik? At si Ian, kaya mo bang bigyan siya ng chance?"

 Hindi pa rin ako sumasagot.

"Alexa, you deserve to be happy. We want you to be happy, you know that. We love you. Pero syempre, the decision is still yours. Pag-isipan mong mabuti okay. Basta nandito lang ako." dagdag pa ni Rhea.

I sighed.

"I know and thank you. Don't worry, pag-iisipan ko to ng mabuti. Love you, see you bukas sa campus." sabi ko sabay baba ng phone.

Now I really have to make this decision...

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora