Chapter 5- Accident

Magsimula sa umpisa
                                    

“Oh hindi!” OA na sabi niya habang umaarte na parang tinatakpan yung katawan niya. Anong drama to?

“Ano yan? Nagpa-practice ka ba? Para san ba yan? Ang baduy naman ata ng kwento ng movie mo ngayon.” –_- Simula nung nagging magkaibigan kami, lagi kaming nagmmovie marathon, at alam nyo ba kung anong pinapanood naman? PURO MOVIE NYA LANG. Pati mga luma nyang commercials at telenovela hindi pinalagpas. Kahit wala naman akong maintindihan kasi habang nanonood kami, knukwento nya naman yung mga nangyari sa behind the scene nung bawat eksena. Bwisit noh?

“Wag mo sabihin na ako lagi ang laman ng utak mo pati ang inosente kong katawan? Umamin ka, Lian! Pinagnanasaan mo ako noh!?”

O.O

Anaknamputcha naman o.

Nasa cafeteria kami at ang lakas ng boses niya! Nagtinginan tuloy yung ibang tao samin at siya umaarte pa din na tinatakpan ang katawan niya at parang ginahasa ang emotion sa mukha. =_= Lord, malaki ba talaga ang kasalanan ko sainyo? Boyfriend na nga ngayon ng bestfriend ko yung taong mahal ko tapos binigyan nyo pa ako ng isang autistic na kaibigan.

“Letse ka Rence! Tumigil ka nga. Nakakahiya ka e.” natatawa na din ako sa kanya.

“Yan! Nag’smile ka na ulit.”

“Huh?”

“Namimiss ko na kasi yang ngiti mo, yung tunay, hindi yung pilit. Hmm. By the way, may practice ka ba mamaya?”

Hindi niya alam na medyo malala yung lagay nung balakang ko, kahit ang team ko hindi nila alam. Pinipilit ko na wag ipakitang nasasaktan ako sa bawat routine. Kailangan e.

“Ah. Oo, bakit? Manunuod ka ulit?” lagi kasi siyang nanunuod ng practice tapos siya na din ang naghahatid sakin pauwi. Kilala na nga siya nila Mommy e, at ang loko feel at home na feel at home sa bahay. Minsan nga dun na siya naga-almusal e.

“Hindi ako makakanuod e. May shooting ako later. Pero itext mo ako kapag malapit na kayong matapos, dadaanan nalang kita dito para ihatid sa inyo.”

“Nge. Wag na, sira! Tawagan ko nalang si Manong Ding, sa kanya nalang ako papasundo para hindi hassle sayo.”

“You sure?”

“Oo. Baka kasi maningil ka e, wala akong ipapasweldo sayo sa pagiging driver ko. Hahahaha.”

“Maging masaya ka lang naman okay na sakin.”

“Ha?”

“Wala. Lika na, magbe-bell na.”

Bumalik na kami sa room. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room ang unang bumungad na sakin ay si Laine na nakayakap kay Bryan. </3

Hayys. Para naman akong araw-araw pinapatay neto. Nagulat nalang ako nung bigla nalang may yumakap din sa likod ko. Kaunti palang naman ang tao. Pero ramdam ko lahat sila nakatingin samin.

“Lian, sayo nalang oh.” Sweet na sabi niya.. Pagtingin ko sa kamay na inaabot niya na nasa harapan ko, yung PANDA NA JACKET! (^o^)

Napaharap ako sa kanya kaya natanggal yung pagkakayakap niya sa likuran ko.

“TALAGA? SAKIN NA TO TALAGA?!” (^_______________^)

“Oo nga. Kung ayaw mo edi…”

“WAAAAHHHHH! THANKYOU!” Tuwang tuwa na ako talaga kaya niyakap ko siya at hinalikan…

Sa pisngi..

“Thankyou talaga! Dahil dito pwede mo ng ubusin lahat ng pagkaen sa bahay! Promise” nakita ko naming nagningning yung mata niya na parang ganito (*o*) . PSH. Basta talaga pagkaen e. Hahahahaha.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon