Chapter 2- Bry the Jerk

Start from the beginning
                                    

“Okay. Okay Miss. Sorry na please. Gusto mo maging girlfriend kita for one week? Sige na. Wag ka lang ganyan.” Sinusundan ko pa din siya kasi hindi naman siya humihinto. Pero pagkasabi ko ng ‘girlfriend’ word tumigil siya bigla. HAHA! Sabi ko na nga ba e. Eto lang gusto ng babae na yan e. Ang mapansin ng isang tulad ko. (--,)

Pero hindi. Nagulat ako nung tumigil siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko, sabay sabi na…

“Alam mo ANG PATHETIC MO.”

Sabay talikod ulit. Ano? AKO? Pathetic? HUH! Kilala niya ba kung sino ang kausap niya?

STEFF’S POV

Ang sakit talaga. Huhuhuhuhuhu. Paano ako sasayaw neto next week? May cheering competition pa naman at hindi pwede na wala ako dun dahil ako ang captain. Ang malas talaga. ANG SAKIT PAKSHET! Hindi porket mahal ko siya pwede niya na akong saktan ng ganito.. Naiiyak na ako pero hindi pwede. Magmumukha akong weak sa mga makakakita sakin. :’(

“Okay. Okay Miss. Sorry na please. Gusto mo maging girlfriend kita ng one week? Sige na. Wag ka lang ganyan.”

Sinusundan niya pa din ako. Wait. Napatigil ako bigla. ANO DAW? GIRLFRIEND FOR ONE WEEK?

Sabi ko sainyo nung una okay lang sakin na maging ‘one of his girlfriends’ pero bakit ngayon na sinabi niya sakin yan feeling ko ang sakit? </3 Mas masakit pa sa balakang ko ngayon.

“Alam mo ANG PATHETIC MO.”

Yan nalang yung nasabi ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit basta ang alam ko lang ngayon nasasaktan ako. Lalo na nung tinawag nya akong ‘Miss’. Ngayon alam ko na talagang wala lang ako sa kanya. Kahit nga pangalan ko nakalimutan niya na. Ang sakit peste!

Binilisan ko nalang ang paglakad. Mukha naming natigilan siya dahil sa sinabi ko kaya alam ko hindi niya na ako sinusundan.. Kahit masakit yung balakang ko pinilit ko na umakyat sa lugar kung saan ako tumatambay kapag malungkot ako. Sa rooftop.

Sa wakas! Andito na ako! After 123456789yrs. Nakaakyat din ako, ang sakit pa din ng balakang ko. Nabalian kaya ako? L Tsk. Umupo nalang ako sa duyan na nakasabit sa mini cottage dito.

Para sakin ang rooftop na to ay isang paradise. Simple pero napaka-peaceful. Bigla nalang tumulo yung luha ko, yung mga luhang kanina ko pa pinipigil.

“Hindi ba talaga ako nagging mahalaga sayo na kahit pangalan ko man lang hindi mo matandaan? Ang sakit sakit na. Bakit kasi ikaw pa?” yung lugar na to ang lagi kong iyakan. Feeling ko kasi pagtapos ko umiyak dito ang gaan nan g pakiramdam ko.

“Sana.. Sana makalimutan na kita. Ayoko na. Ayoko ng mahalin ka.” Iiiyak ko na to lahat hanggang sa maubos..

“Alam mo Miss, hindi mo naman kailangan magpakatanga sa isang tao na hindi ka naman pinapahalagahan e. Kung hindi ka niya kilala o kinalimutan ka man niya, hayaan mo nalang siya. Wag mo hayaan na nagiging malungkot ka dahil sa kanya. Lagi mong tandaan na kung siya talaga yung tamang taong para sayo, hindi ka niya magagawang saktan.”

O.O

Omo. Someone’s here! (-_-  ) (  -_-) Kanina pa ako naghahanap pero wala akong makita.

“Ahh. Hehehehehe. Mumu ka ba..? Nabubulabog ba kita? Sor..ry na pleassee.”  Nauutal kong sabi. Grabe, nagtataasan na yung mga balahibo ko. Natatakot na ako. Seryoso.

“Oo. Binubulabog mo nga ako.” HALA. Kung kanina naiiyak ako sa sakit ngayon naiihi na ako sa takot.

“WAAAAHHHHH. Wag mo ako kakainin please! Magpapakabait na ako. Hindi na ako magsusungit, papasok na ako ng maaga, hindi na ako sasagot sa mga teacher, kakalimutan ko na s…”

“HOY! Ang ingay mo naman. Nambubulabog ka lalo e. At tsaka anong kakainin? Masarap ka ba?” Sabi ng isang lalaking ‘sobrang gwapo’ na mukhang koreano na galing sa ilalim ng upuan sa loob ng kubo.

Ano daw? Masarap daw ba ako?!

“Aba. Oo naman!” huli na para bawiin ko yung sinabi ko. Shiiitt! Dapat sa sarili ko lang yun e. Ano bang pumapasok sa utak ko? (-_-‘’)

“HAHAHAHA. So pwede ba kitang kainin?” Tumatawa nyang sabi. Aba’t g*ago to ah. -_-

“WAAAAHH! PERVERT!” sabay tayo at pinaghahampas ko sya.

“Miss. Wait. Aray! Teka lang naman. Ikaw ang nagiisip ng masama dyan e. Greenminded!”  hinawakan niya yung dalawang kamay ko para hindi ko siya mahampas.

HA? Ako ba? O.O

“Ewan ko sayo! Bitawan mo nga yung kamay ko!” sabay higit ko ng kamay ko.

“As if naman gusto kong hawakan yang kamay mo noh! “ parang diring diri naman nyang sabi. ABA CHOOSY PA! -______________-  arte mo kuya! Pssh.

A/N: Please vote and become a fan! :) Loveyoouuuuuu. :*

Comment kayo kung may ibang ideas for suggestions ha? :)

Be MineWhere stories live. Discover now