Chapter 2- Bry the Jerk

Start from the beginning
                                    

“Yes Ma’am?” sagot ko naman sa kanya.

“Can you please hit the girl beside you? I don’t want to see anyone of you sleeping in my class. This is a classroom not your house. I don’t care how rich your family are, you students can never threaten me.”

“But Ma’am, I’m sorry I can’t do that. She’s not feeling well that’s why she’s sleeping.” Patay to saking babae na to. Utang na loob niya to. -_-

“Is that so? Hmm. Okay. Pwede mo ba syang dalhin ngayon sa infirmary?” ano ba naman yan. Naging utusan pa ako. Buhay talaga oh.

“Okay Ma’am.” Pasalamat ka mabait ako. Hays. Sinimulan ko ng gisingin si… Ano nga palang pangalan niya? Sky? Shrek? Shomba? Ah ewan. Basta may S.

“Miss, wake up. I’ll bring you to the infirmary.” Sabay tapik sa kanya ng mahina.

“Ahhh. Ip dakcheo! Kuju!” Antok na sabi niya. Nakasubsob pa din siya sa desk niya at hindi pa rin humaharap sakin. Ano daw sabi niya? Soju?? Alien ba tong babae na to? ( Ip dakcheo= Shut up. / Kuju= Get lost.)

“Uy. Gumising ka na! Pati ako madadamay pa kapag nalaman ni Ma’am na nagsinungaling ako e. Tsk!” binubulong ko lang sa kanya yan. Maki-cooperate ka naman!

“Sssh. I’m sleepy. Please.” Haha. Ang cute ng boses niya e. Ah… eh. Oo, cute, pang-dwarf.  -_-

Ayaw mo bumangon ha! Hmm.

“Hoy! Hoy! Ibaba mo nga ako. Bakit ba kasi?” Sabi niya sakin kasi binuhat ko siya, yung parang pangkasal.

“Mr. Harris, you really don’t need to carry her. She looks fine.” Sabi naman nung kaklase namin na babae. Hmm. Mukha siyang malandi. Oo, literal na malandi. Yung mga babaeng sila pa mismo ang nanliligaw sakin para maging girlfriend ko. Ex ko ba yang babae na yan? Hmm. Di ko na tanda.

“She might look okay pero hinang-hina na siya.” Sabi ko dun sa kaklase namin. Humarap naman ako kay Ma’am. “Ma’am, we’ll go now.” Tumango lang naman siya. Lumabas na kami.

Pagtingin ko sa babaeng buhat ko, ABA! TULOG NA ULIT. Masyado na tong sinuswerte e.

“AW! FVCK! ANO BANG PROBLEMA MO?”

Sigaw niya. Hahahaha. Pano ba kasi bigla ko nalang siya binagsak. HAHAHA. Sa totoo lang hindi naman siya mabigat. Ang payat niya kasi e, kumakain pa kaya to? -_-

“What did I do?” painosente kong tanong sa kanya. Ganyan talaga ako. Kunwari mysterious sa labas para mas gwapo tignan. (^_^) Nakita ko na mas lalo siyang namula at inis na inis na yung itsura niya. Grabe. Kung expressive lang ako kanina pa ako humagalpak ng tawa dito, pero hindi pwede. Bawas pogi points para sa girls. Hehe.

“WHAT DID YOU DO HUH?! BABO!!!! JOO GOO LAE?” sigaw pa din siya ng sigaw. Nakakarindi. Tsaka, ano na naman bang sinasabi neto? (BABO= Stupid/ Joo goo lae= Do you wanna die?)

“Miss, what are you saying? Are you an alien?” tanong ko sa kanya. Ang cute niya kapag naaasar. Lalo siyang gumaganda. Hahahaha!

ANO NGA? MAGANDA?

Mali. Erase erase. Isa lang ang maganda sa paningin ko, at yun ay ang babaeng mahal na mahal ko.. kaso hindi ako mahal. </3

“Letse. Bahala ka sa buhay mo!” sabay walk out niya habang hawak pa din ang balakang niya. Owww. Mukhang masyado ata akong naging harsh. Halata na hindi siya makalad ng ayos. Nagui-guilty naman ako. Sh*t! -_- Hinabol ko siya.

“Miss, are you hurt? I’m.. I’m sorry. I.. I didn’t.. Ahm” Peste kasi e. Hindi naman kasi ako sanay magsorry. Woooohh. Hirap. Pero naaawa na talaga ako sa kanya at guilty na ako sobra. Mukha na siyang paiyak tapos hindi niya pa ako tinitignan at kinakausap.

Be MineWhere stories live. Discover now