Chapter 1- The Flashback

2.1K 34 1
                                    

Flashback

" CRUSH KITA." Nakapikit kong sabi sa kanya.

"ARE YOU DRUNK?!" Nagulat ako sa pagsigaw nya kaya napamulat ako. Bakit para syang galit?

"Ah.. Eh.. Crush lang naman diba? Hehe. Anong masama sa crush?"

"Kung mangttrip ka wag mo akong dinadamay ha. Letse! Kakabwisit." At bigla syang tumalikod sakin at umalis.

Naiwan akong nakatulala. Ngayon nya lang ako nasigawan ng ganun, ngayon ko lang sya nakitang magalit. Sa harap pa ng mga kaklase naming habang nagccelebrate kami sa pagtatapos ng first year naming sa highschool. Lahat kami nanahimik. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng biglang tumayo yung bestfriend ko at lumapit sakin.

"Steff. Okay lang yan. Hayaan mo na sya, baka lasing lang." Tapos niyakap ako.

LASING? E sa aming lahat sya ang namumukod tangi na hindi uminom e!

"Ah. Wala yun! Parang yun lang e. Crush lang naman! Hehe"

Naiiyak na ako pero hindi ako pwede umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito? Crush lang naman diba? CRUSH LANG TO. Lesheng luha ka. Makisama ka! Wag ka tutulo. Wag ka tut.....

"Sssshhh. Wag ka na umiyak. Steff naman e."

Naramdaman ko nalang lahat ng mga kaibigan ko na lumalapit at nakikiiyak na sakiin habang yakap ako. Ayaw tumigil ng luha ko.

END OF FLASHBACK

"AAAAHHHHHH! Nakakaasar talaga! Bwisit!" sigaw ko. Ako nga pala si Steffie Lian Chua. Half Korean- Half Chinese at Half Filipino po ako. Kung paano nangyari yun, ayaw ikwento ng mga magulang ko pero sabi nila "BASTA DAW". Mabait daw ako NOON, medyo naging bitchy na kasi ako simula nung nasaktan ako sa kanya pero MEDYO lang naman, matalino pero tamad, cheerleader din ako, mayaman (ang mga magulang ko dahil may business kami) at kasalukuyan akong nagmo-model for branded clothes like Mossimo, Plain&Prints, Bench, etc. Magsisimula na ang last school year naming sa HS. Senior na kami. Parang kailan lang no? Hayss. Andito kami ngayon ng bestfriend ko sa Mcdo.

"STEFF! Wag ka ngang sumigaw. Bruha ka! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh! Ano bang problema mo?" sabi ni Laine na halatang nabubwisit na sakin. Si Melalaine Lim, partner ang mga magulang naming sa business at magkaibigan na kami simula nung mga bata pa. Kaklase ko na sya simula nung nagumpisa kaming magaral hanggang ngayon. Ganun talaga! Muehehehe. Mababait ang mga magulang naming e, ayaw kaming paghiwalayin. Kabaligtaran ko, si Laine, mahiyain. Dapat model din siya pero ayaw nya daw kasi daw conservative sya. -__-

"SIS! Tinatanong mo ako kung anong problema ko?! Ohmeygahhhd!" eksaheradang sabi ko sa kanya.

"HAYS! Unti nalang Steff. Kakalbuhin na kita! Anong bang ikinapuputok ng butse mo dyan!?"

O.o

Hanuuuuhdaawww?

"Ano? Anong bu.. Ano yun? Bukte?" takang-taka na sabi ko.

"Susme. Steff, what's the problem ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Are you taking drugs?" heyep na to! Ako pa nagddrugs e sya nga yung kung anu-ano ang sinasabi!

"Ano ba, Laine?! Hindi ah! I'm just shocked. I don't know if I can still go to school."

"Bakit? What's wrong? Naghihirap na ba ang pamilya natin at hindi na afford ang Harris?" gulat nyang tanong. Harris naman ang pangalan ng school namin, Harris International School.

"Sira! Hahaha. Hindi. Didn't you hear what the speaker told us earlier? Kaklase natin si Bry." Maiyak-iyak kong sabi sa kanya.

"Duh. So?"

Be MineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin