"Hindi. Hindi Rowin. "

"Bakit parang nawawala ka ?"

"Nagpupunta ka sa ganitong Lugar?" tanong ko naman sa kanya

Ngumisi ito at sumandal sa upuan niya. Luminga sa paligid at binalik ang tingin sakin. Pinagsalikop nya ang kamay sa tapat ng dibdib niya

"It's a place where people go.. What's wrong?"

"Hindi.. ano kase..."

"Because I'm a freaking rich man so I should not come here?"

"Ganun naman kayong mga mayayaman diba?" Tumawa siya ng mahina at sumandal ang siko niya sa lamesa kaya mas lumapit ang mukha niya sakin

"Well I love this place. Kumakain ka ba sa ganitong mga lugar?"

"Oo naman. Dati ay Gotto lang ng 20 pesos ay masaya na ang mga kapatid ko . Kapag sahod ko sa part time ko binibilhan ko sila ng Chicken. Paborito kase nila yun."

Natigilan ako saglit nang masabi ko iyon. Kamusta na kaya ang mga kapatid kong naiwan sa mga kamag anak namin? Hindi ko mapigilang magaalala sa tuwing naiisip ko sila.
Dati ay hinahatian ko sila sa kaunting sweldo ko sa pagiging cashier sa convenient store. Minsan iniiwan kasi ni Tatay ang mga ito na walang hapunan. Minsan mas inuuna niya pang pakainin ang mga alaga niyang manok na ginagamit niya sa sabong.

"Do you miss them?"

"Oo naman. Mga lalake ang mga kapatid ko pwero napakalambing nila." Napangiti ako habang inaalala ko ang mga panahon mag kakasama pa kami. Kase kahit walang wala kami ay masaya parin kami.

"Gutom nako. " Ngumiti ako para naman hindi niya mahalatang ganito ang nararamdaman ko

"Ser Rowen! Ito na po ang Hot Sizzling Rowin! At Sweet Mouthwatering Rowin! Enjoy your food!" Ang laki ng ngiti ni Rowin na kumuha nung plato at inilagay sa harapan namin.

Nang mailagay ni Aling Siena ang malaking plato ng Sisig na tumatalsik pa ang mantika sa akin ay napatitig ako dito. Kala ko kung anon a. Wala man langa kong kaideideya sa sinasabi nilang dalawa kanina.

"Let me explain it to you." Sabi naman nito nang akmang dadakamin ko ng kutsara ang pagkain

"This is Spicy Sisig with Egg on top. Ito ang Hot Sizzling Rowin. Ito namang MaisConyelo with sweet Lecheflan ang Sweet Mouthwatering Rowin."

Iniisip ko palang..

Bagay na bagay kay Rowin ang mga pagkain!

HOT. SWEET.MOUTHWATERING!

Ay Lianne! Behave! Parang gusto kong sampalin ang mukha ko sa mga pinagiisip isip ko.
Pero natutuwa ako. Nakangiti akong tumingin sa pagkain. Masarap ang amoy. Nakaka laway yung itlog at karne. Hindi ko inexpect na may ganiting nakakatuwang side si Rowin

"Bakit mo pinangalan sayo?" Diko napigilang natawa

"Kase naging suki ako rito. At Malapit ako kay Aling Siena. Kaya lahat ng paborito kong kainin ay pinangalan niya sakin. Marami lang ibanh Rowin na putahe. "

Bigla naman niyang inagaw ang kutsara nang galawin ko ang sisig.

"Durugin mo muna yung yolk para lumabas yung katas. Pagkatapos ihalo mo yung katas sa sisig saka mo lagyan ng kalamansi." Pinanood ko lang naman siyang haluin yung pagkain ko.

Ngiting ngiti akong nagsubo ng pagkain. Ang sarap naman pala nito. Kaya rin siguro paborito ito ni Rowin. Ang nakakilig lang ay.. isa ang mga simpleng bagay na ito ang nakakapag patawa sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang tuwang tuwa at ngumiti ng totoo. Kung sana ay ganito nalang siya lagi

Pero hindi biro ang anghang. Sumisipa na siya sa lalamunan at ilong ko.

"Masarap ba.... Ako?"

Agad akong tumango tango not realizing the last word. Napatigil tuloy ako sa pagnguya. Siguro ay masyado akong nagenjoy sa pagkain ko.
Ngumiti ito nang nakakapanloko. Bungol ka talaga Rowin! Parang nagiinit pati ang nga pisngi ko!

"Lianne.. maanghang ba?"

"Ha?"

"Namumula ka. Kain ka nitong dessert ko."

Inuurong niya sa akin ang Sweet mouthwatering rowin. Tinikman ko naman para mawala ang pagka anghang.

Mainit na yung pagkain, Dadamay pa siya.

"Sa weekend magbabakasyon kami ng ilang araw sa Ilocos. Sumama ka" Nagsalita siya habang kumakain.

I find it cute. Ang cute tignan ni Rowin parang bata. Namumukol yung kabilang pisngi niya.

"Sige. Ilang araw ba?"

" 3 days lang yata. May work ang iba samin." Sabi niya habang abala sa pagkain niya.

"Don't misunderstand. Dadalhin kita bilang yaya ko"

Okay na sana eh, May pa follow up pa ang sinabi niya.

Nang makakain kami ay dumeretso kami sa may Bay. Ang daming tao. Pakiramdam ko ay isa kami sa nga normal na mag nobyong nagdadate dito.
"Maganda ba?" tanong nito

"Oo eh. Kitang kita yung mga bituin."

"Do you like stars?"

"Hmm. Oo. Gustong gusto ko. Ang sarap pagmasadan lalo na kapag madami."
Napansin ko rin mula sa gilid ko ang pagtitig niya sa langit. Tinignan ko siya..
Nakatulala sa langit na parang ang lalim ng iniisip. Si Mia kaya ito?
Rowin never told me about Mia. Hindi naman kami ganun ka close para sabihin niya ito sa akin. Parang intro lang naman ang nalaman ko tungkol kay Mia, But I think I can fill up the rest.
I just realized that, Good or Evil, all of us lost someone in our lives. May mga kanya kanya tayong hinanakit na mahirap alisin. I think it is not fair to think that you are the only lonely person in the world. Because someone might have it worst.

If he watched the person he loved died right in front of him, How much pain would it be?
Hindi ko maimagine. Hindi ko rin kayang isipin. That must have been hurt a million times than being stabbed with a knife.
And I may not be the person who will be able to make the pain go way.

"It's coming." Untag nito.
Napabalikwas ako ng tingin sa langit nang marinig ko ang sunud sunud na putukan ng fireworks. Ang ganda. Ang liwanag ng ulap

"She really like fireworks..." napadako ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya
Si Mia nga ang iniisip nito. Nakita ko ang mga luhang nangingilid sa mata niya.

Nakaramdm ako ng sakit sa damdamin ko. Hindi ko alam bakit parang nakakaramdamn din ako ng lungkot. Pero bakas sa mukha nito ang sakit.
Nakakbingi ang ingay ng paputok at hiyawan ng mga tao. Nakatitig parin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para yakapin siya. Nadapo ang mukha ko sa matitipunong dibdib niya.

Hinaplos ko ang likoran niya. Bigla kong naramdaman ang paghigpit ng kamay niya sa likuran ko. Yumuko siya sa balikat ko at tahimik na umiyak.

"Hindi ko sasabihin magiging okay lang lahat.." saad ko.

"But you will be happy again." Napangiti ako nang maamoy ko ang pabango niya.

"Don't misunderstand. I'm just tired." Sabi naman nito.

Napatawa nalang ako ng mahina dahil nagagawa parin niya magsungit kahit sa ganitong pagkakataon.

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMWhere stories live. Discover now