Chapter Thirty-Four

Comenzar desde el principio
                                    


Malamang ay dala lamang talaga iyon ng pag-aalala niya sa akin kaya gusto niyang pati si James ay lumayo sa buhay ko. At sa mga realization ko kanina ay hindi ko na rin masisi ang kapatid ko at some point. Alam naman kasi talaga ni Clark na nasaktan na ako noon at patuloy pa rin na nasasaktan kapag si Dark na ang usapan hanggang ngayon. Walang duda na umiral sa kapatid ko ang pagiging protective niya sa akin, lalo na't alam niya nang buntis muli ako.


"Ayos ka lang?" tanong ko kay James at inaya siya sa sofa para maupo. Hindi naman niya ako tinanggihan kaya napangiti ako sa kaniya.


"Ayos lang... medyo gutom. Wala pa ba kayong hapunan? Kumain na lang tayo." mabilis na pagbabago niya ng usapan kaya natawa na lamang ako sa kaniya. Kahit alam ko na may lungkot sa loob niya ay nagawa pa rin niyang pagaanin ang atmosphere sa aming dalawa ngayon. Hindi tuloy mawala sa labi ko ang ngiti.


Isa rin kasi na nagpapasaya sa akin ngayon ay ang isipan ko sa naging desisyon niya patungkol sa sinabi sa kaniya ng kapatid kong si Clark. Kahit sinabihan na rin pala siya ng kapatid ko na lumayo sa akin, katulad ko, pinili pa rin niyang manatili sa amin— sa akin. Ramdam na ramdam ko tuloy na totoong napakahalaga ko na sa kaniya.




***

DARK

Malalim na paghinga ang nagawa ko nang makababa sa sasakyang lulan. Alas nuebe na ng gabi at heto ako, narito na sa airport para hintayin ang flight ko patungong Palawan mamayang hating gabi.


Biglaan ang paglipad ko ngayon patungo roon. Wala pa mang tiyak na lokasyon ang nabigay sa akin ng mga tauhan namin ay may kung ano sa aking dibdib ang hindi makapaghintay. Gusto kong mauna na roon para kapag hawak na nila ang exact location ng mag-ina ko ay mapupuntahan ko agad.


May kaba at lungkot man sa akin tuwing naiisip ko ang binalita ng mga tao namin na may kasamang ibang lalake ang mag-ina ko ay mas matimbang pa rin sa akin ang tiwala sa asawa ko. Kahit wala akong kasiguraduhan sa mangyayari sa oras na magkita na ulit kaming dalawa ay handa na akong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Kung lumaban siya noon sa relasyon namin ay dapat lang na pati ako ay lumaban ngayon.


Malaki man ang tiyansang ipagtabuyan niya ako, ngunit hinding-hindi ako bibitaw hanggang may nakikita pa akong pag-asa para sa aming dalawa ni Angel. Kaya ang hiling ko lang sa mga oras na ito ay mahanap na agad ng mga tauhan ko ang lokasyon ng mag-ina ko sa Palawan. Ayoko nang mabaliw sa kaiisip sa maaaring kalagayan nila ngayon, kaya kung may ipagdarasal man ako sa sandaling ito ay iyon ang kaligtasan ng mag-ina ko.


Mula nang umalis ang mag-ina ko nang araw na iyon, ilang linggo na ang nakalipas, ay sobrang laki ng pinagbago ng buhay ko. Sa raming araw na wala silang dalawa sa tabi ko ay sapat na iyon para mapagtanto ko kung gaano ba ako naging walang kuwentang tao; kung paano ako naging tanga't mahinang lalake sa relasyon namin ni Angel.


Maging ang sarili ko ay tila ba nawalan na rin ng supporta sa akin. Hindi ko na talaga alam kung tunay na nararapat pa ba sa akin ang mag-ina ko. Ang hindi paniwalaan ang asawa ko at saktan siya ng lubos ang pinaka-matinding pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko.


And now, I realized, there's a big possibility that they are not coming back to me. And I know that I deserve that because of what I did to her life. But despite all of those thoughts, I keep on living with hope that maybe... maybe one day, she would give me another chance to prove my love and myself to her and Ken.

Loving DarkDonde viven las historias. Descúbrelo ahora