Kumunot ang noo ko, "Ang sabi mo sakin kagabi, you want me hot? Bakit ngayon ayaw mo? Tsaka anong kinalaman ng pagkain sa pagiging hot ko?"

Matama niya akong tinignan, "I want to make you hot. But I don't want you to look hot."

WHAT? Nag iwas ako ng tingin pero mukha atang balak niyang itanim ko iyon sa kokote ko dahil titig na titig siya sakin.

"Ang daming nagnanasa sayo. Kagabi sa bar, habang pinagmamasdan kitang napapaliyad at nag ga-grind sa gitna, maraming nabaling leeg sa kakalingon sayo." Nag iwas siya ng tingin. "That's the reason why I hate seeing you putting on those damn clothes." Sabay turo niya sa damit ko.

Napaawang ang bibig ko.

"Kaya ba binili mo ako nung mga damit na tulad kay Trisha? The sneakers, the pants, the t-shirts and all?" Matabang kong tanong.

"Binili kita non kasi hindi iyon nagpapakita ng sexiness. I want my girl to be hot in front of me... not in front of other guys." Aniya.

Tinignan ko siya ng mabuti.

"Because you don't want me to cheat. Right, Jayden?"

Dumilim ang titig niya sakin.

"Or m-maybe, binilhan mo ako ng mga damit na iyon para maalala si Trisha."

Darag kong nabitiwan ang mga kubyertos habang hinahabol ang sariling hininga. It's early in the morning, Charity! Why are you so emotional? Naramdaman ko na lang ang nagbabara kong lalamunan.

"We're not having this conversation, again, Cha." Aniya.

"Why? Bakit ayaw mong balikan? I want to know, Jayden!"

It's just not that simple to trust him. Kung pagkakatiwalaan ko man siya, gusto kong may sapat akong ebidensya na ako iyong mahal niya, at hindi si Trisha... Gusto kong may matibay na ebidensya. Ayaw ko ng mabuhay sa pag asa. Gusto ko ng kasiguraduhan. This is pathetic, but I don't want to be the loser in the end. Naging loser na ako nang binisita ko sila sa Manila at nalaman ang buong katotohanan. Ayoko ng bumalik pa sa pagiging loser ko.

"Because this isn't about me and her, Cha. It's about us!" Tumaas ang tono ng boses niya.

"Iyong picture sa cellphone mo ng babaeng nakatalikod, siya ba iyon? Sa Le Marcelle ba iyon?"

Tumikhim siya at pinagmasdan akong mabuti, "Where is this conversation going?" Bulong niya sa sarili niya.

"What's with the sneakers? Bakit hindi mo siya pinigilan nang sinampal niya ako? Bakit-Bakit nagseselos si Troy sa inyo? May dapat ba siyang pagselosan?"

"WHAT THE FVCK, CHARITY?" Sigaw niya.

Tumayo agad ako. Ginalit ko siya. Oo. Mas mabuti na rin siguro itong nasasabi ko ang nararamdaman ko. Napasan ko na ang mga pagsusungit niya sakin ngayon, now it's his turn. At sa klase niya, alam kong hindi niya ito makakaya. Hindi niya makakayang pasanin ang insecurities ko saming dalawa. He's too controlling. Paano niya ide-deal ang isang babaeng hindi ma control ang feelings niya?

Ngunit, ang tangi ko na lang naisip ay eto: Kung hindi niya ako kaya ngayon, wa'g na lang siyang tumuloy sa panliligaw. I'll show him the shits I have, let's see if he can handle it.

"Kahit kailan, hindi ko naramdamang insecure ako kahit kanino. KAHIT KAILAN! Ngayon lang talaga! God, Jayden, you made me so insecure with her! Kasi alam ko simula palang mali na tayo. Mali na ako para sayo. So don't just barge in to my heart again and say na liligawan mo ako..."

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon