"Bakit po sya nasa London?"

"Dun ko sya pinag-aral, dun nya kasi gusto, hindi naman kami humahadlang ni James sa mga gusto nila eh." Bait na parents, kaya siguro inaabuso ni Jiro, ahaha mukhang spoiled kasi si Jiro eh.

"Oh, di nyo po ba sya namimiss?"

"Actually I really missed her."

"Ilang years na po sya doon?"

"Almost 6 years na."

"Oh, matagal na po pala."

"Yeah, I miss to have a daughter na lagi kong nakakbonding, kaya nung nalaman kong kinausap ni James si Michael para dito kayo pansamantalang tumira natuwa talaga ako."

"Talaga po Tita?"

"Yes, ahaha, 6 year na na puro ako lang ang nandito and maids."

"Don't worry Tita, pwede nyo naman po akong ituring na anak nyo dito. :)"

"That's what I like."

Nagpatuloy lang kami sa pagluluto, ahaha, ang saya talagang gawin toh. I cooked some adobo, si Tita naman sa Chop suey. FYI, di porket mayaman eh pang mayaman lang ang laging kinakain, ahaha. Marami pang nailuto si Tita, bukod sa nabanggit.

Habang nagluluto kami, gusto ko sanang sabihin kay Tita yung kagaguhan ng anak nya sakin kanina sa School pero natigilan ako sa mga naririnig ko...

"Pagpasensyahan mo na si Jiro kung ganun sya kasungit ha..." Tita said.

"Lumaki kasi syang puro maids lang kasama nya, lagi kaming wala ng Dad nya dahil nasa Business trip kami, nagrebelde sya, sumama ang loob nya, pero bumawi naman kami sa kanya ng masettle na lahat ng maayos ang companies namin. Mabait naman yan si Jiro, kahit naman na may pagkamatigas ulo nyan patuloy pa din nya kaming pinapahanga lalo sa lahat ng performance nya, mapaschool man yan or pag need sya sa company namin. He never failed to amaze me every single day, he may be imature but he was a good guy. Ikaw ba, ano unang naging impression mo kay Jiro ko?" Gustong gusto ko sabihin yung mga kalokohan nya pero yung happiness sa mukha ni Tita about Jiro ayokong mawala.

"Totoo po, imature talaga si Jiro pero nakakaamaze po talaga sya, madalas man kami mag-away pero di ko naman sya nakikitaan ng kung anong negativities, I saw him played his sports sa school and he's amazing! Can't believe na ganun pala sya kagaling and even in acads sa College division. Wag po kayo magagalit tita pero pinakafirst impression ko talaga sa kanya is napakayabang."

"Ahahahaha! Natawa naman ako pero oo, may pagkamayabang si Jiro pero mamon yon. Napakalambot."

"Mamon?"

"He may look tough but deep inside napakalambot ng puso nya."

Ayaw ko nalang talaga mag-talk, ayoko sirain yung magandang tingin ni Tita kay Jiro, isa pa parang hindi talaga kaya ng kunsensya kong siraan sya sa mata ng nanay nyang sobrang mahal na mahal sya.

Titiisin ko nalang, wag lang mawala yung happiness na meron sa mga mata ni Tita Suzy.

~Dinner~

Tumulong na ako sa mga maid na maghain, kahit sabi ni Tita na wag ko na raw gawin yun. Then inutusan ako ni Tita.

"Nicca dear, can you go to Jiro's Room? Tell him na the dinner is ready. Kung ayaw nyang bumangon, pilitin mo, wag kang bababa ng di sya kasama ok? *wink*."

"Opo." Aw, naalala na may atraso pala sa akin yun Galunggong na yun. Sinunod ko naman si Tita kahit ayokong gawin.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng room ni Jiro. Kinatok ko ito ng hindi naman kalakasan, kaso walang nagbubukas ng pinto. Hinawakan ko yung doorknob, nagtry akong buksan yung pinto ng kwarto nya, bumungad sa akin ang isang mala-anghel na natutulog. Nilapitan ko sya, tulog kasi sya eh, ginagalaw-galaw ko sya gamit ang kamay ko sa paggising, kaso ayaw magising, laging tinatabig yun kamay ko. Tinignan ko yung mukha nya, mabait talaga yung mukha nya kapag tulog kaso....

Gorgeous Six Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora