Dumiretso na ako sa Library para mag-ayos ng mga books, kaso nabadtrip naman ako ng makita ko si Lance the Galunggong Prince na nasa Library pa rin hanggang ngayon. Dinedma ko nalang itong Lance na toh, kesa pansinin ko pa mag-aayos nalang ako ng libro, wala nang tao dito sa Library, ako lang at si Lance yung naiwan, lumabas muna kasi yung school Librarian eh.

Habang nag-aayos ako di ko maiwasang mapalingon kay Lance. Nakasalamin sya habang nagbabasa ng book. Wait? Bakit parang alam ko yung book na binabasa nya? Wait? Natatawa talaga ako, dahil nakita ko yung binabasa nya.

"Pfft.." Pagpipigil ko ng tawa, narinig nya ata ako kaya bigla nyang isinara yung binabasa nyang book.

"What are you doing here?" tanong naman sa akin ni Lance.

"E-eh?! Nawowork ako dito as student assistant."

"Really? or your stalking me?" KAPAL!!!

"Hoy! Wag kang feeling noh!" bumalik nalang ako sa pag-aayos ng libro.

"Hey!"

"Ano na naman?"

"Sorry." EH? Ano daw? Ano? ANO? PAULIT!!!"

"What?"

"Sorry sa mga nangyari kanina, hindi maganda ang inasal naming mga G6."

"Uhm..." di na sya umimik after nyang magSorry. Nilapitan ko sya, umupo ako sa upuan.

"E-eh? Akala ko ang sama ng ugali mo, nakokonsensya ka ba?"

"Hindi"

"Eh bakit ka nagsosorry?"

"Ayoko kasi yung naisip nilang gawin, napilitan lang ako, dahil yun ang gusto ni Jiro."

"Kontrolado ka rin ni Jiro?"

"No, napagtripan ko lang na sumali."

"Ganun, baliw ka din eh. Hay, di ganun kadali magpatawad pero sige, pagbibigyan kita." I said, napangiti lang sya

"Your Ice Cream is coming just a minute."

"Oh? May suhol?"

"Gusto ko lang bumawi in a small way, pero..."

"Ano yon?"

"What do you think of Shuzette?"

"Eh? Shuzette? bakit?"

"I like her."

"Weh?"

"Yeah"

"Hmm... Ok naman sya eh, super kindhearted nya sa tingin ko, and she's also pretty."

"Yeah, she's Kindhearted kaya nga Mellow Princess sya ng Richfort eh."

"Sabi ko nga." Nabara ako ng kaunti dun aah, kaunti lang.

"Teka, ba't mo nga pala naitanong sa akin si Shuzette?"

"I saw you with her kanina."

"Oh? So ikaw ang stalker!"

"Tanga! hindi, I saw you with her and nakita kong pinapatahan ka nya sa pagkakaiyak mo."

"Ohw, sabi ko nga, eh pano mo kami nakita?"

"I tried na habulin ka after ng nangyari pagkatapos mo kaming apakan at sipain, kaso ang bilis mo namang tumakbo, para kang kabayo."

"Kabayo! Adik ka!"

"Just joking, hayzz.. by the way, wag mo nalang pansinin yung ibang mga nasabi ko, basta ako na naunang mag-sorry sayo."

"Oo na, Oo na." Then bumalik na ako sa pag-aayos sa Library. Dumating na rin yung School Librarian kaya pwede na raw akong umuwi.

Gorgeous Six Where stories live. Discover now