Naglahad siya ng kamay sa upuan. Agad kumalabog ang puso ko. Darn, traydor na puso! Pwede bah? This isn't his first sweet moment with me, wa'g kang umarte diyan na as if ito yung una.

Nagkibit balikat ako at matamang tinignan siya.

"Well..." Humakbang ako palapit sa kanya tsaka umupo.

Umikot siya para umupo doon sa harap ko.

"Let's just eat and get this over with." Sabay tusok ko sa kawawang manok.

Nilantakan ko agad iyon. Gutom naman pala ako. Sige, buti makalibre ako ng pagkain. Tsaka... pagkataos nito, maliligo na ako, magbibihis at aalis.

Nakatitig lang siya sakin gamit parin ang nakabusangot na mukha.

"What?" Kinakagat ko na yung legs ng chicken.

"Don't you have a romantic bone in your body?"

"HUH? Anong romantic?"

"I wanna date you, Charity. Kaya kita pinaghanda nito. Don't act as if inimbitahan lang kita sa pyesta at walang meaning ang lahat."

"Anong gusto mong gawin ko? Makipagtitigan sayo?" Inirapan ko siya.

"Damn this girl." Sabi niya sa sarili niya.

Ang buong akala ko ay makikipagtalo pa siya sakin, pero nagkamali ako. Hinayaan niya akong kumain ng tahimik. Nilagyan niya rin ng wine ang wineglass ko. Hindi ko na siya tinignan.

"Thanks." Sabay lagok agad sa isang shot ng wine.

Nakaupo ako doon hanggang sa unti-unti kong pinagmamasdan ang paglalaro niya sa bunganga ng wineglass. Nang naramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya ay saka naman siya tumitig din. Nag iwas agad ako ng tingin.

"Do you have some questions in your mind, Cha?" Malamig niyang tanong.

Sinasabi ko na nga ba. I knew it. Ito ang gusto niyang mangyari ngayong gabi. Marami. Marami akong tanong na gusto kong sagutin niya. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko bang marinig lahat ng mga sagot niya.

Ilang sandali pa ako bago nagsalita.

"Do you still love her, Jayden?"

Umiling siya. Tinitigan ko siyang mabuti. Tumitig din siya sakin. Kaya lang, agad akong bumitiw. It was dangerous. He is dangerous. Konting titig niya lang sakin, nalusaw agad ang dinidiligan kong galit sa puso ko. Nalulusaw ang mga pader na ginawa ko panlaban sa kanya. I don't even know if he loves me, pero nalulusaw na agad. This is all just ego trip. Gusto niya lang akong makuha ulit to prove that he's really good.

"What happened between you and her?" Matabang kong tanong.

Ilang sandali pa siya bago nagsalita. Pero nang nagsalita siya ay may dala namang buntong-hininga.

"She cheated on me..."

Tumango ako. That's why... Kaya naman pala lagi niyang ipinapaalala sakin na hindi dapat ako nag chi-cheat. Dapat siya lang. Is this his ego trip all along? Kasi kung nag cheat si Trisha sa kanya, ibig sabihin masyadong naapakan ang pagkalalaki niya. Ibig sabihin, he lost his self-esteem. At nang natagpuan niya ako, unti-unti ko itong na ayos. Syempre, kasi hinabol ko siya.

Napalunok ako. Hindi ko kaya iyong naramdaman kong nagbabara sa lalamunan ko. Damn these insecurties. I'm not usually like this.

Simula pa noong highschool pa ako, hindi ko kailanman naranasan na may mas magaling, mas maganda, mas higit pa sakin. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko iyon. And I don't like it. I just didn't like this feeling.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon