Mas lalong kumuyom ang panga niya, "Oh... fvck! Just look at how you answer me... I don't believe it!" Tinitigan niya ako.

"What? You hate my brattiness, Jayden? Then leave! I'm not asking you to stay! Ako na yung unang umalis kasi ako naman yung nagpumilit na pumasok sa buhay mo, hindi ba? Now all you have to do is let me walk away!"

Ang sakit ng lalamunan ko. Kanina pa pala ako sumisigaw. Pumihit ako para sana umalis pero hinila niya na naman ang braso ko.

"I'm still talking to you, Charity!" Sigaw niya at napaharap ulit ako.

"What do you want to talk about now? Yung nangyari sa Manila? It's okay, Jayden." Mahina kong sinabi.

Umirap ako at umambang tatalikuran ulit siya pero pinigilan niya ako.

"Hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay Trisha dahil alam kong marerealize mo rin ito. Na napansin kita kasi Trisha ang pangalan mo noong una. At mangyayari ito. At magkakaroon ka ng ganitong conclusions..."

"Really? Then tell me, bakit ayaw mong PDA tayo? You don't even like to hold my hand around some people. Ikinakahiya mo ako? O baka naman kasi hindi ka parin nakakaget over sa kanya. Gusto mong malaman ng lahat na wala kang iba-"

"Look at your logic! Tigilan mo nga ang pagbibigay ng meaning sa mga nonsense na yan. Totoong ayaw ko ng PDA, pero damn it, you ant PDA, I'll show PDA!" Sigaw niya at marahas akong hinila para halikan naman ng marahan.

Dinig na dinig ko agad ang kalabog ng puso ko. Darn it! Tinulak ko agad siya. This is freaking dangerous!

Sinampal ko agad siya. Nakita kong pumula ang pisngi niya. Hindi siya agad nakabawi ng tingin. Nanatili ang mukha niyang nakatagilid hanggang sa nagsalita ako.

"You ruined me, you just can't knock on my door and get in easily again. You'd have to beg for it."

Pumihit ako at mabilis na umalis. Mabuti na lang at maraming taxi sa tapat ng Mango Square. Agad akong pumara ng isa at sumakay.

"Manong, Riala." Sabi ko. "Paki dalian po."

I need to get there fast. Lalo na nung nakita ko sa side mirror na nandyan si Jayden sa likod. Nagpapaharurot ng sasakyan.

"Manong, dodoblehin ko po yung pamasahe, basta paki bilisan. Pwedeng short cut."

Mabilis akong nakarating sa Riala. At dahil hindi naman kailangang mag park ni manong ng matino, naunahan ko si Jayden.

Tumatakbo akong parang baliw papunta sa elevator. At nang sa wakas ay nakarating ako sa unit ko, agad kong sinarado ang pintuan.

Ilang sandali ang nakalipas, kumalabog ito. He's literally knocking on my door.

"Charity, open the damn door!"

FVCK THIS LIFE!

"I'm asleep. Really tired. Bye." Sigaw ko.

"Open the damn door!"

Napapikit ako. No. Way. Not. Again.

Pinaandar ko na lang ang stereo ko at nagkaroon ng music session habang naghuhubad para makatulog. I don't care if Jayden's outside my door.

Kahit na hindi ako makatulog sa kwarto ko, hindi ko parin nagawang buksan ang pinto. Marami paring bumagabag sa utak ko.

Nung pumunta kaming Manila, Troy looked so sad. Siguro ay nagselos iyon nang nalaman niyang nandoon si Jayden. At ang sabi nung Trisha ay nagpatulong si Jayden sa kanya. Are they both cool now? And if they're cool, mahal na ba ako ni Jayden? At kung mahal nga niya ako agad ko ba siyang tatanggapin? No. I need to love myself first. I need my time, my space...

I can't lose myself just because I found him.

Kinaumagahan, namulat ako sa sinag ng araw sa kwarto ko. Babalik na nga pala ako ng Bantayan ngayon. Buti na lang at konti lang yung dala ko.

Kumain lang ako ng cereals, naligo, tsaka nagbihis bago tinawagan si Chase Martin.

"Hello, Chase? balik na akong Bantayan. Pwedeng pasundo sa van?" Tanong ko.

"Huh? Bakit ako yung tinatawagan mo? Where's the GM? Si Jayden?" Humalakhak siya.

"Idunno..."

Nilolock ko na ang unit ko nang nakita kong nandoon si Jayden sa tabi nito. Nakaupo sa sahig at tulog na tulog. His hair was slightly disheveled but God he's so gorgeous. Bahagya pa siyang nakatingala. Yung isang binti niya ay matuwid at isang binti ay naka tupi.

"I-I mean... just... here... P-Pero hindi ako sasabay sa kanta. It seems like he's enjoying his stay dito sa syudad. Me? I need to go back."

Sinuri ko ang mukha niya. Darn, ang sarap niyang patawarin na lang agad.

"Really? Well, alright, papunta na dyan yung sundo. Hintayin mo na lang sa tapat ng Riala."

"Okay, thanks..."

Binaba ko ang cellphone ko at pinagmasdan si Jayden ng mabuti. What shall I do with him? Nakatulog siya sa pag aantay saking pagbuksan siya.

Napatalon ako nang nakita kong bahagyang gumalaw ang ulo niya.

"Uh-oh..." Tinalikuran ko siya agad ng walang pag aalinlangan at umalis na.

"Bahala ka sa buhay mo." Bulong ko sa sarili ko nang nasa elevator na ako.

Ilang sandali pa ako nag hintay sa van na pinadala ni Chase Martin. Nang nakapasok naman ako doon, nabigla ako nang di agad iyon umalis.

"Manong, tayo na po? Baka mahuli ng barge. Tatlong oras at kalahati pa pa naman yung byahe." Sambit ko.

"Sorry, ma'am. Utos kasi ni Sir Jayden na hintayin siya-"

"What?"

Tinignan ako ng driver sa rearview mirror. Naputol lang yung titigan namin nang napatingin siya sa gilid.

"Ay, hindi na kayo maghihintay ma'am, andito na si Sir!"

Oh this is freaking ridiculous!

Ginugulo niya ang buhok niyang basa pa habang half-running palapit sa van.

"I can't believe this life..." Umiling iling ako.

Mas lalong bumilis ang iling ko nang binuksan niya na ang pintuan at tumabi sakin. Nagkatitigan kaming dalawa. Ako na yung nag iwas ng tingin kasi panay ang kalabog ng puso ko. Mamaya marealize pa niyang mahal ko parin siya.

"Good morning!" Bati niya.

GOOD MORNING YOUR FACE!

Tumingin ako sa labas at di na umimik.

"Sana ginising mo ako paglabas mo." Aniya.

Kinagat ko ang labi ko. Ignore, Cha... Just ignore the man!

"Ang sakit ng leeg ko. Parang maling position yata yung tulog ko."

"Sino ba kasing nagsabing matulog ka sa labas." Hindi ko na mapigilang magsalita.

"I don't need anyone to tell me what to do, Cha. Kung gusto ko, iyon ang gagawin ko. Kung mahal ko, iyon ang pipikutin ko."

Mas lalo kong kinagat ang labi ko. Hindi mo naman ako mahal pero bakit kinakabahan ako sa sinasabi niya.

"Edi pikutin mo si Trisha." Darn, I sound sooo bitter. Why? Ilang kilo ng ampalaya ang nakain ko?

"Bakit? Ikaw naman ng mahal ko."

Pumikit ako at kinuha ang earphone saka nilagay sa tainga ko. I'm not listening to the words you'll say. Like I said, you'd have to beg for it.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon