"Tribe Lounge, yes, yung pinsan ko- si Charity- Charity Rama- Oo- Yung anak ng mayor-"

Ilang beses niya itong inulit. Wala akong pakealam kahit na anong sabihin niya sa mga kausap niya. Gusto ko lang magmuni-muni.

"Get out, Cha..." Utos ni A pagkatapos niyang mag park sa tapat ng isang lugar na puno ng napakaraming bar.

Sa labas pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay. Bumuntong-hininga ako at padabog na sinarado ang pintuan ng sasakyan.

"Oh! God! Please, Charity! Find your lost self!" Hinila niya ako papasok sa isang bar na may malaking Tribe Lounge na nakalagay sa taas.

Yes, maybe I need some booze. But, darn, Jayden will freak out... Naalala ko yung huli kong pagbabar sa Bantayan, galit na galit siya. But... will he really freak out? Nag freak out ba siya dahil nagseselos siya? Dahil mahal niya ako? O dahil lang naapakan ang ego niya? Dahil lang ayaw niyang makita akong nagkakagusto ng iba? Dahil nakakalift ng ego niya yung pagkakahumaling ko sa kanya?

Inilagok ko ang pangatlong Absolut.

Nakatitig lang si A sakin kahit kanina pa may nangungulit sa kanyang magsayaw.

"A, you're going to be an old maid. Parati kang masungit, aayaw ang mga lalaki sayo. You should be a little flirty." Ngumisi ako.

Wala na yata ako sa sarili ko. Pinaglalaruan ko na lang ang bunganga ng shot glass bago ito inilagok ulit.

"Why? You don't seem flirty yourself. Kung noon, flirty ka to the highest possible level, ngayon naman morbid. Ikaw siguro ang magiging old maid satin."

"Oh come on, I'm still young."

"I'm young, too."

Napatingin ako sa kanya, "Pero maldita ka. Aayaw ang lalaki sayo. Try Art of Seduction."

"I'm not desperate, Cha. At least... Walang mawawala sakin kung umayaw sila. Coz I don't like them. Eh, ikaw? Panay ang ingat mo sa kanya, pero..."

Lumagok ako ng mabilisan, tatlong shots. Nalaglag ang panga ni A nang nakita iyon.

Bimuga ako ng hininga dahil sa anghang na naramdaman sa lalamunan ko.

"pero... he's drifting away." Dagdag ko.

Napatingin ako sa dancefloor. Habang tinitignan ko ang mga taong nagsasayaw, may nakita akong isa na nakatitig sakin. Isang lalaking nagsasayaw doon pero sakin nakabaling ang buong atensyon.

Bahagyang tinulak ni A ang balikat ko bilang panunuya.

"Go, Cha. Make him feel like he's not the only one. That's your art of seduction, right?"

Mas lalong lumagkit ang titig ng lalaki. Uminom pa ako ng tatlong beses bago bumaling ulit kay A.

"Yes, you're right... I'll make him FEEL like he's not the only one. Pero hindi ko yun tunay na gagawin. I will make him my only one, kahit na ipaparamdam ko sa kanyang hindi."

Habang sinasabi ko iyon sa kanya, may naaninaw ako sa bar table. Nakaupo siyang mag isa at tinititigan iyong shot niya. Magulo ang kanyang buhok at mejo mukhang badtrip. Tinititigan niya ang shot glass na parang may lalabas na fairy doon. Masyado siyang nahuhumaling dito at hindi niya namamalayan ang mga babaeng pa-cute nang pa-cute sa kanyang harapan.

"A, stay here." Bigla akong nabunutan ng tinik.

"Huh?"

Tumingala si A at sinundan ako ng tingin. Lumalapit na kasi ako sa lalaking iyon. I'm right! Habang papalapit ako sa kanya, mas lalong lumiwanag ang kanyang mukha. It was Troy... The Troy of Trisha. Ito yung karibal ni Jayden, if I'm not mistaken.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon