Kabanata 26- Outburst

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko ang phone ko. Gusto ko siyang i-text. Gusto kong magtanong. Anong nangyari sa kanya at naaksidente siya? Gaano kalala ang natamo niya sa aksidente? Hanggang ngayon ba ay nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa kanya?

But the thought na magkasama sila ngayon ni Michelle ang siyang nagpatigil sa akin na i-text siya. Michelle is there for him the whole time. I wasn't there because of what I've done. Naging manhid ako sa lahat nang pangyayari.

I know since then, na ako ang may kasalanan ng lahat. Bakit nagkahiwalay kami at bakit galit siya sa akin. I made him feel unwanted because of my reasons. And I can't blame him for hating me the whole time.

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero gaya nga ng sabi niya noon, hindi niya pa ako napapatawad. At hindi gano'n kadaling kalimutan ang lahat. Naiintindihan ko siya. I hurt him. At guilty na guilty ako dahil doon. Pero kahit na ano pang gawin kong pagsisisi sa sarili ko ay hindi na no'n mababago ang katotohanang I made wrong decisions.

Araw-araw ay pasan ko ang pagsisising iyon. Hanggang sa dumating ang araw na parang nasanay na rin ako. Unti-unting nawala. Nabaon sa limot dahil hindi ko naman nakikita ang epekto nang ginawa ko.

Pero ngayon, nandito na si Dyuswa. He's not miserable now pero kitang-kita ko ang galit niya sa akin noong una kaming magkita. At doon muling bumalik ang guilt ko. Ayokong ipakita sa kanya iyon dahil ayokong isipin niya na mahina pa rin ako.

Malakas naman ako eh. I've been stronger for years. Kaya iyon ang ipinapakita ko sa kanya. Alam kong darating sa punto na magkakasagutan kami tungkol sa bagay na iyon. And honestly, I don't want that time to come.

Kaya ngayon ay nagpapakabait ako sa kanya para maiwasan iyon. Tama. Kahit iyon na lang muna sa ngayon.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay lumabas ako ng bahay at pinuntahan si Bhebhe Qoh. Namiss ko ring makipagdaldalan sa malanding aso na 'to!

"Hi Bhebhe Qoh! Namiss kita! How are you?"

"Aww! Aww! Aww! (Maganda pa rin. Di tulad mo)

See. Nakakamiss talaga ang asong ito. Ang sarap nail-cutter-in ang kilay niya!

"Mana ka kaya sa akin!"

"Aww. Aww. Awww! (You're not my mother! Who's my mother anyway? Sino ang father ko?)

"Yaya Simang! Yaya!" sigaw ko sa labas ng bahay nila Dyuswa.

Kaagad namang bumukas ang pinto ng gate at iniluwa no'n si Yaya Simang. Bahagya pa siyang nagulat nang makita niyang may aso akong kasama na nakatali.

"Mam Ayissha? Anong ginagawa niyo rito? At bakit...may kasama kang aso?"

"Yaya, gusto kong magkaanak kay Dyuswa!"

"Diyos na Mahabagin! Ano bang pinagsasabi mong bata ka. Ang bata-bata niyo pa. Saka isa pa, wala na rito si sir Joshua. Paano ka niya mabubuntis?"

Tumawa ako ng malakas. "Si yaya talaga hindi na mabiro. And'yan pa ba si Swiss? Inaalagaan niyo po ba siyang mabuti?"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon