Ika limang Kabanata

Start bij het begin
                                    

"Let him explain Kath." Hinimas ko ang braso niya. Nag buntong hininga siya.

"Thank you." maayos na sagot ni Paul.

"Pero kailangan mong mag paliwanag ng maayos." dagdag ko sa kaniya. Tumango naman siya at itinuro ang dalawang upuan sa gilid namin. Tiningnan namin ito ni Kath. Umupo siya dun sa sofa na nasa tapat namin.

Magkahawak kamay kaming umupo ni Kathryn. Mukhang mahaba-habang usapan ang magaganap dito.

***
[ Daniel's P.O.V ] 

     "So..." panimula ko. Kanina pa kasing walang nag sasalita sa kanila. Puro titigan lang ang nagaganap. "We meet again."

Binigyan nila kami ng masasamang ngiti. Yung para bang may alam silang hindi namin alam.

"Ayaw namin ng away. Aalis na lang kami." kalmadong sinabi ni Wade. Pero pinigilan siya nung isang lalaki. Hinawakan niya si Wade sa braso at alam kong masamang galaw yun. "Wag mo akong hahawakan!!"

Itinaas nung lalaki ang dalawa niyang kamay nang bigla siyang dinuro ni Wade. Pumagitna si Champ sa kanila. Biglang hawak naman sa armas ang mga kasamahan nung lalaki at naging ganun din ang gawa namin.

Bumalik kami sa katahimikan. Tiningnan ko silang mabuti. Kita na mas matatanda sila kesa sa amin pero malalaki ang katawan. Ilan sa kanila ay naka motorsiklo at ang iba ay naka sakay sa isang malaking van. Nung unang beses namin silang naka bunggo, ibang mga tauhan ang dala niya. Which means, madami sila sa grupo.

"Ibibigay niyo ba sa amin yan o hindi?" malalim ang boses nung lalaki. Hindi nawawala sa mukha niya ang ngisi. Naka turo siya sa likod ng truck namin.

"Ibibigay ang alin?!" tanung ni Enrique.

"Bakit kami mag bibigay sa inyo?!" dagdag ni Brook.

Tumawa ang buong grupo nila. Nag tinginan lang kami. Mukha ba kaming mga clown na nag sabi ng joke para tumawa sila ng ganun?

"Bumalik na lang kayo sa susunod. Hindi pa kami handa." salita ni Michael na mabilis naming ikinalingon.

"Huh!" Napawi ang ngiti nung lalaki na mukhang lider nila. Lumapit siya ng kaunti. "Ilang beses niyo nang sinasabi yan sa amin. Gusto niyo bang siya pa ang humarap sa inyo?!" may pananakot sa tono ng boses niya.

Pero paano kami matatakot kung wala naman kaming ideya sa pinag sasabi nila. I mean, kami nila Enrique wala, pero sila Michael, mayroon.

"Anung ibig nilang sabihin?" tanung ko kay Michael. Hawak ko pa din ang armas ko.

Sasagot sana siya pero nawala ang atensyon niya ng biglang pumalakpak yung lalaki. Sarkastik ang ipinakita niya. Para bang hindi siya naniniwala sa tanung ko.

"Hoy! Ikaw na gagø ka! Tumigil ka nga sa mga side comments mo dahil wala talaga kaming alam sa nangyayari!!" tinaasan sila ng boses ni Wade at dinuro. Dahilan nang bigla nilang pag sugod sa kaniya.

Tinulak nila si Champ sa gilid. Dinaganan nung lider si Wade. Umamba kaming susugurin yung lalaking nasa ibabaw ng bigla niyang tinutukan si Wade ng baril sa ulo. Tumigil ang tibok ng puso ko. Ayokong may mawala na naman sa amin.

"Isa pang tapak niyo, hindi ako mag dadalawang isip na lagyan ng dekorasyon ang kalye na ito gamit ang laman loob ng siga na ito!!" sinigawan niya kami. "At hindi namin kasalanan na wala kayong alam sa nangyayari."

"Michael...please..." bulong ni Champ sa gilid. Mahigpit ang hawak ni Enrique sa baril niya. Alam ko na mag kamali lang ng galaw ang lalaking nasa ibabaw ni Wade, lahat kami ay magkakagulo.

Ngumuso yung lalaki, hanggang ngayon hindi namin alam ang pangalan niya. Pero dapat ba naming malaman lalu na't kalaban lang naman namin sila?

"You know what, fine!!" tumayo ang lalaki. Mabilis din tumayo si Wade at mukhang susugod pero hinawakan siya ni Enrique. "Bibigyan namin kayo ng tatlong araw para mag-usap at mag-ayos. Pero yun lang. Pagkatapos nun, wala na!" maayos na iritable niyang paliwanag.

Sumakay na sila sa mga motorsiklo nila at sa van. Ni hindi man lang sila lumingon sa amin. Diretso silang nag drive. Naka tuon ang tingin ko sa kanila hanggang sa nawala na sila sa daan.

"Brook!!" lumingon ako sa mga kasamahan ko nang marinig ko ang sigaw ni Lyla. Naka higa na si Michael sa sahig. Mabilis naming hinatak si Brook.

"Mga loko rin kayo eh no?! What the fvcking hell was that, huh?!?!" sumisigaw siya. "Mayroon ba kaming dapat malaman!? May mga bagay ba kayong hindi nasabi sa amin habang nag papaliwanag kung gaano ka perpekto ang community niyo?!"

"Brook, tumigil ka." paninita ko sa kaniya. Unti-unting sumusulpot ang mga roamers. Pero hindi niya ako pinansin.

"May handbook ba kayong available na pwedeng basahin habang nag hihintay sa tatlong araw?!" dagdag niya.

"Stop this!!" pigil ni Champ sa kaniya.

"O baka naman wala talaga kayong planong mag paliwanag. Hahayaan niyo na lang kaming magpaka pagod habang yung mga gagøng bullies na yun ay kuning ang lahat!!"

Pinatay namin ang ilang roamers na sumulpot mula sa gubat.

"Brook!!!!" Tumigil siya sa pag tatantrum nang marining niya ang isang pamilyar na boses. Lahat kami ay napatigil.

Tiningnan namin siya. Sila. Hindi namin namalayan na dumating sila. May mga lungkot sa kanilang mukha. Alam kaya nila ang nangyari? Ang mangyayari?

"A--anung ginagawa n-niyo d-dito?" tanung ni Enrique. Nag hahabol siya ng hininga. Ilan din kasi ang sumulpot na roamers.

"Alam namin ang lahat." sagot ni Julia. Alam ko na nandito ang kapatid ko, pero sa isang babae lang ako naka tingin. At sa akin lang din siya naka tingin. May pag aalala sa mga mata niya.

"Victoria..." lumapit si Brook sa kaniya. Napatingin ang dalaga sa kamay ni Brook at nakita ang bakas ng dugo. Sinilip niya si Michael na ngayon ay ginagamot ni Lyla at ibinalik ang mga tingin sa kamay ng lalaking nakatayo sa harapan niya. "I--I'm sorry..." salita ni Brook.

Madaling magalit si Brook at hindi niya ito kontrolado. Isa ito sa mga dahilan kung bakit humiwalay si Victoria.

Lumapit sila Julia sa amin. Nagulat ako ng biglang yumakap si Kathryn sa akin. "I love you too..." bulong niya sa dibdib ko na dahilan ng pagkakatulo ng luha mula sa mga mata ko. Niyakap ko siya pabalik. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Dominic ang pangalan niya." nagulat kami sa sinabi ni Michael. May bandage siya sa mukha. "Yung lalaking sumugod kay Wade." dagdag niya.

"Anu ba ang kailangan nila?" tanung ko.

"Alam namin." mabilis na sagot ni Kathryn. Tumingin kami sa kanila. "Nag paliwanag na si Paul. Nag-alala kami sa inyo kaya kami sumunod. Naka salubong namin si Victoria sa daan."

"Then explain it to us."sabi ni Brook. Binebenda ni Victoria ang kamay niya.

"Isa silang malaking grupo. They call themselves 'Warriors'. " pag uumpisa ni Julia. Tumango naman si Kathryn. Naka yakap pa rin siya sa akin.

"Tinulungan nila ang cove community na mabuo. Pero sa huli nila sinabi na may kapalit ang lahat. Walang choice sila Ryan." kwento ni Julia.

"We need to give them half of everything we owe. Nung una, nahirapan sila, pero nung nakilala nila si Victoria at Paul, napadali na." Dagdag ni Kathryn.

"Bakit natin sila dapat sundin? Hindi ba tayo pwedeng lumaban?" matapang na tanung ni Wade.

Umiling si Victoria. "Hindi niyo sila kilala. Hindi niyo siya kilala."

"Sinong 'siya'? Kanina pa nila yun sinasabi." litong tanung ko.

"Bawat grupo nila ay may leader. Ganun sila kadami. Pero ang buong community nila ay may leader. Siya ang nag papatakbo ng lahat. Siya ang sinusunod ng lahat. And his name is Jeffrey." paliwanag ni Victoria. "Everything we have and will ever have, now belongs to Jeffrey."

Lalung humigpit ang yakap ni Kathryn. Bumalik na naman kami sa katahimikan. Tumingin ako kay Enrique at ganoon din siya. Sa aming isipan, nag-uuspan kami.

'Tama ba ang desisyon na ginawa natin?'

Tatakbo ba kaming palayo o mananatili dito at hihintayin ang tatlong araw para lumaban?
*****

Already GoneWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu