Ika limang Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Oh! Kathryn!" bati ni Lana sa akin. "Kanina ka pa dyan?" lumingon si Julia nang marining niya ang pangalan ko.

"Uhm. Hindi naman. Kararating ko lang po." pumasok ako ng tuluyan sa garage. Yumakap ako kay Julia. Ang bango ng buhok niya. Bumalik sila sa pag aayos. May listahan silang sinusunod.

"Anung ginagawa niyo?" tanung ko sa kanila. Napatigil sa pag gawa si Lana samantalang si Julia ay patuloy sa pag hihiwalay ng mga gamit.

"Ah..Eh.. Hinihiwalay namin yung mga mapapanis na sa maayos. Para hindi mag halo."sagot niya sa akin. Para pa siyang hindi sigurado.

May sasabihin pa sana siya nang biglang singit si Julia sa usapan. Naka kunot ang noo niya. "Akala ko hinihiwalay natin ang mga ito depende sa kanilang mga brands?!"

Pareho ko na silang tiningnan. Parang ang gulo ng mga paliwanag nila. Sino ang nag sasabi ng totoo? May totoo ba sa sinasabi nila?

"Uhmm...." napakamot sa batok si Lana. Mukhang nag sinungaling siya sa aming dalawa.

Sabay kaming humalukipkip ni Julia. Tinaasan pa siya ng kilay.

"Hindi ako mag papatuloy sa pag tulong sa'yo hanggat hindi ka nag sasabi ng totoo." mataray na salita ni Julia.

Ibinuka ni Lana ang mga labi niya pero biglang may nag salita mula sa likuran namin.

"Ako ang dapat na mag paliwanag sa inyo ng lahat." sabay kaming lumingon ni Julia.

It's Paul. He's back.

***
[ Enrique's P.O.V ]

    "Kath!! Teka!!" habol ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Ewan ko ba kung anu ang problema nung babaeng yun.

Umamin lang si Daniel sa kaniya, para na siyang nabaliw na hindi mo maintindihan. Ni hindi ko nga alam kung may nararamdaman din siya para kay Daniel o wala. Baka may natitipuhan na iba?

"Enrique!" mabilis akong lumingon sa tawag ng kapatid ko. Naka sakay siya sa likod ng truck. "Halika! Sama ka sa amin."

Hindi ako nag dalawang isip. Tumalon ako sa likod at umandar na ang sasakyan. Nandyan naman si Daniel. Kaya niyan mag-ikot mag-isa. Tsaka gusto kong lumabas. Nangangati ang mga kamay kong pumatay ng mga patay. At gusto ko rin makisama sa kapatid ko.

Huminto kami sa gilid ng highway. "Mag lakad na tayo pamula dito." sabi ni Champ. Siguro mahilig mag-ikot itong lalaking ito noon dahil halos alam niya ang pasikot-sikot.

"First time kong mapadpad dito." sabi ko sa kanila. May hawak kaming mga baril. Pero pag isa o dalawa lang ang makita naming roamers ginagamitan na lang namin ng axe or knife.

"Masyadong tahimik..." bulong ni Brook habang naka bantay sa likuran namin.

Nilalagay na namin sa truck yung mga nakuha namin. Madami-dami ang mauuwi namin. Paniguradong matutuwa sila.  Hindi ganun kadami yung roamers.

"What do you mean?" tanung ko sa kaniya habang nag pupunas ng pawis. Mataas ang sikat ng araw.

Ibinuka ni Brook ang mga labi niya para sumagot pero natigilan ng may marinig kaming pamilyar na tunog. Mabilis naming tinakpan ang sasakyan. Tumayo kami sa gilid at hinawakan nang mahigpit ang mga armas. Bakit na naman sila nandito?

***
[ Julia's P.O.V ]

     "Ano?! Sira ba ang mga ulo niyo?!" Malakas ang boses ni Kathryn. Buti na lang at nasa loob na kami ng bahay. Namumula ang makabilaang pisngi niya.

"Talaga bang kailangan natin yung gawin?" tanung ko kay Paul na simula pa kanina ay tahimik siyang nakatayo.

Mag sasalita dapat si Kathryn pero itinaas ni Paul ang kamay niya. Humalukipkip si Kathryn at tinaas ang isang kilay.

Already GoneWhere stories live. Discover now