Ika limang Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumunot ang noo ko. "Hindi ah. Tumigil ka dyan." pinunasan ko ang mukha ko. As if namang mawawala.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Namumula ka." pilit niya sa akin. Nilagay ko ang buong kamay ko sa mukha niya sabay tulak.

"Nilalamig lang ako." sagot ko sa kaniya.

"Kailan pa naging malamig sa Pilipinas?!" natatawa niyang tanong sa akin.

Nag kibit balikat ako. "Napapa ligiran tayo ng mga patay. Kaya malamig." paliwanag ko sa kaniya.

Nag pigil ako sa pag tawa nang mapansin ko ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang tama ang sinabi ko.

Umiling na lang ako at nag patuloy sa pag lalakad. Wala silang binigay na assignment sa akin ngayon kaya hindi ko alam kung anu ang dapat kong gawin. Nagawa ko na ang inventory ng mga baril. Hindi iyon ganun kadami. Sila Julia ang nag aasikaso ng mga pagkain.

Out of nowhere, biglang nag comment si Enrique, "Hindi lang ikaw ang nag-aalala..." naka lagay ang dalawang kamay niya sa bulsa.

"Huh?" huminto ako sa pag lalakad.

Sinipa niya palayo ang isang bato. Hindi siya nakatingin sa akin nang sumagot, "Tungkol kay Paul." tumingala siya sa langit. "Pati ako nag hihintay sa kaniya."

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Ganun ba ako ka-obvious? Sino pa bukod sa kaniya ang nakaka halata? Sino pa bukod sa kaniya ang nag-aalala?

"Sabi nila, malapit na daw siya bumalik." salita niya. Naka tingin na siya sa akin ngayon. May lungkot sa mga mata niya.

"Buti naman..." mahinang sagot ko. Lumihis ako nang tingin pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko. "Tara. Baka hinahanap na tayo nila Julia." mabilis akong nag lakad palayo sa kaniya.

His gaze is one of thing that I don't need to worry about right now. Iba ang kutob ko sa araw na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Hindi sumunod si Enrique. Pero naririnig ko ang tawag niya. Umiling na lang ako sa sarili ko. Kailangan ko munang lumayo sa kaniya.

Pumunta ako sa ibang bahay, kahit na ang sinabi ko ay si Julia ang pupuntahan ko. Binisita ko si Olivia at Herbert. Baka sakaling kailangan nila ng tulong.

"Okay kami dito." yun agad ang ibinungad nila sa akin. Mabilis bumaliktad ang ngiti mula sa mukha ko.

"We love having you here Kath, pero sadyang hindi ka namin kailangan ngayon." naka ngiting salita ni Olivia. Tumango na lang ako at lumabas. Napa buntong hininga.

"Ate Kathryn!" napa balikwas ako sa tawag ng mga bata sa akin. Lahat sila ay sabay-sabay yumakap sa akin. Pakiramdam ko ang bilis nilang lumaki. Ilang buwan palang kaming nandito.

"Kamusta kayo?" tanung ko sa kanila kahit palagi ko naman sila nakikita.

"Okay naman po kami. Kakatapos lang ng reading class namin." naka ngiting sagot ni Jensen.

"Buti pinayagan kayong lumabas na." sinuklay ko ang mahaba niyang buhok. Dapat ata gupitan ko na siya.

"May gagawin daw po kasi sila. May darating daw po na bisita." paliwanag ni Daisy.

Napa kunot naman ang noo ko. 'Bisita'? Imposibleng si Paul yun dahil taga rito siya.

"Sige. Pupuntahan ko sila. Mag laro na lang kayo dun sa bahay. Wag muna kayo lalabas." naka ngiti kong paliwanag sa kanila. Tumango naman sila at tumakbo pauwi. Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi sa kanila. May masama akong kutob.

Tumakbo ako papunta kila Julia. Busy sila sa pag aayos. Ilang boxes ang pinag lalagyan nila ng mga supplies. Napa kunot ang noo ko. Please don't tell me na nag paplano silang bumukod.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon