Pumasok muna ako sa loob ng kwarto. Hindi muna ako bababa hanggat hindi ko kasabay si Chloe. Okay din pala s'ya. Mabait-
"Samantha!"

"Ayy, kabayo!" Napahawak ako sa dibdb ko. "Bakit kaba nanggu--" hindi ko naiwasan ang sarili kong mapatingin sa abs ni Zach. "..gulat." Bad, Samantha. Bad.

"Anong masamang nangyari sa 'yo?" lumapit s'ya sa akin at tinabihan ako sa kama. Hinawakan ang braso ako at tinignan kung may sugat. Hinawakan ako ng dalawang kamay n'ya sa mukha at minove ang mukha from left to right.  "Anong masakit sa 'yo ha?" marahang tanong n'ya.

Hinamplos ang puso ko sa nakita kong pag-aalala sa mukha n'ya. "Walang masakit sa akin."

"Pero ang sabi ni Chloe, may masama raw na nangyari sa 'yo."

"Hindi. Baka akala n'ya may sakit ako. Sabi ko kasi , giniginaw ako kanina." Pagdadahilan ko. Nahuhulaan kong ang pagbaba ni Chloe ay hindi pagkuha ng maiinom kundi pagtawag kay Zach. At kaya n'ya tinanggal ang roba ko kanina ay para makita ako ni Zach.

Nag-init ang pisngi ko nang mapansin kong nakatitig s'ya nang maigi sa akin.

At nang mapansin n'yang napansin ko ang ginagawa n'ya, para s'yang natauhan at tumango-tango s'ya habang nakakunot ang noo. "Okay."sabi n'ya at  tinanggal ang mga kamay. "It looks like wala namang dapat ipag-alala-" mabilis na hinawakan ko s'ya sa kamay no'ng tumayo s'ya. Nagulat s'ya sa ginawa ko. Maging ako rin sa sarili ko.

" 'Wag ka na munang umalis. Mag-usap muna tayo." Pag-aaya ko habang nakatingala sa kan'ya.

" Don't be selfish, Samantha. May boyfriend ka na. Baka pagsimulan pa ng eskandalo kung hanapin ka at nakita n'ya tayo rito."

Ouch.

Lumuwag ang hawak ko sa kamay. Hindi ko inaasahang sasabihin n'ya 'yun.  Nag-iwas s'ya nang tingin. Hinintay ang sagot ko. No'ng wala akong sinabi, tumalikod na s'ya at naglakad patungong pinto. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kan'ya. Hindi ko alam saan mag-uumpisa. Nahihiya rin ako na tawagin s'ya dahil hindi ko alam kung paano alisin ang masasakit na naranasan n'ya noong kabataan.

Malapit na s'ya sa pinto nang tumakbo ako at yakapin s'ya mula sa likod. "Zach, hindi ko boyfriend si Leam.  Alam kong hindi mo ako papaniwalaan pero 'yun ang totoo"

Matagal na hindi s'ya nagsalita. Ang akala ko, hindi n'ya papaniwalaan ang sinabi ko pero , " Really? Then I believe you.." He suddenly said. "And I'm sorry kung hindi ako naniwala sa 'yo no'ng una. Akala ko kasi iiwan mo rin ako. I felt betrayed. But I trust you now. Hindi ko man naiintindihan kung bakit sinabi mong hindi mo s'ya boyfriend kahit na sinabi n'yang girlfriend ka na n'ya, but I still trust you."

Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa sa puso ko . "Thank you."

" I'm sorry for leaving you even though you begged for me to listen to your explanation. I'm sorry for all I've said and for all I've done."

Kusang namasa ang mga mata ko sa tuwa . "Okay lang. I'm sorry din dahil may mga nasabi akong masama at nagawang nakapagdulot sa 'yo ng sakit. Hindi ko inakala na buong raw ka nag-prepare ng pagkain para sa akin. No'ng tinanong ako ni Leam kung gusto kong kumain sa labas, tinext pa kita. At sinabi mong busy ka. Ang akala ko, si Chloe ang dahilan kaya pumayag nalang ako kay Leam na sumama."

Hinawakan n'ya nang mahigpit  ang mga kamay kong nakayakap sa kanya. "It's okay."

"No it's not." My heart started to feel the pain. "You've been a lot. Kinuwento sa akin ni Chloe 'yung ibang mga nangyari sa 'yo." I felt him tensed. "I'm so sorry dahil nakadagdag pa ako sa sakit. At wala akong nagawa para matulungan ka. I still can't believe na naranasan mo 'yun. Kung kaya ko lang tanggalin 'yung sakit, ginawa ko na Zach." I said wholehearted.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now