Namasa ang mga mata ko. Let go? Gano'n din ba dapat ang gawin ko sa nararamdaman ko kay Zach dahil 'yun ang tama?

"I love her but I can't have her. 'Yun siguro ang consequence na dapat kong pagbayaran." He paused. "Kayo ni Zach, Samantha, dapat mag-usap kayo. Magkaayos . O kaya lagyan n'yo ng closure ang unsettled business n'yo para hindi kayo parehong nahihirapan kung meron man. Lalo pa't may Chloe pang kasali sa buhay n'ya ngayon."

Tumango lang ako. Tama s'ya. Para rin tuluyan n'ya akong maka-move on.

"Hey! You two, stop it!"

Narinig kong sabi ng adviser namin kasabay ng mga sigawan at ingay ng mga kaklase ko.

"May nag-aaway yata." Tumayo si Jiro at pinuntahan kung saan may nagkukumpulang mga estudyante.

Hindi na sana ako makikisawsaw kung hindi lang tumatakbong lumapit sa akin si Chloe at sinabing sina Leam at Zach ang nag-aaway.

Agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanila. Nakikipagsiksikan para lang makita ang dalawa. May mga estudyanteng tinatapunan ako ng masamang tingin. At nahuhulaan kong ako ang sinisisi nila sa away nina Zach. Di ko nalang sila pinansin at pilit na sinisiksik ang sarili ko.

Parehong may nakahawak sa dalawa dahilan para hindi na makalapit sa isa't isa.

Pareho silang tumataas-baba ang dibdib sa hingal at may masamang tingin na ibinabato.

Namumula ang pisngi ni Leam habang may dugo naman ang gilid ng labi ni Zach. Balak ko sanang puntahan si Zach pero nakuha ni Leam ang pansin ko.

"Baby.."  Malungkot ang mukha n'yang nakatingin sa 'kin.

I looked at him shocked. baby?

Nakatingin ang lahat sa kan'ya. Sa kung anong sasabihin o gagawin n'ya.  At alam kong nagulat ang lahat ng mga estudyante pati na ako nang lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinalikan. "I'm sorry because I broke my promise na hindi papatulan ang ginagawang masama ni Zach."

Lalo akong nagtaka sa kan'ya. Papatulan? Wala akong sinabing ganyan sa kanya. "Anong-"

Pinutol n'ya ang sasabihin ko.

" But I can't. Lalo pa kung ikaw ang sinasaktan at ginugulo n'ya. Hindi ko hahayaan 'yun. " Napakamahinahon ang bawat salita n'ya. Punong-puno ng emosyon.

"Lalo pa kung ako ang boyfriend mo. Ipagtatanggol kita kahit kanino." At pagkatapos ay niyakap n'ya ako.

Nanlaki ang mga mata ko. "Boyfriend?-"

"Huwag mo akong itatanggi. You are mine and mine alone. I'm tired of you rejecting me." Naghatid ng takot na hindi ko maiwasan ang simpleng bulong na iyon. Wala na akong nagawa kundi ang suklian ang mahigpit at may pagbabantang yakap n'ya sa akin.

"Zach, saan ka pupunta?!" Tawag ni Chloe. Hindi man ako nakatingin sa kanila, alam kong nakalayo na si Zach dahil nag-umpisa nang lumayo ang mga tao. Pero hindi nakaligtas sa akin ang may pang-uuyam na tingin na binabato ng ilan sa akin. Bakit nga naman hindi? Ang alam ng lahat, si Zach at ako ay nagkakaunawaan. Pero dahil sa sinabi ni Leam, nagmukha akong tinuhog ang magkaibigan.

-----------

"May susuotin ka bang pang-swimming?"

Sandali akong napahinto sa pagsara ng pinto ng wooden cabinet dahil sa hindi inaasahang pagkausap sa akin ni Chloe. I know she's nice pero hindi ko rin inaasahan after ng nangyari kanina.

Nahihiyang tinaas ko sa kan'ya ang shorts at white shirt na gagamitin.

She grimaced. " You serious with that?"

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Where stories live. Discover now