'At basahin mo yung isang papel' sabi pa n'ya.

I stared blankly at him. So s'ya pala yung sira ang ulo na yun. Pinulot ko yung nakabilog na papel at pagkatapos ay binuksan.

Napatanga naman ako sa nabasa. 'Huwag mo 'ko isipin masyado Sammy, malapit lang ako'

Nanlaki yung mata ko tapos napatingin sa kanya. He grinned at me. Napansin yata n'ya na nakatulala ako kanina.

Tinaasan ko sya ng kilay. Anlamig na nga ng kwarto dahil sa aircon , dumagdag pa yung kahanginan ni Zach.

"Alam mo pare , kung may babaeng magb-baby sit sakin, matu-turn off ako."

Nanlaki yung tenga ko nang marinig ang sinabi ng nasa likod ko. Tinggal ko ang tingin kay Zach tapos inayos ang pagkakaupo.

Medyo nagkakaroon kasi ako ng idea.

"Ako rin eh. Kasi diba, kumuha tayo ng girlfriend , hindi ng nanay."

Nagliwanag ang mukha ko.

I smiled wickedly at Zach. Mukhang magandang idea yung i-baby sit sya. .  

Try out plus baby sit equals major-major turn off.

I cant wait . .

"Sure, sasama ko!" Sinigaw ko sa kanya nung hindi mapigilan ang excitement ko.

Bigla akong napahawak sa bibig ko nung ma-realized ang ginawa ko.

Tumahimik ang buong room.

Bibibigyan ako ng masamang tingin ng mga girls then nilipat yung tingin kay Zach. Alam yata nila na siya yung kinakausap ko.

"Attention seeker'' Narinig ko pang sabi nung isa sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ko. Ako, attention seeker ? Wala silang alam. Pero Mamaya ko na pag aaksayahan ng oras 'yang mga yan.

Unti-unti akong tumingin kay Sir. "Ms. Samantha, answer number five."

Napalunok ako tapos napakamot. Masaya na 'ko , winasak pa ni Math ang kaligayahan ko.

Meron akong narinig na tumawa. At nang tinignan ko , sino pa nga ba?

Sige lang Zach , tumawa ka ngayon tapos mamaya , ako naman ang tatawa sayo.

"Go, Samantha." Leam cheered me pati narin si Jiro.

Pramis ang talas nung tingin ng girls sakin. I rolled my eyes then I smirked at them. Halatang nagulat sila sa inakto ko kasi nanlaki yung mga mata nila.

Akala nila uupo ako sa isang sulok at magdadrama? Asa. Attention Seeker pala ha? Pwes , mamatay kayo sa inggit.


Sasagutan ko na sana 'yung nasa blackboard pero,  "Kriiiiiiiiiiiiiiiing!" Nag ring na yung bell. Signal na time na.

Nakahinga ako ng maluwag. Whoo! Ligtas.

Sinabi lang ni Sir na upagpapatuloy ko bukas tapos nagpaalam na sya samin.

Lumapit sa 'kin yung tatlo . Tumabi sa right side ko si Zach tapos yung dalawa , papaalisin sana yung nasa harap kaso nung tinaasan ko ng kilay nagkamot sila ng ulo tapos hinila yung sarili nilang upuan.

"Samantha , sasamahan mo kami?"

I nodded at Jiro nung makaupo na sila.

Medyo awkward lang ako kasi pinagtitinginan kami ng classmates namin.

Actually kanina pa yan. Pag pasok ko palang ang dami nang feeling close. Yung dating binabangga bangga lang ako , akalain mong long lost best friends ko DAW.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon