The Nilaga Agreement

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay naman. Wala si Alec buong umaga so walang nang-gulo sakin."

Napaisip si Leone pero hindi na siya nagsalita tungkol kay Alec. Sila Ron at Ed naman sinamantala na yung pagkakataon para tanungin si Leone tungkol sa assignment nila.

Hinahanap ko yung isang notebook ko sa bag nang maramdaman kong may nagtext sa akin. Inilabas ko yung phone ko at napatingin kay Leone nang makitang siya ang nagtext. Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti.

"Asan si Alec?"

Mabilis akong nagtype ng sagot ko.

"Tumuloy ata sa sakit yung ubo't sipon niya kahapon. Hindi naman aabsent yun unless sobrang tinatamad siya."

Kakatapos ko lang isend yung text nang may dumating na namang panibagong text galing kay Leone.

"Alam mo ba bahay niya? Puntahan mo kaya?"

Napakunot ang noo ko. Bakit ako na naman ang napaguutusan?

"Alam ko yung bahay niya pero bakit ako? Di ba pwedeng tayo ang bumisita sa kanya?"

"Pwede din."

"So, punta tayo? Anong oras?"

Hindi pa nakaka-reply si Leone nang biglang dumating sila Louisse at Jecko. Pinagitnaan nila ako pero sinigurado ni Louisse na nakapwesto siya pinakamalayo from Leone. Napansin ko naman ang biglaang paglungkot ng mga mata ni Leone.

"Sige na. Ako na lang magchecheck kay Alec but promise me na maguusap kayo ni Louisse?" Text ko kay Leone.

"Thanks. I'll have our driver take you there. I just need to talk to Louisse for now."

"Text kita pagkatapos ng class ko."

Nag-aya na si Ed na bumili ng pagkain kaya sabay sabay kaming tumayo sa table. Kaso sa paglalakad namin papunta sa bilihan ay napansin kong tumabi si Leone kay Louisse at palihim silang lumayo sa grupo. Hindi ko alam kung napansin nung mga lalaki ang pag-alis nila o di na lang sila nagsalita. Alam din naman kasi namin na kailangan magusap ng dalawa.

Nakabili at natapos kami kumain ng lunch pero hindi pa rin bumabalik sila Leone at Louisse. Hindi na rin sila hinanap nila Ron. Nang magpaalam ako kila Ed ay sinabi nilang sila na ang bahala sa naiwang gamit nung dalawa.

Sa paglalakad ko pabalik ng classroom ay may bumunggo sa aking babae. Paglingon ko ay nakita kong kasama niya ang grupo ng mga kaibigan niya. At sa mga linggong nakaraan simula noong una kong nakaaway si Alec ay alam ko na kung sino ang nananadyang saktan ako at sino ang hindi.

Tiningnan ako ng masama nung babaeng bumunggo sa akin. "Bulag ka ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

"Hindi ako bulag kasi nakita kong sinadya mo akong bunggoin." Kalmado kong sagot sa kanya.

"Kung nakita mo pala eh bakit hindi ka umiwas?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Ngumiti ako sagot niyang halatang hindi pinag-isipan. "Eh di inamin mo ding sinadya mo akong tamaan. You owe me an apology."

Natigilan siya sa sinabi ko at ilang segundo pa ang inabot bago niya naintindihang wala na siyang lusot sa ginawa niya. "Hindi ako magsosorry sa katulad mo!"

Matapos noon ay padabog siyang naglakad papalayo kasama ang mga kaibigan niya.

Minsan natatawa ako sa mga taga-hanga ni Alec. Kung anong ikinatalino niya, siyang kakulangan naman ng ilang masugid na taga-suporta niya.

Pagdating ko sa classroom ay iilan pa lang ang tao. Paupo na sana ako sa chair ko nang mapansin kong may announcement ang prof namin sa board.

"I can't meet you today. Discussion will resume next meeting. Review chapters 9-12. Get ready for a short quiz. -Sir Ton"

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon