Kabanata 12 (1)- Luke

Mulai dari awal
                                    

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng bahay. Ni hindi ko na dinaanan si Bhebhe Qoh dahil ayokong masira ang mood ko ngayong umaga.

Pagkapasok ko ng building ay deretso agad ako sa elevator. Hindi na ako dumadaan pa sa reception area dahil alam ko na naman kung saan ako pupunta at hindi ko na kailangan ng appoinment pa.

Ganyan talaga kapag magaganda.

May sumabay sa aking isang empleyada pagkapasok ko ng elevator. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko na rin siya. Pasalamat siya at hindi ako beastmode ngayon.

"Kayo 'yong girlfriend ni sir Joshua di po ba?" tanong niya sa akin.

"Tsismosa ka girl. Pa'no mo nalaman? Sekreto lang namin iyon eh."

Napakamot siya ng kanyng ulo. "Ah, eh, palagi po kasi naming nakikita na magkasama kayo rito."

"Ah, gano'n ba? O sige na nga. Oo na. Ako 'yong girlfriend niya."

"Akala ko po kasi sila ni mam Michelle eh. 'Yong sa Accounting Department. Palagi rin kasi silang magkasama no'n dito rati. Kaya iyon ang kumakalat na tsismis."

Ang dami pa niyang ikinuwento sa akin. Siguro kung si Ginny ang kausap niya, magiging bff silang dalawa. Kaso hindi eh. Si PURITA ako. And I don't usually pry maliban na lang kung interesado talaga ako sa isang tao.

"Buti na lang pala at may ibang girlfriend si sir Joshua."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

Hindi ako tsismosa ha? Curious lang ako ngayon.

"Kasi hindi sila bagay ni mam Michelle eh. Mas bagay kayong dalawa ni sir Joshua."

"Nako, thank you ha? Fan ka na ba ng loveteam namin? Team Dyurita for the win gano'n?"

"Ay syempre naman po!" masaya niyang sagot.

Nakakalokang makipag-usap sa babaeng ito. Nakakasira ng ganda. Hayaan na nga lang. Nagpaalam pa siya sa akin nang lumabas siya ng 16th floor.

Pagkabukas ng elevator sa 26th floor ay kaagad na akong lumabas. Dere-deretso na ako sa loob ng opisina ni Dyuswa kahit may sinasabi pa sa akin si Jasmine.

Nang makapasok na ako sa loob ay nadatnan kong nakatalikod si Dyuswa at nakatingin sa labas ng building. May hawak-hawak siyang stress ball at pinipiga-piga ito.

Stress ba siya?

Malamang.

Kaya nga stress ball ang tawag do'n sa hawak-hawak niya di ba?

"I'm here na," untag ko sa kanya.

Pumihit siya paharap sa akin. Bakit kaya ang seryoso ng mukha ng lalaking ito ngayon?

"Sit."

Para naman akong tutang agad sumunod sa sinabi niya. Nang makaupo na ako ay saka ko lang na-realize na hindi pala basta-basta inuutusan ang isang magandang tulad ko. Pero dahil na rin sa kontrata namin ay hinayaan ko na nga lang.

After all, I want to be a good fake girlfriend to him para sa bonus ko.

"Ano bang meron at parang pinagkaitan ka ng grasya ng kataas-taasang hukom?"

"Wala."

"Meron."

"Wala nga."

"Akala mo lang wala. Pero there is. There is. There is!"

"Clean my office."

"I'm sorry?"

Tama ba ako ng dinig sa sinabi niya? Kung totoo man, he's gotta be kidding me.

When Dyuswa Meets PuritaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang