Chapter 35: That Ring Finger

Magsimula sa umpisa
                                    

"Saluhin mo, ha?" nakangisi niyang sinabi nang nagkrus kami ng landas.

"Di mo naman kailangang sabihin," sagot ko.

Handa na akong makipagtulakan at makipag-agawan para sa bouquet, pero para yata akong tanga dahil sobrang competitive ko kahit wala namang dahilan. Kusa na lang kasing lumayo lahat ng babaeng kasali na para bang pinapasalo talaga nila sa 'kin. Ang ending, sakto ang lapag ng mga bulaklak sa kamay ko.

May hindi ba ako alam?

Tumingin ako kina Wayne at Trish. Pareho nila akong kinindatan.

What the—

Umupo 'yong ibang tao sa kani-kanilang upuan habang may hinilang upuan ang mga hosts para doon ako umupo. Nagsisigawan lahat ng tao, lalo na 'yong mga ka-frat nila. Natatawa na lang ako habang iniisip, Putik, ano 'to?! Kasal ko rin ba 'to?!

Lumapit sa akin si Jappa, lumuhod, at sinuot ang garter. Itong mga hosts, biglang nagsabi, "Ngipin ang gamitin! 'Wag kamay!"

Utang na loob! Sana man lang pinabanguhan ko hita ko! sigaw ko sa sarili ko, pero itong si Jappa, seryosong sinusuot ang garter pataas sa hita ko gamit ang bibig niya, mukhang game na game. E di, lalong hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. Nakakaloka talaga kapag matatanda nagpaplano ng mga laro, e!

Habang nagsisigawan 'yong mga tao at nagsisi-click ang mga camera, naisip ko kung . . . paano kaya kung hindi ko pinapalagpas ang mga panahon na dapat pala e masaya ako?

"Higher!" sigaw ng audience.

"O, higher daw," tukso ni Jappa sa 'kin. Pinalo ko siya gamit 'yong bouquet.

"Gusto mong paliparin kita?!" biro ko. "Ayun, higher talaga."

Nang narinig ko ang pagtawa ni Jappa, para akong nadala sa langit. Kailan ko huling narinig 'yon?

Gusto ko pa sanang marinig ang pagtawa niya, pero kailangan din matapos ang laro. Nang naisuot na ni Jappa ang garter hanggang sa gitna ng hita ko, humiyaw lahat ng tao at nagpatugtog ulit ng malakas na music. Lahat ng 'yon, nangyayari habang nililitratuhan kami kasama nina Wayne at Trish.

Pero kahit gaano man kalakas ang tugtog, gaano man kaliwanag ang mga flash ng camera, narinig ko pa rin ang bulong niya: "Welcome back."

Tahimik akong bumalik sa puwesto ko, hinihiling na sana e hindi na lang natapos ang oras kanina, nang biglang mabilis na hinila ni Jappa 'yong upuan sa tabi ko. "Dito muna ako."

"Baka dumating 'yong nakaupo diyan."

"Hindi 'yan."

Mapilit pa rin siya hanggang ngayon, ano? Nanlamig na lang ako sa mga titig niya, tipong napasabi na lang ako sa sarili ko na, Okay, sige na, wala naman akong magagawa. At the same time, iyon din ang mga matang alam kong mapoprotektahan at maaalagaan ang puso ko.

Kakaupo lang naming dalawa nang bigla naman niya kaagad tinanong, "Di ka ba nawiwirdohan na tinitingnan mo 'yong ex mo habang sinusubuan 'yong babaeng dapat ikaw ang nasa puwesto niya?"

Diretso pa rin siya kung magsalita pagdating sa mga opinyon. Sana pati ang mga nararamdaman niya noon, diretso niya ring nasabi, isip-isip ko. Wala pa rin siyang pinagbago.

E, ang mga nararamdaman kaya niya?

"Hindi," sabi ko. "The fact na nandito ako at nanonood sa kanila, 'matic na tanggap kong hindi kami para sa isa't isa. Baka . . . iba ang nakalaan sa 'kin."

Ngumiti siya.

"Ikaw, 'musta?" tanong ko naman.

"Masaya," sabi niya. "Kasi nakita kita ulit."

This Is Not a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon