My Closet Queen (Chapter 70)

Start from the beginning
                                    

"sorry" banggit ko

Bigla sya nagulat sa sinabi ko

"iiwan mo ako ulit?" natataranta nyang tanong

" no baby!, sobra din ako nasaktan nung naghiwalay tayo sobrang gumuho ang mundo ko nun kaya hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa sakin. Sorry kasi napunta pa tayo sa puntong yun at hindi sana mangyayari mapunta ka sa panganib kung hindi dahil sakin"

"hindi, hindi mo kasalanan lahat ng to ako dahil mahina ako dahil....."

"shhhh wag mo sabihin yan" at niyakap ko na sya para maramdaman nya na hindi sya mahina hinigpitan nya din ang yakap nya at naramdaman ko nanaman yung pagka safe ko sa mga yakap nya na yun sobra ko namiss ang pakiramdam na to sana hindi na kami magkahiwalay ulit.

Umalis ako sa pagkakayakap namin ni Sam at tumingin ako sa mga mata nya

" sobra kitang Mahal na Mahal" sabay ngiti ko sa kanya yung ngiting makikita mo talaga na masaya ako dahil yung babaeng nasa harap ko ay hindi ko akalain na sobra sobra kong mamahalin

" mas mahal na mahal kita kahit iba na puso nakalagay dito, hindi nagbago pagmamahal ko, hindi ko alam kung pano nangyari yun pero ikaw pa din hinahanap ng isipan at puso ko pati na din neto" sabi nya sabay nguso

kaya na ngiti naman ako dahil kahit kailan talaga si Sam lokoloko

Dahan dahan kong nilapit yung mukha ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang gusto nya, magkadikit lang ang mga labi namin parang ninanamnam namin yung pagkakataon na nagkadampi ulit mga labi namin. Mga ilang minuto din kami nasa ganun lang na posisyon at hinawakan nya mukha ko

"sasabihin ko na sa kanila yung tungkol satin" seryosong sabi sakin ni Sam

Sam

kinakabahan ako ngayon dahil baka hindi nila matanggap yung tungkol samin ni Jess kung anong relasyonn meron kami. Bago ako tuluyang lumabas ng hospital kailangan na nilang malaman lahat ....ang mga taong dapat malaman kung ano meron samin ni Jess, mga taong mahal ko sa buhay.

"Guys, Ma, Dad...hindi ko na sasayangin yung pagkakataong nandito kayong lahat I know this is the right time to tell you that....... Ahmmm ang hirap." sabay tawa ko ng bahagya para pampabawas sa kaba na nararamdaman ko dahil nararamdaman ko yung pawis sa mga kamay ko na malamig

"hay! I don't know if you guys would accept me but please don't judge me/us, me and Jess are, ahmmm Me and Jess are in love, I'm in love with her, we love each other actually." pumikit ako para hindi ko makita yung magiging reaction nila, dahil baka masaktan lang ako lalo sa makikita ko

"HINDI MAAARI! LUMAYAS KA NGAYON NA!"

Nagulat ako sa narinig ko kaya napamulat ako at tumingin ako kay mama na seryoso yung mukha nya, nararamdaman ko na yung mga luha ko na papatulo na dahil sa sinabi ni mama hindi nya kami tanggap ni Jess, hindi nya ako tanggap ang sakit para marinig na galing sa mama ko yun.

Napatingin ako kay papa na bigla humawak sa balikat ni mama

"honey, bilib na talaga ako sayo ang galing mo umarte" sabi ni papa na naiiling at pinipigilan nya matawa

Nagtaka ako sa sinabi ni papa pero tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko biglang ngumiti si mama

"anak don't cry ganun ba gusto mo maging reaksyon namin yung ginawa ko kanina?" lumapit sakin si mama at pinunasan ang mga luha na umaagos sa mukha ko

"mama hindi nyo ako kinamumunhian? Tanggap mo?" amaze kong tanong sa kanya

"anak wala kami dapat ikamunhi sayo, sainyo" sabay tingin nya kay Jess

"wala naman kayo ginagawang masama, wala kayong sinaktan na ibang tao, hanggat mabuti ang ginagawa nyo nandito kami ng papa mo para suportahan kung ano man ang gusto nyo." dugtong pa ni mama

Sobra akong na touch sa sinabi ni mama kaya napaakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit sobrang swerte ko talaga sila ang magulang ko

"ako hindi makakapayag!"

napabitaw ako sa pagkakayakap kay mama at napanganga ako napatingin sa nagmamay ari ng boses na yun

"ako! hindi ako makakapayag na ang mama mo lang ang yakapin mo ng mahigpit" sabay tawa ni papa kaya tumakbo ako sa kanya at niyakap din sya ng sobrang higpit

"Bakit nakangiti ka mag isa dyan, di ka nakikinig sa kwento nila oh"

Napatingin ako kay Jess, nawala ako sa iniisip ko, hindi ko talaga makakalimutan yung pangyayari na yun sobrang kaba, takot, at kung ano ano nararamdaman ko sa mga oras na yun pero isa lang ang gusto ko mangyari din nun ang aminin sa kanila ang tungkol samin ni Jess.

"wala naisip ko lang kasi kung gaano ako ka swerte. Siguro nung nabubuhay ako dati malas kasi ngayon ang swerte swerte ko wala na nga akong hihilingin na iba pa kasi may pamilya akong tanggap ako kung ano man ako, may kaibigan akong makukulit pero sobrang babait din at meron akong ikaw...." Tumingin ako sa mga mata ni Jess

"sobrang swerte ko kasi ikaw ang binigay sakin, maganda na, sexy pa at syempre sobranggggggg mahal na mahal ako diba?" paninigurado ko sa kanya

" mas maswerte ako sayo Samantha Jean Hernandez, alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi mapupunta sakin ang apelido mo at hindi ka na makakawala sakin, hindi man ngayon mangyayari yun pero sisiguraduhin kong apelido mo lang ang dadagdag sa pangalan ko wala ng iba" sabay ngiti nya ng pagkatamis tamis

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko akalain na ganun sasabihin nya, saka sobra akong kinikilig. Ang sarap sarap marinig yung ganun lalo na sa taong pinakamamahal mo.

"Huy! Kayong dalawa dyan may iba kayong agenda" sita samin ni Alfred

" Oo nga oh! Tapos na si Margarette ikaw na Sam" sabi naman ni Chloe

Ay oo nga pala nawala tuloy ako kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at tumayo sa harap ng puntod

"Hi! Kamusta ka na? Namimiss na kita alam ko nandito ka lang sa tabi ko lalo na dito oh." turo ko sa puso ko

"Salamat ha dahil sayo nagkaroon ako ng pangalawang buhay, utang ko sayo tong buhay ko. Sana masaya ka na kasama ang mommy mo wag ka mag aalala kagaya ng sabi mo sa panaginip ko aalagaan ko tong pinahiram mo saking puso. Isa ka sa swerteng dumating sakin" pinahid ko ang luha sa mga mata ko naaalala ko yung panahong sobra nya akong alagaan hanggang sa huli ako pa din inisip nya.

Mga ilang oras kami nandun lang sa cemetery kanya kanya kami kausap kay Christian kasama ko lahat ng tropa kwentuhan lang tungkol sa mga pangyayari ng nakaraan.

"Pano ba yan aalis na kami, wag ka mag alala lagi ka namin bibisitahin" sabi ko dahil napag desisyunan na naming umalis dahil may pupuntahan pa kami

"Kesa ikaw pa bumisita samin." singit naman ni Josh sabay tawa kaming lahat

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari pero sabi nga everything happen has a reasons and hanggang dun nalang ang kwento ni Christian, mapalad ako at nadugtungan pa yun dahil kay Christian.

Papunta na kami ngayon sa Zubic dahil tutuparin ko na yung pinangako ko sa kanila, actually hindi ko pinangako sabi lang nila napilit lang talaga ako at double celebration dahil birthday namin ni Samuel at......... Bigla akong napangiti ng maalala ko nanaman sobrang sarap kasi sa feeling na alam na lahat nila ang tungkol samin ni Jess kaya pumayag na din ako. Dapat naman talang icelebrate ang ganung mga pangyayari.

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now