Muntik na kasi akong mabangga ng babae dahil may hawak siyang juice sa magkabilang kamay habang naghaharutan sila ng kasama niyang ganoon din ang sitwasyon. Muntik na akong matapunan sa damit. Buti na lang at sa sahig lang tumapon.

"Sorry po! Sorry po!" Sabi ng babae. Feeling ko grade seven lang 'to. Humarap naman siya sa lalaking kasama niya at bumulong "ikaw kasi eh!"

"Anong ako? Ako ba nakabangga?"

Ang cute nila. Parang mag-jowa na nagbabangayan. Naalala ko tuloy yung kababata ko. Lagi din kasi kaming nagbabangayan eh. Pero hindi ko na din siya ganoon maalala.

Hindi ko na kasi alam kung nasan na siya tsaka bata pa ako nun masyado kaya halos konti nalang ang naaalala ko tungkol samin.

"Sorry po ulit" yung lalaki ang nagsabi. At umalis na sila.

Napangiti ako. Yung lalaki ang nagsorry para sa babae. Ang cute lang!

"You okay?" nag-aalalang tanong ni Red at hinawakan pa ako sa balikat. Tumango naman ako bilang sagot.

Naglakad na ulit kami papuntang auditorium para sa practice.

Pagkadating naman namin ay nagsimula din naman agad ang practice. Ganoon lang din naman ang nangyari hanggang sa matapos.

Bago umuwi ay sinabihan din kami na dalhin ang mga gown at suit namin bukas pati na din ang tatlong set ng damit para sa pictorial.

Isang sports wear, casual wear, at formal wear. Hindi pa kasama ang school uniform at mga Gowns and suits. So bale limang klaseng photoshoot ang gagawin bukas.

Gagawa daw kasi ng slideshow para i-play habang rumarampa. Mabuti nalang at bibili na ako mamaya ng para sa gown ko.

"See you tomorrow gals and boys. Bye" paalam nila Sir Bing.

Magkahawak-kamay kaming pumunta sa private parking ni Red dahil bibili na kami ng gown ko.

Nang madaanan namin ang parking ng mga normal students ay nakita ko si Anna. Mukhang may hinihintay yata. Boyfriend niya siguro.

Napatingin siya samin pero napaiwas ako. Hindi ko din alam kung bakit.

Napalingon naman ako Kay Red na napatingin din sa kanya pero nag-iwas din agad.

Lumipat naman ang kamay niya sa bewang ko. Kaya medyo nagulat ako dahil omg! Hindi ko inaasahan yun!

"Pretend like you didn't saw her okay?" bulong niya sa tenga ko habang naglalakad kami papuntang parking ni Red.

Feeling ko tuloy namumula na naman ako..

"O-okay.." Sagot ko na pabulong din kaya nag-chuckle siya.

Waaaaah! Bakit ang hot niya mag-chuckle?!

Pagkadating sa private parkih ay nakita ko ang mercedes niya at pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse niya at umupo na ako.

Pagkasara ng pinto ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at huminga ng malalim.

Shit. Hanggang ngayon yata ay mukha pa din akong kamatis. Hindi ko makalimutan yung pagchuckle niya. Kainis.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon