Naabutan ko si Kim, Ella ate Fille and Gretch sa tabi. Si Ara at Bang kasi nasa may photobooth, sila nagpapapicture. Bang will attend special classes para makahabol siya sa batch namin and kami naman ni Ara, we will continue running this school next year. We'll open it to everyone and wala ng frat wars kasi ang hassle pala. Siguro, sports na lang pag-aawayan namin hahaha.


Natapos ang graduation nila ate Fille with peace and happiness. Nakipagkamayan kami sa mga Archers and we made peace with them. Masaya kasi parang united na rin kami for the first time in history.


We took pictures with the graduates. Kaming barkada kasi finally, kumpleto na kami, nadagdagan pa nga. Magdidilim na rin ng matapos ang graduation. Yung iba tuwang-tuwa dahil finally, they're off to college. And they have time to spend with their family na. Yung iba excited to see the real world again. Traumatic may be, pero what happened months ago just taught new things. It taught us to be brave enough to face the challenges.

Maraming nagpasalamat sa akin nung humarap na ako sa lahat. They were scared. Akalain mo yung mga nagtatapang-tapangan, sila di pala yung titiklop sa dulo. Ayun nagpasalamat sa akin because I saved their lives. I shook my head nung sinabi nila sa akin yun. It was them who saved themselves. Their bravery.


Nawala ako sa pag-iisip na yun nang hinila ako ni Den palayo sa open space kung saan ginanap ang graduation. Dinala niya ako sa may gitna ng field, kung saan kami nag-uusap noon kapag dumadalaw siya sa dorm para kay Bea.

May naabutan kaming mga nakahandang pagkain dun. Nauna siyang umupo sa sapin na checkered tapos tinapik niya yung tabi niya. Dun naman ako umupo.

"Para saan 'to?" I asked.


"Gusto lang kita masolo." Den answered honestly.

"Solo? Next time na. Graduation nila ate Fille oh. Hindi na natin sila makakasama next year." Sabi ko.

"Saglit lang. Susunod din tayo sa kanila mamaya." Sabi niya. May handaan kasi sa kanila at parang maghahang out kami dun. Dapat paalis na kami kaso etong si Den, hinila pa ako dito.

"Do you remember the first time we talked here?" She asked. I nodded, "Yeah, galing ka sa dorm and I was here alone. Ikaw nanggugulo ng me time ko." Sabi ko naman tapos nakareceive pa ako ng kurot.

"Aray!" Sabi ko habang hinahawakan yung part na kinurot niya sa tagiliran ko.


Ngumiti lang siya sa akin. Parang baliw 'to.

"Crush na kita nun kaso ang sungit mo. Ayaw mo pa makipagkaibigan, kainis ka."

"Anong meron? Parang dati lang ayaw kong aminin na crush mo na ako umpisa pa lang."

"Ha! Kapal nito. Sinong magkakacrush sa taong nakashades eh nasa school naman?"


"Ikaw."


"Di din."


"Okay." I said at saka ngumiti na lang. Tumahimik na lang din siya. Hinayaan naming dalawa na dumampi sa akin ang malamig na hangin. I side hugged her at sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Pinanood namin yung mga seniors na naghahabukan sa malayo. Meron ding yung mga naghahagis na ng toga. Ang saya tingnan.



She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now