Chapter 22

13.6K 329 64
                                    


Chapter 22: Ang Espiya

Lumabas ng kwarto si Bea na hawak-hawak ang ulo niya. The concert was a blast. Sayang lang at hindi natuloy ang frat war kung saan kasama siya.

Naabutan niya ang mga ate niya na kumakain ng almusal. Nakakapanibago lang ay hindi nag-uusap ang dalawa, di gaya ng madalas niyang abutan tuwing umaga na kung saan naghaharutan sila o pinag-uusapan nila ang problema ng eskwelahan. Para silang magkagalit na hindi niya alam.

"Good morning, supremo! Good morning, ate Gretch!" Masiglang bati niya sa dalawa. Sabay siyang tiningnan ng mga ito at sabay din lang silang tumango. Agad nang tumayo si Gretchen pagkatapos nun. Nagpunas siya ng labi at saka umalis sa dining room ng condo-unit like nilang kwarto.

"Kung hahanapin niyo 'ko, nasa dorm lang ako nila Fille. Kung sakali lang naman." Sabi ni Gretchen at tuluyan nang pumasok sa elevator pababa.

Saka naman agad hinarap ni Bea si Aly na tahimik lang kumakain. Pinagmasdan niya ang supremo at napansin niya ang malaking pagbabago sa pangangatawan nito. Lumaki na ang mga eyebags niya, medyo pumayat siya at medyo pagod na ang aura niya, umagang-umaga pa lang. Parang umpisa pa lang ng araw, kinakailangan na niya agad ng tulog.

"Magkaaway kayo?" Inosenteng tanong ni Bea.

"No." Tipid namang sagot ni Alyssa.

Tumango na lang si Bea dahil parang ayaw pang pag-usapan ni Ly. Lagi namang nag-oopen up si supremo sa kanya kaya wala naman siyang problema kung ayaw niyang pag-usapan muna 'to.

"Nasaan ka nung concert? The whole club was looking for you. Sayang. Solid pa naman nung mga opm bands. And bakit pala minove yung frat war? Handa na kami eh. Pero okay oang din, wala pang bangas ang mukha ko this week. Maayos akong haharap kay Den hahaha."

"Haharap kay Den?" Tanong ni Ly.

"Uhhh well, I'm going to ask her...uhm...to be my girlfriend. I'm planning to surprise her. This week nang naka-plan. And ate Ly, please be there! I really need your support." Pag-iimbita ni Bea kay Ly.

"Oh." Sabi ni Ly at saka tumayo.

"I'm going to be late. Aalis na ako. And about that, I'm going to be busy, Bei. I'll try to be there pero I can't promise. Ang damin ko pang research na gagawin. Good luck. Sana sagutin ka niya. Make her happy. Sige, I'll go ahead." Sabi ni Alyssa at saka sumakay na rin sa elevator at bumaba.

"Great. Wala man lang makakatulong sa akin sa surprise ko para kay Den." Sabi naman ni Bea.

"Ano kayaang pinag-awayan nung dalawa? And how's their investigation? Well, sana mahanap na talaga kung sino man yun. Para matapos na yung gulo dito." Sabi ni Bea na parang kausap ang sarili niya.

Kinuha niya ang phone niya at saka tinawagan si Therese.

"Tey! Help me! Tuloy natin yun plan today. Kaso wala si supremo. Text ate Lau na i-distract na lang niya si Ate Ly para sure na walang sagabal. I really think na gusto niya si Den. Uunahan ko na siya."

Binaba na niya ang phone niya. Tumayo siya at tumapat sa salamin na malapit sa kinakatayuan niya. She smiled to herself.

"Den's gonna be mine. Nothing can stop me. No one can stop me. Not even supremo. Not even her."

-------

Three days. Monday na naman. Ayokong pumasok. Ayokong bumangon. Ayokong kumain. Ang gusto ko lang ay humiga sa kama ko at magtaklob ng kumot. Tutal, tatlong araw na rin naman akong ganto. Tatlong araw na akong walang ginawa, kundi umiyak at humagulgol lang. Hindi rin naman ako makakain kasi wala akong gana.

She Who Dares WinsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora