Chapter 15

13.8K 352 32
                                    



I don't know what's gotten into me pero hinabol ko siya.

"Ly!" Sigaw ko habang hindi pa rin siya tuluyang nakakalayo. Tumigil naman siya pagtakbo at nilingon ako. Kumunot ang kanyang noo. Nilapitan niya ako nang dahan-dahan kaya naman napatigil na din ako sa paghabol sa kanya.

Ayan na naman ang tumatagos niyang titig sa akin.

"Bumalik ka na dun. Makita ka pa nila." Sabi niya sa akin nang malumanay. Iba sa Alyssa na sinisigaw-sigawan ako.

"I-I..."

"The kiss never happened. Okay?" Sabi niya na angpakulo na naman ng dugo ko kaya nasampal ko siya. Napahawak naman siya sa pisngi niya at saka ako takang tinignan.

"Para saan iyon?" Tanong niya sa akin.

"For saying sorry! Saying sorry every time you kiss me!" Sigaw ko sa kanya.

"I don't understand you." Mahinang sabi niya sa akin.

"Ikaw. Ikaw ang hindi ko maintindihan. You, you always kiss me tapos in the end, ipagtutulakan mo ako sa "baby sister" mo. Baliw ka ba? Not that I like you or what ah pero nakakainis lang kasi. And di ba sabi ko sa'yo, stop kissing me kung magsosorry ka lang sa huli? Inulit mo na naman! Ang labo mo." Sabi ko sa kanya.

"Can't help myself. I'm like...sick and in pain, and your lips are the only medicine that could take the pain away. Always. Every damn time." She said. Ugh, feeling ko lasing lang siya kaya niya sinasabi ito. Naiinis ako!

Ibinaba niya ang kamay niya na nakhawak sa pisngi niya at saka hinila ako paalis sa lugar na iyon dahil parang bumukas ang oangit at bumagsak ang malalaking patak ng tubig.

Tumakbo kami papunta sa dorm at sumilong sa may hagdan paakyat sa glass doors. Saka naman may ilaw na tumapat sa amin. Headlights ata ng isang sasakyan.

Mula sa sasakyang iyon ay lumabas si Bea na nakahoodie. Ngumiti siya sa akin pero nawala ang ngiting iyon nang mapansin niyang kasama ko ang supremo nila. Bumaba ang tingin niya sa kamay naming dalawa pero agad na hinila iyon ni Alyssa kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya kay Bea.

Lumapit sa amin si Bea na nakakunot ang noo. Bahagyang inilayo ni Alyssa ang katawan niya sa akin. Anong nangyayari? Takot ba siya kay Bea? Duuuh! Siya kaya ang supremo. Bakit siya matatakot sa "nakababatang kapatid niya"?

"Supremo, bakit kayo andito? Di ba wala kayo tuwing Sabado at Linggo?" Tanong ni Bea.

"Mahigpit na ang security. Hindi na ako makalabas." Sabi ni Alyssa.

"Ah. Bakit kayo magkasama ni Den?" Tanong niya ulit dito. Nag-uusap sila na parang wala lang ako sa tabi nila. Saya, di ba?

"Nakasalubong ko lang siya, Bea. Teka, bakit andito ka?" Tanong ko sa kanya. I don't think na kailangan pang malaman ni Bea na hinalikan ako ni Ly. I'm not dense para hindi malaman may gusto sa akin si Bea. I might start a fight between them pag nalaman niya iyon.

"I was going to check on you sana kung nakauwi ka na. Mukhang nakauwi ka na nga." Sabi ni Bea.

"Oh thank you pero di mo naman na kailangang gawin yun. Anyway, ihatid mo na 'tong Supremo niyo dahil lasing yan." Sabi ko habang tinuturo si Alyssa.

"Ha? Lasing siya? Akala ko hindi! Kaya naman pala!" Sogaw ni Bea at saka nilapitan si Alyssa.

"Thank you, Den. Akala ko kasi magkasama talaga kayo. Pasensya ka na. Sige, mauuna na kami. Magpalit ka ah. Baka magkasakit ka. Basa na kayo sa ulan oh." Sabi niya kaya napatingin ako, sa amin ni Ly. Dahil nga biglaan ang bagsak ng ulan, basang-basa na kami agad.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now