Chapter 11

13.6K 334 13
                                    




"Good morning. I'm Kiefer Ravena and here's my report, the History of the great Ateneo De La Salle High. Syempre, before we study the history of the world, unahin na muna yung sa school natin." Sabi nung kaklase kong mukhang Eagle din. Ewan ko, may aura silang sila mismo lang ang meron.

"50 years ago, our classmate's grandfather built a small school for high school students named Ateneo De La Salle High. Before, puro boys lang talaga ang nag-aaral dito dahil before, mga lalaki lang naman talaga ang may karapatan at sa tingin ng lahat ay may kakayahang mag-aral. Anyway, the Great Valdez started this kahit hindi naman siya interested sa school business. Kahit bago pa man maitayo ang ADLSH, may kaya naman talaga sila. He was into gun business before." Sabi nito at saka tumingin kay Alyssa na nasa pinakadulo at pinakasulok na bahagi ng aming room. Nakapatong pa ang mga paa nito sa harap niyang upuan. Actually wala siyang katabi sa kaliwa at walang nakaupo sa harap niya.

Hindi naman siya nagreact sa mga pinagsasabi ni Kiefer. Ang daya lang. Pag nag-exam kami about dito, alam na alam na agad ni Alyssa ang mga sagot.

"Kahit na boys' school ang ADLSH sa panahon ng Great Valdez, his name was still unknown and I think will remain unknown, eto ang pinakadisiplinado at pinaka safe na school sa panahong iyon. This school was number one in all of the aspects back then. Until...until Mr. Ruel Valdez took over. He was the most bad ass student you could ever think of." Sabi ni Kiefer na nagpatawa kay Alyssa. Napatingin kami sa kanya dahil sa biglaan outburst niya. Mga one minute ata siyang tumatawa bago siya napahinto.

"Sorry. Sorry. Go on." Sabi niya na parang natatawa pa rin. Binalik ko na lang ang atensyon ko kay Kiefer. Bakit kaya 'to natawa?

"I think his daughter knew everything he did. Everyday, may pranks siyang ginagawa. Hindi kang sa mga estudyante pati na rin sa mga teachers. As in everyday, may nagqquit na staff dahil sa kanya. One day, he shut down all of the electricity para lang takutin lahat at natakot na,an lahat kahit na puro lalaki sila doon. He even drinks inside the classroom kahit na may teacher at kitang-kita siya nito. Hindi naman siya masita dahil pag ginawa mo yun, you're fired. Syempre, hindi naman niya magagawa iyon kapag wala siyang kasama. His best friends, Mike Lazaro and Victor Galang, were with him sa lahat ng pranks nila. Yes, Dennise, your father had been with the most bad ass students when he was still studying here." Sabi niya sa akin na nagpalaki ng aking mata.

WAIT, WHAT? MY DAD? My ever disciplined and responsible dad?! No way! No freaking way!

"And yep, hati na rin ang ADLSH noon at sa panahon yun ni Mr. Ruel Valdez. Siya ang unang pinuno ng mga Eagles at sa Archers naman, well, no offense pero wala talaga akong nahanap na info about them. So, the gang fights, frat wars, and other petty fights started with them. Nung gumraduate yung tatlong pinakahead ng ADLSH, Lazaro, Galang at Valdez, mas lalong lumala lahat. That's why we gained the most unsafe high school ever pero isa rin sa pinapasukan ng lahat. Why? Dahil ang mga napoproduce na estudyante ng school na ito ay either a major stockholder ng mga kompanya o kaya mismong CEO ng kompanya. Mga number one recommended engineers, doctors, lawyers at iba pa. Why? Hindi ko din alam. Basta all I know, yun ang katotohanan."

"5 years ago, the youngest Valdez and youngest owner of the school took over. And she's our beloved classmate, Alyssa Valdez. Hindi naman siya nag-aral nung unang beses na magkaroon ng mga babae dito sa school na 'to dahil she was still an elementary student back then. Anyway, she was the second Valdez to lead the Eagles squad at sa di malamang dahilan, magkahiwalay na sila ng pinuno na si Ara Galang." Sabi ni Kiefer. Sonrang tahimik ng room namin. Una, takot sila kay Ly dahil ayaw nito ng maingay. Pangalawa, nakikinig kami lahat kay Kiefer dahil interesado naman kami sa kwento. Pangatlo, feeling ko awkward topic yung tinatalakay niya ngayon.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon