Chapter 13

14.4K 273 14
                                    



Pumunta si Alyssa sa office niya na diretso ang mukha. Mukhang bobo nga talaga ang mga guards dahil hindi man lang napansin na nilampasan sila ng main target nilang mahuli that day at yun ang pinuno ng buong school. Gusto nilang sadyain na mahuli ito para mabilisan na ang trabaho pero ayaw iyon ng matandang Revilla.

Pagkapasok niya ng office niya ay dumiretso sa studio niya at binuksan lahat ng mixer dun.

"Calling all SSC officers. Meet me at the Student Council room. ASAP." Sabi niya at saka agad na pinatay ang mixer. Sinara niya ang studio at saka lumabas ng office niya dala-dala ang photo album na kinuha niya kay Kiefer. Alam niyang narinig din ng mga Revilla ang announcement na iyon pero wala siyang pake. Kailangan nilang pag-usapan ng maaga ang plano nilang paalisin agad ang mga Revilla. Hindi niya alam kung anong plano ng kanyang ama pero alam niyang masamang desisyon na agad ang pagpayag na hayaang may makapsok sa premises ng ADLSH. Isang paglabag lang ng mga Revilla, maari na nilang itigil agad ang imbestigasyon. Kailangan lang nilang pilitin na gumawa ang mga tauhan nito ng pagkakamali.

Hinarang siya ng dalawang guard pero sinamaan niya lang ng tinin ito. Natakot ang mga guard sa tingin na iyon pero hindi nila pinahalat iyon pero dahil parang mala-lobo ang senses ni Alyssa, naamoy niya ang takot ng dalawang maskuladong lalaking humaharang sa kanya. Wolves can smell fear. And if they do smell fear in you, they won't mind killing you right away.

"Bawal ang estudyante sa oras na ito, miss." Sabi nung medyo maputing lalaki.

"Hindi ako estudyante ngayon. Ako ang may-ari ng kinatatayuan mo ngayon kaya wala kang pakialam kung maglalakad ako dito ngayon. At saka, sa pagkakaalam ko, sa mga silid-aralan lang bawal ang mga estudyante. Doon kayo magbantay sa taas. Mga hangal. Tumabi kayo kung ayaw niyong gawin ko sa inyo ang ginawa ko sa pinuno niyong isa pang hangal na isipin na mapapatumba niya ako." Sabi niya kaya agad naman tumabi ang dalawa.

Dumiretso si Alyssa sa storage room muna at saka kinuha ang mga tinago niyang blueprint ng buong school bago pumunta sa Student Council room. Pagkapasok niya ay kumpleto na agad ang mga ito. Madalas na rin kasing magpatawag ng biglaang meeting si Alyssa kaya nasanay na ang mga officers na magrespond agad-agad. Dahil kung late ka, impeached ka na agad.

Nakaupo na sa kanya-kanyang pwesto si Ara, ang bise presidente, at ang iba pang officers na sina Kim, Gretchen, Fille, Mika, at Ella. Sila-sila ring magkababata ang officers maliban kay Mika dahil sila lang sa ngayon ang mapagkakatiwalaan ni Alyssa . Kahit na mas nangangailangan sila ng maraming officers, sila kang talaga ang pinili niya. Walang botohan na magaganap. Si Mika naman ay napasama dahil may mga alam rin naman ito sa mga nangyayari dahil close na sila ni Galang noon pa man. Siya din kasi ang tumayong bise noong hindi pa mahagilap si Ly at si Ara ang tumayong presidente noon.

"Good morning." Sabi niya nang makapasok. Aga siyang pumunta sa harap at umupo sa pinaka kabisera ng meeting table.

"Para saan 'to, Supremo?" Tanong ni Gretchen sa kanya.

"I overheard bits of information. Obviously, may gustong makuha ang mga Revilla at gagawin nila ang lahat para makuha iyon. Hindi ko na sasabihin kung ano iyon dahil hindi naman mahalaga iyon. We need to be alert sa mga ginagawa nila. Galang, malapit ang dorm mo sa villa na ipinatayo ng Revilla na iyon, bantayan niyo sila. Under mo pa rin naman si LA kaya gawin mo ang dapat mong gawin. Gretchen, sa tingin ko ay haharangin nila ang mga connection natin sa labas maging sa mall. Hospital lang ang ititira nila kaya humanap ka ng paraan para magampanan mo role mo sa external affairs natin. Ella, the commoners, warn them. Hindi na lang frat ang damay dito. Kim, those guards, bantayan niyo anh bawat kilos nila. Fille, kailangan ko lahat ng itinago niyong pictures natin noon. Alam kong may mga tinago kayo ni Ella. Yun lang muna sa ngayon. May mga katanungan ba kayo?" Sabi niya at sumandal sa swivel chair niya.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon